Chapter 9 - His Other Side

44.5K 698 26
                                    

Dedicated to OdessaBenaning... Maraming salamat!

A special thank you sa lahat ng mga nag-vote and comment sa previous chapter. I'm glad na nagustuhan niyo kahit feeling ko ang pangit nung nakaraan. :))

Hope you also like this chapter! Labyu guys! :*

Enjoy!

==================================

CHAPTER 9

Napasinghap si Mikay nang bigla na lamang siyang buhatin ni Gino mula sa pagkakahiga sa maliit na sofa. “G-gino? Ibaba mo nga ako, ano ba?”

He completely ignored her and continued to walk towards her bedroom. Sa sobrang pagkagulat sa mga nangyayari ay hindi na siya nakapagsalita. Hindi na rin siya nagtangkang magpumiglas sa takot na bitawan siya bigla ng binata.

‘What has gotten into him?’

Maingat na binaba siya ni Gino sa kama at tiningnan ng mariin. “Wag kang gagalaw. Babalik ako,” he told her sternly.

Wala sa loob na tumango siya. Agad namang lumabas ito ng silid niya. Habang hinihintay itong bumalik ay naglaro ang kung ano-anong teoriya sa isip ni Mikay. Hindi niya lubos maisip kung bakit biglang naging ganito ang pakikitungo ni Gino sa kanya.

“Ano naman kaya ang nakain nun?” tanong niya ulit sa sarili.

Muling sinalat niya ang noo. Mukha yata talagang nilalagnat siya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Maliban sa sakit ng katawan at pagod at konting panlalamig, wala naman siyang kakaibang nararamdaman. She felt fine and didn’t see what the fuss was all about.

Naalala niyang nag-sorry si Gino sa kanya kanina. Bakit naman kaya?

Then it occurred to her. Nag-aalala si Gino sa kanya. Posible kaya? Maari nga bang bumabait na ito sa kanya? Hindi niya alam kung bakit, pero napangiti siya bigla. Pero agad naman niyang pinalis sa isip iyon.

‘Bakit naman siya mag-aalala? Ano ka ba niya? Hmp! If I know, nagi-guilty lang ‘yon kaya nag-sorry. Siya naman kasi ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito.’

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now