Maloi
Sinundan ko ng tingin ang nakatalikod na bulto ni Mikha habang naglalakad siya papunta sa kanyang kwarto. Nangyari 'dun?
Mula nang umalis kami sa apartment, hanggang sa makasakay ng kanyang sasakyan at hanggang sa makauwi na nga kami hindi na siya nagsalita pa.
Mas okay pa sa akin na pinagtataasan nya ako ng boses o pinag-iinitan kesa iyong ganito na tahimik siya dahil hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa utak nya. "Mikha.." Huminto naman siya saka ako hinarap. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng sunod kong sasabihin. "O-Okay k-ka lang?"
"Ahuh.." Tumango pa siya at nagkibit balikat.
Napatikhim ako saka tipid na ngumiti. "Do you want me to prepare the reclining chair?"
Malimit ko siyang i-pamper noon kapag hindi maganda ang mood niya or kapag pagod siya sa trabaho nya. Kapag niready ko na ang reclining chair, isa lang ang ibig sabihin nun. I-ma-massage ko ang paa at binti niya. Minsan pa pati ang kanyang ulo. And while I'm doing those things, she will rant everything that's on her mind. And when I say everything, it means as in lahat ng detalye sasabihin niya. Ultimo pusa na nasipa ni Jho ikukwento nya pa!
"I love it when you're doing this things for me, Maloi.. I feel like may superpowers ka, dahil hindi lang ako narerelieve physically, emotionally and mentally I feel fully charged!"
Iyon ang malimit nyang sinasabi sa akin after. Kung alam lang niya iyong saya sa puso ko kapag napapagsilbihan ko siya.
Tila ba nag-aalangan siya kung tatanggapin niya ang inaalok ko. "Y-Yeah sure. I guess I need it now." Sang-ayon nya habang nagkibit balikat. "Let me just change." Paalam niya saka ako tinalikuran.
Tumango pa rin ako kahit hindi na siya nakatingin sa akin. Agad na akong kumilos para ma-i-ready na ang lahat.
***
"Hmm.. It feels so good, Maloi..." Mahina niyang bulalas. Nakasandig ang ulo niya sa headrest ng upuan habang nakapikit at nakangiti. Halata sa mukha nya na gusto niya ang ginagawa kong pagmasahe sa kanyang paa.
Tipid lang akong ngumiti. Mas lalo ko pang pinag-igihan ang aking ginagawa. After all, namiss ko ring gawin sa kanya ang mga ganitong bagay. Isa sa mga gusto kong ginagawa para sa kanya.
"I don't know what's wrong for being frank and honest." Napatunghay ako sa kanya. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Lihim akong napangiti.
Now she's starting.
"I mean, bakit ba kokonsensyahin pa ako ni Stacey? I just did the right thing! Kung tutuusin dapat nga noon ko pa sinabihan si Aiah."
"Hmm.." Mukhang nag-uumpisa na siyang marelax at mag enjoy dahil nagsisimula na siyang maging komportable. May mga bagay pa rin talagang hindi nagbabago. Mikha used to complain to me even before.
"So what if Aiah is her cousin?! Besides, hindi nya dapat sinasabi sa akin na kaibigan ko si Aiah. Obviously, I know about that already! But it doesn't mean na hindi na ako magpapaka pranka!" Patuloy niyang kwento.
Kinuha ko ang tuyong towel sa aking tabi na inihanda ko rin kanina. Ipinatong ko ito sa aking binti saka inilagay ang kanang paa ni Mikha. "Hmm.. Depende naman siguro iyon sa sitwasyon."
Tumingala ako kay Mikha nang mapatikhim siya. Nakataas ang kilay nya. "What? I don't think so. We should be honest all of the time."
"Kahit makakasakit na tayo ng ibang tao?" Nanghahamon kong tanong saka pinunasan ang kanyang paa.
"Whatever the circumstances are. Kung hindi ka magpapakapranka at magpapakatotoo, bibigyan mo lang ng maling paniniwala iyong tao!"
Tumango tango ako at tipid na ngumiti. Hindi na rin ako tumingin pa sa kanya. "Okay. Nagegets ko na." Sang-ayon ko saka naman pinag-tuunan ng pansin ang kanyang kaliwang paa.

YOU ARE READING
A Young Heart's Promise
FanfictionMikha has been inlove with Maloi since the first time they've met. She did everything on her will to make her fall for her. And she didn't fail! Maloi fell for her and it made her the happiest person on Earth. So she took that chance and secretly s...