Chapter 24 - The Great Pretender

44.6K 663 47
                                    

Dedicated to kvuc28! Belated Happy Birthday Kate! :)

Thanks for you feedback sa last chapter. Hinabol ko talaga ang update kahit sobrang busy. Hope you like it!

Enjoy!

=============================

CHAPTER 24

Matamlay na dumulong si Mikay sa hapag-kainan nang sumunod na umaga. Hindi siya nakatulog sa pag-iisip tungkol sa alok ni Gino. Pilit niyang kinukumbinsi ang sariling tanggihan ito. Pero sa tuwing naaalala niya ang mga nakikiusap na tingin nito sa kanya nang nagdaang gabi ay naglalaho ang lahat ng inhibitions niya.

Ilang beses din niyang tinangkang tawagan si Gino para sabihin dito na pumapayag na siya sa alok nito, pero pinigilan niya ang sarili. Natatakot pa rin siya. Alam niyang pagkatapos ng lahat ng ito, siya ang maiiwang luhaan at nasasaktan. Pero hindi naman maatim ng konsensiya niyang pabayaan si Gino gayong nangangailangan ito ng tulong niya.

“Is something bothering you, sis?” untag sa kanya ng kuya niya.

“H-ha? W-wala… Wala kuya,” pagsisinungaling naman niya.

“Oo nga, anak. Napapansin kong parang distracted ka nitong mga nakaraang araw. May problema ka ba?”

Sasabihin ba niya ang totoo? Nahihirapan na rin kasi siya sa ginagawang pagsisinungaling sa papa at kuya niya.

“Actually, pa… M-may… M-may sasabihin po sana a-ako…” simula niya.

“What is it?”

She was about to come clean and tell them everything, pero naduwag siya. Ano na lang ang magiging reaksiyon ng mga ito? Hindi pa nga siya lubos na nakakabawi sa ginawa niyang paglalayas, heto na naman siya at gagawa ng bagong gulo.

“Ah… W-wala… Wala po, pa… Nakalimutan ko na… Hindi naman importante…”

“Sigurado ka? You can tell me, you know,” pamimilit naman ng ama.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now