ELSIE'S POV :
This is it ! Kailangan ko nang harapin ang katotohanang hindi talaga kami para sa isa't isa ni Jungkook . Simple nga lang naman ako at sikat siya sa lahat . Para lang akong isang fangirl na patuloy sa pag-asang magkakatuluyan pa sila ng Bias niya .
Agad na kong naligo at nag-ayos ng sarili . Napabuntong hininga ko habang naghihintay sa pagdating ni Manager Song dito sa bahay nila Mom and Dad . Susunduin kasi niya ko eh para isama sa lugar kung saan ako iinterview-hin .
''Goodluck Anak'' Sabi ni Dad.
''Anak , Manonood kami ng TV'' Sabi ni Mom.
''Fighting ! Kaya ko 'to'' Sambit ko sa kanila sabay yakap nang mahigpit .
Maya-maya pa ay dumating na si Manager Song para sunduin ako . Agad naman akong sumakay sa kotse na sinasakyan niya . Agad na rin naman kaming bumiyahe .
''Ayos ka lang ba ?" Tanong ni Manager Song sakin.
''Ayos lang po ko'' Sagot ko sabay yuko.
''Bakit ginagawa mo 'to ? Ayaw mo bang makasama si Jungkook ? Okay lang sayo na magkahiwalay kayo ? Bakit di ka lumaban ?" Tanong sakin ni Manager Song kaya't napailing na lang ako.
''Malabo po eh . Ginagawa ko po 'to para mailigtas ang career niyong lahat . Ang Big Hit Entertainment po ay hindi dapat hinahayaang bumagsak dahil pinaghirapan po yun ng mga staffs at ng CEO saka po kayo . Siyempre po , Gusto kong makasama si Jungkook pero ....'' Sagot ko pero natigilan ako .
''Pero Ano ?" Tanong niya sakin.
''Pero mahalaga rin po sakin kung ano ang mahalaga para sa kanya . Mahalaga sa kanya ang pagiging artista niya kaya naman pinahahalagahan ko rin 'to . Hindi po ko lumaban kasi kung lalaban pa ko baka mas lalong gumulo ang lahat . Ayoko nang umabot sa puntong maghirap si Jungkook nang dahil sakin'' Sabi ko.
''Mukhang handa ka na nga sa Interview'' Sambit niya sakin .
''Hehehe , Siguro nga po'' Sagot ko sabay tawa pero sa totoo kanina pa ko kinakabahan.
Makalipas ang ilang oras ay dumating na rin kami sa lugar ng interview sakin . Ang daming mga nagkumpulang fans sa labas ng Building . Ewan ko ba pero ang dami talaga . Nahirapan nga kong makapasok sa loob eh . Kulang na lang eh masabunutan ako ng ibang fans na SASAENG naman .
Sumakay kami sa Elevator at umakyat na sa 5th Floor ng Building kung saan gagawin ang Interview sakin . Nang dumating kami sa 5th Floor ay nagulat ako kasi naman , Ang daming mga reporters saka Camera . Ipapalabas nga pala 'to sa TV dito sa SoKor . Kinakabahan na talaga ko.
''Halika na Elsie'' Yakag sakin ni Manager Song kung kaya't umupo na kami sa upuan nang magkatabi .
Hinarap ko na ang mga Reporters para naman matapos na . Ang dami talagang nakatutok na camera sakin .
''Miss Elsie Montenegro , Totoo ba ang kumakalat na balitang nagdedate kayo ni Jeon Jungkook na maknae ng BTS ?" Tanong ng mga reporters sakin.
Nangangatal na talaga ko . Sasagot na ko nang biglang .......
Bigla na lang may kumanta . Pamilyar ang boses niya kaya't natigilan ako . Natigilan din ang mga reporters sa narinig nilang boses . Kumakanta parin kasi yung taong hindi malaman kung nasaan . Basta , Kumakanta siya at rinig na rinig ko ang boses niya .
''Niga itdeon sopa neo eobsi na honja
I jarieman nama neol gidarijanha
YOU ARE READING
Married To Bts Jungkook
Fanfiction~ Married To BTS Jungkook ~ Anong mangyayari kapag ikinasal ang isang A.R.M.Y (Bts Fanclub) sa member ng BTS na si Jeon Jungkook ? What if si Kim Taehyung naman ang Bias niya at si Kim Seokjin naman ang Bias Wrecker niya ? Magagawa kaya niyang ma...