JANINE'S POV :
Habang wala pa si Mom sa bahay ay agad kaming umalis ni Elsie upang maglibot sa dati naming High School . Malapit lang yun dito sa bahay namin kaya naman agad na kaming umalis .
''Dad , Pakisabi na lang kay Mom ah'' Sabi ko.
''Sige , Lakad na kayo'' Sabi ni Dad kaya umalis na kami .
Sa daan , Maraming napapatingin samin ngunit di naman nila kami pinagkakaguluhan dahil anong malay nila sa KPOP Life namin ni Elsie pero may iba rin namang nangangamusta samin .
Nang dumating kami sa school ay walang katao-tao kundi ang mga schoolkeeper lang saka ang mga tagapangalaga ng school .
Pinasok namin ang loob ng school at naalala namin ni Elsie ang lahat ng memories noon . Napansin ko namang tila biglang naging seryoso si Elsie nang mapatingin sa Mini Park . Agad siya ritong lumapit at umupo sa bench .
Alam ko kung ano ang nasa isip niya dahil nandoon din ako nang time na 'yun . Alam ko kung anong pinagdaanan ni Elsie bago tuluyang mamulat sa katotohanang bata pa siya at marami pa siyang pwedeng makilalang iba maliban sa lalaking unang nagustuhan niya .
''Dito yun nangyari noon , Sa lugar na 'to ako unang nasaktan'' Malungkot na sabi ni Elsie sakin.
''Elsie , Matagal na yun .... Kalimutan mo na'' Sabi ko sa kanya.
''Tama ka pero mahirap yun .... Hanggang ngayon naaalala ko parin kung paano ako nagpakatanga para sa kanya noon . Para kong kawawang bata na inagawan ng laruan . Akala ko siya na . Akala ko gusto niya ko kaya naman nagconfess ako sa kanya . Ang bait kasi niya sakin noon eh'' Sabi ni Elsie sabay yakap sakin.
''Wala kang kasalanan Elsie . Nagmahal ka lang sa kanya . Hindi mo naman alam na kaibigan lang pala ang turing niya sayo . Hindi siya kawalan diba kaya nga nahanap mo si Kookie . Kalimutan mo na yun'' Sabi ko sa kanya .
''Actually nagpapasalamat nga ako kay MARCO dahil sa ginawa niya noon na pag-aming hindi niya ko gusto nang higit pa sa pagkakaibigan eh . At least ngayon , Natuto na ko'' Sambit ni Elsie sakin sabay smile.
The truth is noong nasa High School kami ay nagkaroon ng crush si Elsie . First Crush niya si Marco noon nung hindi pa siya naaaddict sa Kpop . Talagang nalungkot siya nang sobra noon , Umiiyak siya sakin . Umasa kasi siyang may gusto sa kanya si Marco pero he just refused her .
Lumipas ang ilang taon at nagcollege na kami , Mahilig na kami sa Kpop at mas nagbago ang buhay namin nang mapunta sa SoKor si Elsie . Salamat at tuluyan na niyang nakalimutan si Marco pero bigla na lamang may news eh . Nagpakita na ulit si Marco sa kanya and it almost change her life again . Muntikan nang masira na naman ang buhay ni Elsie sa pagdating ni Marco mabuti na lang at naagapan pa .
''Mabuti pa't bumalik na tayo sa bahay niyo , Let's Go'' Sabi ni Elsie sabay lakad kaso natigilan siya bigla . Nang lumingon ako sa kung anong tinitingnan niya ay natigilan din ako .
''Elsie'' Sabi ng lalaking nasa harapan namin ngayon.
''Ikaw'' Sambit ni Elsie sa kanya . Agad naman akong napatingin kay Elsie .
''Janine , Mauna ka na sa inyo . Susunod na ko'' Sabi ni Elsie sa akin.
''Are you sure ? Kaya kong maghintay sa inyo'' Sabi ko.
''Hindi na , Just Go'' Sagot ni Elsie nang paseryoso.
Agad na lamang akong umalis dahil alam kong seryoso ngayon si Elsie . Bumalik na lamang ako sa bahay para tumulong sa pagluluto ni Mom .
YOU ARE READING
Married To Bts Jungkook
Fanfiction~ Married To BTS Jungkook ~ Anong mangyayari kapag ikinasal ang isang A.R.M.Y (Bts Fanclub) sa member ng BTS na si Jeon Jungkook ? What if si Kim Taehyung naman ang Bias niya at si Kim Seokjin naman ang Bias Wrecker niya ? Magagawa kaya niyang ma...