Chapter 27 - Dito Ka Lang

4.1K 148 3
                                    


ELSIE'S POV :

Hindi maganda ang lagay ni Jungkook . Gabi na ngayon at nag-aalala na ko nang sobra sa kalagayan niya ngayon .

''Jungkook , Dadalhin ka na namin sa Hospital'' Sambit ni Namjoon.

''Ayoko , Wag ! Baka kung ano pang isipin ng mga tao . Baka isipin nilang pinababayaan ako ng kompanya'' Sagot ni Jungkook na nakaupo sa may Sofa .

''Pero Jungkook , May lagnat ka ! Di pwedeng hayaan na lang 'yan'' Sambit ko sa kanya.

''Tama si Elsie , Tatawagan na lang namin si Manager Song'' Sambit ni Jimin.

''Wag na ! Please , Wag niyo na silang tawagan pa . Konting pahinga lang 'to okay na ko'' Sambit niya.

''Fine , Bibili na lang kami ng gamot'' Sambit ni J-Hope.

''Sige , Mag-iingat kayo sa labas Guys'' Sabi ko kaya naman umalis na sina Jimin , J-Hope at Suga.

''Dadalhin ka na namin sa kwarto mo'' Sabi ni Taehyung.

''Ayoko dun , Basta hayaan niyo na kong makapagpahinga dito'' Sabi ni Jungkook.

''Sige , Ikaw ang bahala'' Sagot naman ni Namjoon.

''Kakulit mo naman eh'' Sabi ni Seokjin.

''Kukuha ko ng basang bimpo'' Sabi ni Taehyung sabay tayo.

''Aayusin ko yung higaan mo sa kwarto mo'' Sabi ni Namjoon.

''Diyan ka lang , Jungkook . Magpahinga ka na'' Sabi ko sabay tayo kaso bigla niya kong hinawakan sa kamay.

''Elsie , Dito ka lang . Wag mo kong iwanan . Please'' Sabi niya kaya natigilan ako .

Napatingin ako kina Seokjin na nagulat din sa sinabi ni Jungkook .

''Jungkook'' Sambit ko.

''Please , Dito ka lang sa tabi ko . Kailangan kita'' Sabi niya sakin.

''Sige , Basta mag..magpahinga ka na'' Sabi ko sa kanya sabay upo sa tabi niya .

Iniabot na sakin ni Taehyung yung basang bimpo kaya naman inalagaan ko na si Jungkook . Pinunasan ko siya ng basang bimpo sa braso niya at kamay .

''Wag kang mag-alala . Hindi kita iiwanang mag-isa . Aalagaan kita'' Sabi ko sa kanya sabay smile sa kanya .

Dumating na sina Suga , Jimin at J-Hope at agad na naming pinainom ng gamot si Jungkook .

''Ayan , Magpahinga ka na ah'' Sabi ni J-Hope.

''Kailangan mong magpalakas'' Sabi naman ni Suga.

''Salamat sa inyo . Salamat sayo Elsie'' Sabi ni Jungkook sabay tingin sakin.

''Magpahinga na rin kayo Guys'' Sambit ni Namjoon kaya naman nagsitulugan na yung ibang members .

Nasa labas ng bahay sina Namjoon , Taehyung at Seokjin habang sina Suga , Jimin at J-Hope ay natutulog na sa kwarto nila .

Ako naman , Binabantayan ko si JUNGKOOK sa ngayon dahil kailangan niya ko .

Hinawakan niya ko sa kamay at tiningnan ko siya .

''Salamat Elsie . Salamat sa pananatili sa tabi ko'' Sabi niya sakin .

''Kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit eh . Naulanan ka at nalamigan dahil sakin mo pinagamit yung jacket mo'' Sabi ko sa kanya.

''At kasalanan ko kung bakit naglayas ka kaya it's not your fault . Basta , Stay with me . Kailangan kita Elsie'' Sabi niya.

''Makakaasa ka sakin Jungkook . Aalagaan kita hanggang sa gumaling ka'' Sagot ko sa kanya.

Pumunta muna ko sa kusina para ipagluto siya ng LUGAW na isa sa paborito kong pagkain .

''Kumain ka muna nitong Lugaw ah'' Sabi ko sa kanya .

''Salamat'' Sambit niya nang subuan ko siya ng isang kutsarang lugaw .

Inalagaan ko siya hanggang sa makatulog na siya . Tumayo ako at lumabas ng pintuan . Nakita ko sina Seokjin , Taehyung at Namjoon .

''Guys , Di pa kayo natutulog'' Sabi ko sa kanila.

''Good Job Elsie'' Sabi ni Namjoon.

''Bakit naman ?" Tanong ko.

''You really cared for us especially to JUNGKOOK'' Sagot ni Taehyung.

''Alagaan mo siyang mabuti . Salamat sayo dahil nagnunumbalik na yung bestfriend naming si Jungkook na masayahin'' Sabi ni Seokjin.

''Wala 'yun'' Sabi ko.

''Elsie , Wag kang mag-alala . Okay na kami . Masaya kami para sa inyo kung ano man yang nararamdaman niyo , Ipagpatuloy niyo'' Sambit ni Namjoon .

Napaluha ako sa harapan nilang tatlo .

''Pasensya na kayong tatlo ah . Hindi ko kasi matumbasan yung pagmamahal na ibinibigay niyo sakin'' Sabi ko .

''Ano ka ba naman ? . Yung pasayahin mo si Jungkook sapat na'' Sabi ni Seokjin.

Nagsmile silang tatlo sakin sabay pasok sa loob ng bahay . Pinunasan ko ang luha ko't pumasok na rin sa loob . Binantayan ko si Jungkook buong magdamag .

Mahimbing na siyang natutulog dito sa Sofa dahil ayaw niya daw sa kwarto niya . Pinagmasdan ko siya at hinaplos ang pisngi niya .

''Ano bang meron ka at nagkakaganito ko ? Dahil ba mabait ka talaga ?" Tanong ko habang pinagmamasdan siya .

Siguro nga dahil mabait siya . Parang kahapon lang ang lahat . Magkaaway pa kami at nag-aasaran tapos sa isang iglap ay nagkasundo kami tapos nagkaganito na ko . Hindi ko kayang nasasaktan siya .


 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Pasensya na po sa maikling chapter na 'to . No time po eh . Busy talaga sa school pero gagawin ko po ang best ko para sa inyo . Keep on supporting po . Comment na din po kayo dito . Salamat po sa inyo. Moment lang po kasi ni ELSIE at JUNGKOOK 'tong chapter na 'to hihihihi . By the way , May iba pa pong part ang story na 'to . Nagbabalak po ko na gawan din po ng SIDE STORY yung ibang members dito . 

Married To Bts JungkookHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin