Chapter 10 - The Green-Eyed Monster

43.5K 691 40
                                    

Dedicated to one of my recent readers sa The Boss and the Wallflower. Thanks so much for all the votes and comments NOrdinaryANNE! Hope you'll also get to read this story and like it. :)

Is it just me, or nagkaka-problema na naman si Watty? Parang ang konti kasi ng mga reads ng mga recent chapters compared sa mga nauna. Nakaka-sad lang.

But anyways, here's the update. Sorry for the delay guys. Nasira kasi ang aking MacBook. Had to buy a new laptop. T_T

Enjoy reading!

===================================================

CHAPTER 10

“Mikay, umuwi ka na lang kasi sinabi. Ako na nga ang bahala rito.”

“Eh, kaya ko naman kasi ‘yan! ‘Di ba may pasok ka pa? Umalis ka na kaya. Ako na jan.”

“Ang kulit naman eh! Ilang beses ko bang sinabi sa’yo na hindi nga muna ako papasok ngayon? Paulit-ulit tayo?”

“Gino naman eh!”

Dinig ni Mikay ang tawanan ng mga nagmamasid na mga kapitbahay na kasama nila sa balon nang araw na iyon, dahil sa bangayang nagaganap sa pagitan nilang ‘mag-asawa’. Pilit kasing inaagaw ni Mikay ang mga labahin mula kay Gino at hindi naman ito nagpapatinag.

Laking gulat niya kanina nang i-anunsiyo nitong ito ang maglalaba at hindi ito papasok ngayong araw. Tumanggi siya at sinabing siya na lang ang gagawa, pero nagpumilit ito. Kaya naman, hinabol niya ito hanggang sa balon kung saan nandoon na rin ang iba nilang kapitbahay, kabilang na si Aling Salve.

Simula nang gumaling si Mikay mula sa sakit, hindi na siya pinayagan pang maglaba ni Gino. Nitong mga nakaraang araw ay si Aling Salve ang naglalaba ng mga damit nila. Labis na nga siyang nahihiya rito, pero wala naman siyang magawa. Sinusuhulan naman daw ito ni Gino. Pero kahit na.

Naninibago man siya sa biglang pagbait ng binata sa kanya, ay hindi na siya nagtatanong pa. Nang minsan kasing kinuwestiyon niya ito, ay ini-snub at binara pa siya nito. But this was too much.

‘What game is he playing at?’ ang lagi niyang tanong sa sarili. Hindi kasi niya alam kung hanggang kailan magiging ganito kabuti ang pakikitungo nito sa kanya. Kinakabahan tuloy siya at hindi niya malaman kung saan siya lulugar.

“Mikay, hayaan mo na muna kasi ‘yang asawa mo. Naku, kung ang mister ko ang nagboluntaryong maglaba para sa’kin, aba, wala siyang maririnig na reklamo sa galing sa akin,” singit ng isang ale. Dumagdag pa ng panunudyo ang iba.

“O ‘di ba nga ‘nay?” sang-ayon naman ni Gino. “Narinig mo? Kaya sige na, umuwi ka na. Para masimulan ko na rin ‘to.”

“Fine. Bahala ka,” nagdadabog na sagot niya at tinalikuran na ito.

Habang pabalik siya ng bahay ay hindi niya maiwasang pag-isipan kung bakit nagkakaganito si Gino.

‘Reverse psychology? Baka naman gusto niyang mahiya ako sa kanya para mapilitan akong umalis na. Hmm. Hindi naman malabong ganun nga. Knowing him, he can come up with an evil plan without being obvious. Hay! Nase-stress na talaga ako sa kanya! Kainis!’

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon