Chapter 20

4.6K 394 58
                                    

Joella POV

"HI baby." Nakangising bati sa akin si Sir Ace paglapit ko.

Napanguso naman ako sa tinawag nya sa akin pero sa loob ko ay kinikilig ako. Nakasuot pa sya ng pang opisina nya minus necktie and coat, bukas ang ilang butones kaya nasisilip ko ang malapad nyang dibdib.

"Ang aga mong umuwi. Wala ka nang trabaho sa office?" Tanong ko at iniwas na ang tingin sa katawan nya dahil baka kung saan pa dumako ang mata ko.

"Meron pa, pero bukas ko na lang yun tatapusin." Binuksan nya ang pinto ng kotse sa front passenger seat. "Hop in."

Pumasok naman ako at umupo sa shotgun seat. Dahan dahan namang sinarado ni Ace ang pinto. Nilagay ko ang bag sa kandungan ko at kinabit ko ang seatbelt. Sumakay naman si Ace sa driver seat at para syang may inabot sa likuran.

"For you."

Umawang ang labi ko ng iabot sa akin ni Ace ang isang bouquet ng pink roses. Kinuha ko naman yun kasabay nang pagbilis ng pintig ng puso ko dahil sa kilig.

"Hindi lang yan, syempre meron pang chocolates." Inabot nya sa akin ang brown paper bag.

Kinuha ko naman yun at sinilip ang laman. Puro chocolate nga ang laman.

"Thank you." Sabi ko.

"You're welcome." Nakangiti namang sabi nya sabay kindat pa.

"Pero puro na tayo bulaklak sa bahay at yung ref natin puro na chocolate."

Ngumisi sya. "Ayaw mo na ba ng bulaklak at chocolates?"

"Hindi naman sa ayaw ko, pero okay lang naman kahit wala na nito, eh. Yung paghatid at sundo mo sa akin na-a-appreciate ko na yun at malaking bagay na yun sa akin."

"Awe.. thank you baby." Nakangiting sabi nya. Yung ngiti nya at abot tenga at mata. Nakaguhit ang saya sa kanyang mukha. Mukhang natuwa sya sa sinabi ko.

"Basta, simula bukas huwag mo na akong daldalhan ng bulalak at chocolate. Hindi ko pa nga nababawasan ang mga chocolate na binigay mo eh."

"Okay, ganito na lang. Isang beses sa isang linggo na lang kita bibigyan ng flowers and chocolate. How about that?" Tawad nya.

Bumuntong hininga ako. Mukhang hindi talaga sya papapigil.

"Oo na. Isang beses na lang."

Mahina syang tumawa at pinaandar na ang kotse. "Anyway, maaga pa naman para umuwi. Gumala muna tayo." Yaya nya sa akin.

"Saan naman tayo gagala?"

"Naalala ko, hindi ka pa pala nakakapag day off simula ng mamasukan ka sa akin at hindi ka pa nakakapamasyal dito sa Manila."

"Kung magdi-day off ako, saan naman ako pupunta?" Ayokong umuwi sa Rizal. Mas gusto kong magtrabaho na lang kesa umuwi.

"Alright, sa weekend day off mo, ipapasyal kita dito sa Manila."

"Talaga, ipapasyal mo ko?"

"Oo naman, treat ko sayo. Saka parang date na rin natin." Aniya sabay pilyong kumindat.

Nag init ang mukha ko. Sabi na eh, may ibang motibo ang pag aaya nya nang pasyal. Pero sige na nga, pagbibigyan ko na sya pati na rin ang sarili ko.

Hindi muna kami dumiretso ng uwi ni Ace at gumala muna kami. Dinala nya ako sa Luneta Park. First time ko sa Luneta Park at marami rami ang tao. May pamilya, may magkasintahan, may magbabarkada na magkakakalase at meron ding mga loner na tamang picture picture lang. Syempre ako din, tamang picture din sa paligid lalo na sa statue ni Rizal.

Can't Help Falling In Love With Sir AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon