18

186 9 0
                                    

Maloi

Nagtataka akong napatingin kay Mikha na katabi ko sa passenger's seat. "Bakit tayo nandito?"

"You said you need to talk to Sheena and get some things in your apartment. Here you go." Iminuwestra pa nya ang gate ng apartment na inuupahan namin ni Sheena.

"Pwede ba ako—"

"I'm just giving you twenty minutes." Walang ganang sabi ni Mikha hindi pa man niya naririnig ang iba ko pang sasabihin.

"Mikha hindi naman uubra ang twen—"

She glared at me. "Your twenty minutes is starting now, Maloi."

Inis akong napabuga ng hininga saka siya inirapan. "Anong magagawa ko sa loob ng twen—" Muling naputol ang sinasabi ko ng magring naman ang cellphone niya. Sinamaan nya lang ako ng tingin saka sinagot ang kanyang cellphone.

"Hello.."

Sumenyas ako sa kanya na bababa na ako pero pinigilan niya ako sa braso at pinaghintay dahilan para mapatirik ang aking mga mata. Seriously?!

"What?! Is it today already, Staku?"

Ibinaling ko ang aking pansin sa labas ng bintana habang hinihintay si Mikha na matapos makipag-usap sa kanyang cellphone.

"There's no one to blame, Staks! Nawala lang talaga sa isip ko ngayon. Besides, ngayon ko lang din naalala na minessage ako ng secretary ko kaninang umaga."

Nilingon ko siya at nagtama ang aming tingin saka naman siya napahinga ng malalim. Kung ang pagbabasehan ay ang reaksyon ng mukha niya, tila ba natalo siya sa kung anuman ang pinag-uusapan nila ng kausap nya.

"Alright." Tila ba napipilitan pa nyang sabi. "I'm coming! Just give me twenty minutes and I'll be there." Tumango tango pa siya na para bang kaharap nya ang kanyang kausap. "Okay, bye. See you."

Isang buntong hininga na naman ang pinakawalan nya bago ako binalingan. "I almost forgot. I need to meet up with Stacey tonight." Mababakas sa ekspresyon ng mukha nya na napipilitan lang siya.

"Pwede naman na bukas na ako bumalik sa condo mo, Mikha. Aagahan ko na la—" Nahinto na ako sa pagsasalita dahil nakataas na ang kilay niya sa akin ngayon.

"Who said that you can decide on your own?"

Napabuntong hininga na lang din ako saka pasimpleng minasahe ang aking batok. Nakakasakit sa katawan ang mga issue sa buhay ni Mikha Lim. "Narito na rin lang kasi ako. Alangan naman na isama mo pa ak—"

"I'll just fetch you after I meet them."

"Paano kung gabi na kay—"

"Whatever time it will be, you have to wait for me. I will not let you spend the night here."

"Hindi naman ibang tao si Sheena. Besi—"

"Would you stop that?!?!" Salubong na ang kilay nya at hindi na nya itinago ang iritasyon sa kanyang tinig. Napasulyap tuloy ako sa driver dahil sa pagkapahiya. "Stop arguing! Sinabi ko na sa'yong susunduin kita. Tapos ang usapan!"

I sighed and nodded. "Okay fine!" Inayos ko ang aking shoulder bag upang mabilis na umiwas sa kanya ng tingin. Ayokong makita nya kung gaano ako kabilis maapektuhan sa paraan ng pagtrato nya sa akin.

Dahil kahit palagi ko namang ipinapaalala sa aking sarili na ito ang nararapat para sa akin, hindi ko pa rin maiwasang masaktan o maapektuhan. "H-Hihintayin n-na l-lang kita.." Sumusuko kong sabi.

"Good. I'll call you later." Malamig niyang sabi.

Tumango na lang ako at walang lingon likod na bumaba ng kanyang sasakyan. Pasimple ko pang pinunasan ang luhang bigla na lang kumawala sa aking mga mata.

A Young Heart's Promise Where stories live. Discover now