MALOI
"Malooooiiiiiii!!!"
Nagkatinginan kami ni Elsa, ang isa sa mga kasambahay ng pamilya Lim nang maringgan namin ang boses na 'yon. Sinenyasan ko siyang huwag magsalita, habang unti-unti akong naglalakad palabas ng dirty kitchen. Magdadahilan na lang ako na hindi ko naririnig ang pagtawag nya.
"Maloiii!!!" Muling sigaw ng bunsong anak ni Madam Mira.
"Maloi! Baka lalong magalit si Miss Mikha!" Nasa mukha na ni Elsa ang pag-aalala. "Puntahan mo na kaya!!"
"Tangna kasi! Bakit ako lang ang kilala ng babaeng 'yan?!" Maktol ko saka napasuklay sa aking buhok at napabuntong hininga.
Anim na buwan na akong nagtatrabaho sa pamilya Lim. Sa unang tatlong buwan ko ay okay naman ang trabaho ko bilang kasambahay. Nakaatang sa akin ang paglalaba at pamamalantsa ng mga damit ng buong pamilya. Madali lang naman, kasi may washing machine, hindi kagaya sa dati kong pinagsilbihan na mano-mano ako kung maglaba. Saka noong una mga damit lang ng mag-asawa ang nilalabhan ko pero simula noong dumating galing ng US ang bunsong anak nila, nadagdagan ang labahin ko. Pero okay pa rin naman kung tutuusin kung hindi lang sa pagka maldita ng dalaga.
Kung hindi ba naman, sa dinami rami ng kasambahay rito sa malaking bahay na ito, pangalan ko lang ata ang tumaga sa utak ng bunsong Lim. Kaya ang dating madali kong trabaho (pagdating sa trabaho hindi naman talaga ako mareklamo) naging delubyo dahil sa ugali ng dalagita! Hindi ko nga alam kung saan nagmana ng kamalditahan ang babae dahil sobrang bait naman ng mag-asawang Lim. Ni wala nga silang pakialam sa aming mga kasambahay kung nagtatrabaho ba kami o hindi. Sayang ang kagandahan nya at ang lakas ng dating nya dahil sa ugali nya! Crush ko pa naman siya! Kaso naturn off ako sa attitude nya! Wow, Maloi ganda mo ha? Choosy pa 'yan? Kastigo ko sa aking sarili.
"Elsa nasaan ba si Mal—andyan ka lang pala Maloi! Kanina ka pang tinatawag ni Miss Mikha." Sita naman sa akin ni Nanay Risa, ang mayordoma ng mansyon. Siya bale ang nagrekomenda sa akin dito. Nakilala ko siya sa palengke noong tinulungan ko siya dahil muntik na siyang mahimatay sa sobrang hilo at init ng panahon.
"'Nay, pwede bang magdahilan na lang kayo. Magtatanong na naman sakin 'yan ng mga bagay na hindi ko naman alam eh!" Napapakamot ako sa aking ulo at napapangiwi.
"Naku, batang ito talaga! Hindi ka pa ba nasasanay sa kanya?"
"Hinding hindi po 'Nay! Lalo na kung ang ugali niya ay kasing ugali pa ng ha--"
"Maloi!! Didn't you hear me calling you?!" Salubong na ang makakapal na kilay ni Miss Mikha nang bumungad siya sa pinto ng kusina.
Napalunok ako at napatingin kina Nanay Risa at Elsa. "K-Kakagaling k-ko l-lang sa likod bahay Miss Mikha.." Palusot ko. Napalunok ako nang humalukipkip siya sa aking harapan at pinagtaasan ako ng kilay. "M-May k-kailangan po kayo, Miss?" Dahan dahan akong lumapit sa kinatatayuan nya kahit pa nga pakiramdam ko may suot akong bakal na sapatos dahil ang hirap humakbang palapit sa kanya.
"Follow me in my room!" Asik nya saka ako tinalikuran at nauna nang maglakad papunta sa kanyang kwarto.
Agad naman akong tumalima at sumunod sa kanya. Ano na naman kayang itatanong sa akin nito? O ano kayang hahanapin na naman nya? O ano na naman kayang iuutos nya?!
"Where the hell is my black shirt?!" Iyon agad ang bungad nya sa akin pagkapasok na pagkapasok namin ng kwarto nya.
Napatingin ako sa mga damit nya na nakakalat sa sahig pati na sa ibabaw ng kanyang kama. Jusku naman, sa dinami rami ng damit nya at sa dami na ng nahalungkat nya, nakuha pa nya talagang maghanap ng black shirt?!?! Napakamot ako sa aking noo. "Itatanong ko po kay Elsa. Siya kasi ang nakatoka na mag-ayos ng mga kwarto, kasama na itong kwarto nyo!" Sinubukan kong salubungin ang mga mata nya na pinandilatan ako.

YOU ARE READING
A Young Heart's Promise
FanfictionMikha has been inlove with Maloi since the first time they've met. She did everything on her will to make her fall for her. And she didn't fail! Maloi fell for her and it made her the happiest person on Earth. So she took that chance and secretly s...