Chapter 75 - Missing You Like Crazy

2.2K 67 7
                                    



JANINE'S POV :



Akalain mo , nabigla ako sa surprise visit nila Elsie at Jungkook . Sayang nga lang at hindi ko na-meet nang personal si Tita Miranda pero okay na rin kasi nakita ko yung pictures nila sa Albay at alam kong tanggap na talaga ni Tita Miranda si Jungkook dahil kitang-kita naman sa mga pictures na pare-pareho silang nag-eenjoy kahit di sabihin .


Pabalik na rin sila sa SoKor , Kinukumusta kaya ako ng lalaking gusto ko ? Mukhang kailangan ko na talagang gumawa ng paraan para lumayo sa kanila . Nagiguilty kasi ako sa ginawa ko kay Jimin . Hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon . Ayokong masaktan lang siya sa huli kaya naman nilinaw ko na sa kanya o di kaya hindi pa yata malinaw sa kanya ang lahat eh . Ano nang gagawin ko ? Dapat na umiwas na ko . Ayoko nang manggulo pa . Nakakainis kasi ! Nagpaepal pa ko sa buhay nila ayan tuloy alanganin ang pwesto ko. Nahihiya ako kay Jimin dahil umaasa siya . Agad kong hinawakan ang necklace na bigay ni Jimin sakin at ang bracelet na bigay naman ni Suga .


Hindi na pwedeng ganito ang lahat . Agad ko nang kinuha ang phone ko at tinawagan na si Suga kaso hindi niya sinasagot yung phone . Nagriring lang . Tumigil na lang ako dahil baka busy siya .

Nabigla na lang ako nang si Jimin naman ang tumawag sakin . Alam kaya niyang tinawagan ko si Suga ?



ON THE PHONE :



(Janine , Nakapagdesisyon ka na ba ?) Tanong sakin ni Jimin.

''Na Ano ?" Tanong ko.

(Gusto kitang ligawan . Gusto kitang makasama) Sagot niya kaya hindi ko na naman alam ang gagawin ko .

''Ahhhh....Ba...Bye na ah . May gagawin pa ko eh'' Sagot ko sabay end-call



~ END CALL ~



Ayokong saktan siya . Kahit na aminin ko ang totoo , Alam kong masasaktan parin siya . Ano nang gagawin ko sa kanya ?




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~




SUGA'S POV :




Tinawagan ako ni Janine sa phone pero hindi ko sinagot . Alam kong may mali . Nararamdaman ko sa mga kilos ni Jimin nitong mga nakaraang araw . Nakasimangot lang siya at mukhang nalulungkot . Noong nagplano lang kami para kina Elsie at Jungkook , Doon ko lang nakita yung ngiti niya tapos nung umalis na yung dalawa balik na naman sa ganun .

Married To Bts JungkookWhere stories live. Discover now