Chapter 36 - Nightmares

34K 571 24
                                    

Dedicated to CraztKulit23. Thank you!

Maraming salamat po sa lhat ng votes at comments nung nakaraan! Enjoy guys!

=======================

CHAPTER 36

“Hija, nandito na si Gino,” sabi sa kanya ng Yaya Diday niya mula sa nakaawang na pinto ng silid niya.

Agad na tinigil ni Mikay ang ginagawa at nagmamadaling sinalubong ang kasintahan. She smiled when she saw him waiting at the foot of the stairs with a bouquet of flowers in his hands.

Sa mahigit na isang linggo mula nang maging opisyal silang magkasintahan ay hindi pa ito pumapalya sa pagbibigay sa kanya ng mga bulaklak araw-araw. Nang minsang sitahin niya ito ay sinabi lamang ni Gino na bumabawi lamang daw ito sa mga panahong sinayang nila. In the end, she gave in and let him be.

Tinalon niya ang huling dalawang baitang. Maagap naman siyang nasalo ng yakap ni Gino.

“You really have to stop doing that. You’re going to hurt yourself,” sermon nito.

“Alam ko namang sasaluhin mo ako,” sagot niya.

Ngumiti ito at pinisil ang ilong niya. Pagkatapos ay inabot nito sa kanya ang mga bulaklak. “For you.”

“These are the best ones so far.”

“So, tumama rin ako sa wakas?” excited na tanong nito. Sinusubukan kasi ni Gino na hulaan ang paborito niyang bulaklak kaya paiba-iba lagi ang dala nito.

Nakangiti siyang tumango. Napasuntok naman ito sa ere.

“Callalilies. I should have known,” komento nito at inakbayan siya.

“It was a fun game. Ngayong alam mo na, you can stop bringing me flowers. Nagmumukha nang flower shop ang kwarto ko.”

Mabilis itong umiling. “No way. Sabi ko naman sa’yo, I like giving you flowers. Ilang buwan din akong nagpipigil. Hayaan mo na lang kasi ako.”

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now