Side Story (JhoCey)

146 10 3
                                    

Overdue Love

Stacey

Why I ended up in this situation— sitting next to people I barely knew— Sheena, Gwen and Colet—  eating this thing called pansit guisado (which I just learned now was Jhoanna's favorite) I really don't understand?

Actually, it all started when the great Mikhaela Janna Jimenea Lim slapped me on the face (but not literally) about what I trully feels.

The nerve of that friend of mine saying about bullshit things! Akala mo kung sinong expert sa nararamdaman ng ibang tao!

Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa aking tapat. Si Jhoanna Christine Robles— the not so beautiful, not so talented, not so smart, not so witty, not so sweet, not so carefree, not so— damn it! Why does she looks so perfect in my eyes in so many ways? Parang nag echo sa tenga ko ang sinabi sa akin minsan ni Mikha.

"Look at yourself, Staks! You keep on pretending that you have no feelings for Jho— but I can see slowly– how its drowning you. And I don't want that to happen to me."

"What are you looking at?" Nakairap na tanong ni Jho habang hindi siya aware sa dumi na nakapalibot sa kanyang bibig.

I rolled my eyes and grabbed some tissues. Bahagya akong tumayo saka pinunasan ang kanyang bibig. "Until now para ka pa ring bata kung kumain, Robles!"

Inagaw niya sa akin ang tissue saka nya itinuloy ang pagpupunas sa kanyang bibig. "Pakialam mo ba?"

Napatingin ako kay Sheena na tipid kong nginitian. She had also this mischievous smile on her lips. "Hindi ko talaga mapaniwalaan na magbestfriend kayo ni Miss Jhoanna."

"Kumain ka na lang kaya Bebe!" Napansin ko naman sa aking tabi ang pasimpleng pandidilat ng mga mata ni Gwen bilang pagsaway sa babaeng katapat nya.

Nang mapadako naman ang tingin ko kay Vergara, nakataas ang kilay nya sa akin at tila ba may nalalaman siyang hindi ko nalalaman. Idagdag pa ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi.

No wonder, kuhang kuha nya ang gigil ni Mikha Lim. Dahil pati gigil ko nakukuha na rin nya. Ano bang meron sa bisaya na'to at masyadong madikit sa kanya ang mga babae!

Muli kong tiningnan si Jho na sinamaan ako ng tingin saka binalingan ang katabi niyang si Vergara. "Colet, gusto ko pa ng pansit. Order pa tayo?"

Shit! Ang arte, tang'na! Bakit kapag kay Vergara ang lambing lambing ng boses nya pagdating sa akin daig pa niya ang nagme menopause?

"Can't you just order on your own Jho? Why do you have to ask someone else to order for you?"

Halos lahat ng kanilang mga mata ay muling napatingin sa akin. Pero mas nangibabaw ang tingin ni Jhoanna dahil sa sobrang talim ng pagkakatingin nito.

"My God Stacey, can you just shut your mouth if you have nothing good to say? Hindi naman ikaw ang kinakausap ko ah? Saka hindi naman ako sa'yo nagpapaorder! Ano bang problema mo?"

I bit my lip and combed my hair. I smiled curtly to everyone in the table and gaze at Jhoanna.

Really, I don't understand why did it happen? And when did it happen? Of all people that you've met Stacey Sevilleja, how did you fall deeply in love with Jhoanna Robles— your best friend?

"S-Stacey.."

Nagsalubong ang aking kilay nang mapagbuksan ko sa pinto ng aking apartment si Jhoanna.

Medyo magulo ang lampas balikat nyang buhok na napagtripan niyang ipakulot last month (by which gusto ko agad na ipastraight nya ulit sa unang beses ko pa lang na pagkakita sa kanya dahil— she looks so damn hot! Mas lalo lang dadami ang mga babae at lalaking maghahabol sa kanya na papaiyakin lang din naman siya at the end).

A Young Heart's Promise Where stories live. Discover now