Chapter 4

552 13 16
                                    

Chapter 4

Dali-dali akong bumaba mula sa balkonahe namin at hinarap siya. Nakasuot siya ng puting t-shirt, isang itim na shorts, at isang puting sapatos na may check sa gilid. Isang puting bistida naman ang suot ko.

“Hi,” sabi niya at pinakita na naman iyong magkabilang dimples niya.

Umirap ako.

Pinag-ekis ko ang aking mga braso. “Bakit ka nandito?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“I wanted to see you!” Sabi niya at napatalon pa sa tuwa.

Kumunot ang noo ko. “'Di ba dapat ay nagpapahinga ka?!” Iritado kong sabi sa kaniya dahil imbes na magpahinga sa hospital o 'di kaya sa kanilang bahay ay dumiretso pa talaga siya rito sa amin!

“Hi, kid. Are your parents home?” Tanong ng isa sa mga nakakulay itim na lalaki sa kaniyang likuran, lumuhod pa ang isang tuhod nito para magkapantay ang tangkad namin.

“Bakit?” Tinaasan ko ito ng kilay.

“Madame wants to talk to them,” sabi niya sa pagkarahan-rahang boses. “Can you tell us where they are?”

Inirapan ko siya. Tumawa naman ang isa nitong kasamahan sa likod ni Leon.

Akala ba talaga nila na porke't bata ako ay mauuto nila ako?

“Wala sila rito,” sabi ko naman, hindi pa rin inaalis ang matalim kong tingin sa kanila.

“Go away!” Si Leon na pumagitna sa amin.

“Sir Leon, your mother gave us strict orders to keep an eye on you, so we can’t leave,” sabi ng lalaki.

“No one will hurt me here, okay? You can go home now. I'm safe here with Patrienne,” sabi niya at nakangiting bumaling sa akin.

Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon ko roon. Pasalamat siya at wala kaming pasok ngayon dahil may meeting daw iyong mga teachers! Kung hindi ay wala siyang maabutan dito sa bahay!

Bumuntong hininga ang lalaki at may sinenyas sa kasamahan niya. Tumango naman ito saka kinuha ang parang maliit na radyo mula sa bulsa niya.

“We'll be around to watch over you, sir,” sabi ng lalaki saka sumunod na sa kaniyang kasama.

Nang sa wakas ay malayo-layo na ang dalawang lalaki sa amin ay tuluyan akong bumaling kay Leon. Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin na para bang hindi siya nanggaling sa pagkakadukot.

May maliit na bandage pa nga ang gilid ng ulo niya!

“Pumasok nga muna tayo!” Sabi ko at umakyat muli sa aming balkonahe dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya!

Sumunod naman agad siya sa'kin.

Pinaupo ko siya sa aming upuan na gawa sa kawayan. Tahimik naman siyang umupo roon habang kumuha ako ng tubig para sa kaniya.

“Oh,” sabi ko at inabot sa kaniya iyong baso na may tubig.

Ngumiti siya at tinanggap iyon.

“Bakit ka ba nandito? 'Di ba dapat ay nagpapahinga ka?” Kunot-noo kong tanong at kinuha ang walis tambo.

Sinimulan kong walisan ang aming sahig na gawa sa tabla habang nakikinig sa kaniya.

Kaya ayaw ko ng bisita, eh! Kahit na malinis naman iyong sahig namin ay wawalisan ko pa rin dahil nasanay ako kay nanay!

“I can't rest at home,” sabi niya sa mahinang boses habang hawak-hawak ang baso gamit ang dalawa niyang kamay.

Gusto ko pa sanang malaman kung bakit hindi siya makapagpahinga sa bahay nila, pero napansin kong parang nanghihina siya sa usapan namin kaya tinigil ko na lamang ang pagtatanong.

Dance With The Strings (Chains of Puppetry Series #2)Where stories live. Discover now