Chapter 7: Bakit ngayon pa?

2.4K 77 0
                                    

6:00 AM na. Tapos na rin ako magprito ng sunny side up, fried rice, at hotdog. Gumawa rin ako ng vegetable salad.

Buti nalang talaga at nag- stock sila Yanna at Bea ng mga pagkain dito.

"Yelo kain na!" sigaw ko mula sa kusina.

Ayaw ko siyang puntahan sa sala at baka madatnan ko nanaman siyang nakangisi na parang aso dun.

Mukhang tanga lang.

Di siya kumibo pero nakita ko siya sa gilid ng mata ko na papalapit na dito sa mesa.

Kumuha ako ng pagkain ko atsaka tumungo sa sala.

E bakit nga ba ko umiiwas? Isa pa kong parang shunga e.

Bago pa ko makaalis bigla siyang nagsalita, "San ka pupunta?"

"Sa sala." sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kanya.

"Dito ka n" pinutol ko ang pagsasalita niya.

"Dun na ko. Icha- chat ko pa kasi si James. Peram muna ng laptop ah." sabi ko.

Wala naman talaga kong plano na mag- online ulit. At feel ko lang talaga na banggitin si James, feel na feel.

* * *

Mabilis ang araw at nakakaisang linggo na kami dito sa Nueva Ecija ni Yelo.

Medyo close na kami pero laging nagbabangayan dahil sa Laptop.

Kakagising ko lang at wala akong magawa.

Naisipan kong mag- jogging nalang kaya nagpalit kaagad ako ng short at isang white fitted sando.

Pwede naman na kong magshorts diba? Tulog pa rin naman si Ice kaya peaceful ang umaga ko ngayon.

Lumabas ako ng gate. Sa isang linggong andito kami, ngayon palang ako makakalabas ng bahay nato dahil ngayon ko lang naisipan.

Katamaran.

Lumabas na ko ng bahay.

At nung medyo nakakalayo layo na ko, kabukiran na. Wala halos makitang bahay.

Pero kung mamalasin nga naman, talagang bigla pang umulan.

Badtrip talaga.

Agad agad kong tinakbo nang mabilis ang daan pabalik sa bahay. Aish.

Nakita ko si Ice na nakaabang sa front door.

"Excuse me." sabi ko at pinadaan naman niya ko.

"Who told you to wear shorts?" mariin niyang tanong.

I stopped.

"Teka nga. Diba ang usapan nun 3 days lang?" sabi ko sabay harap sa kanya.

"Sige magsuot ka ng shorts. Pero siguraduhin mong hindi kita makikita." sabi niya sabay iwas ng tingin sakin.

"What? We're in just one roof. Is that even possible?" I said in a tone na maf-feel niyang para siyang tanga.

"Exactly the point Miss. It's impossible. Kaya wag kang magsusuot ng shorts." aniya.

"Are you kidding me?" mataray kong sambit.

Suminghap nalang siya.

"Kahit anong isuot ko, pwede. Kahit anong gawin ko, pwede. Okay? At walang makakapigil sakin, kahit ikaw." dagdag ko pa.

Sa pagkakataong to, pinasadahan niya ng kamay ang buhok. Looking frustrated.

Pwe. Magtiis ka sa ugali ko!

"Possession ka pang nalalaman diyan." I whispered at aakyat na sana sa taas.

"Ang ingay mo! Sige magshorts ka kung gusto mo!" sigaw niya na ikinagulat ko.

I faced him again.

"Pwede ka na ulit magpaka- pokpok. Oh? Happy?" -siya

"Anong sabi mo?" galit kong tanong

"I said you're free! Magpaka- pokpok ka ulit." sigaw niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko

Natigilan ako sa sinabi niya.

Nag- init ang gilid ng mga mata ko

Sinampal ko siya.

Sobrang sakit niya magsalita.

Sobra.

Ganito ba talaga ang isang Ice Stanley dela Flor?

Kasi akala ko noon tahimik lang siya. Pero mali ako. Sobrang mali.

Nanatiling nakatagilid ang ulo niya. Kaya umakyat na ko sa kwarto. Inilagay ko sa isang maleta yung mga damit ko. Aalis ako dito. Ayoko na. Kung tutuusin pwede naman akong makaalis e, pero mas pinili kong manatili. Kasi akala ko magwo- work. Akala ko gagana. Siya lang kasi yung taong gumanito sakin.

He made me feel so worthless.

Bumaba na ako at aalis na pero eto na naman siya. Hihirit na naman!

"Where do you think you're going?" -siya

"Wala kang pake. I'm free remember?" -ako

Lumabas ako ng bahay kahit alam kong delikado at kahit na hindi ko alam kung saan ang pasikot- sikot dito.

Kahit umuulan ay pinilit kong maglakad.

I feel so damn down.

So damn down, that it hurts as hell.

He's the only person that made me feel like this.

Bakit kung kelan nagugustuhan na kita?

Ha Ice?

Bakit ngayon pa kung kelan unti unti na kong nahuhulog sayo?

Hindi ko rin akalain sa sarili ko na magkakagusto ako sa isang kagaya ni Ice. Pero ganito talaga siguro. Kusang pumipili yung puso mo.

At ang pagkakamali ko lang, hindi ko nagawang pigilan iyon.

Blurred na ang paningin ko dahil sa luha at tubig ulan.

Hindi ko na alam kung nasaan ako.

Nahihirapan na rin akong humiga.

Pero wala akong pakealam.

Malayo g malayo na ko mula sa bahay na yun nang may humila sa braso ko.

At alam ko na agad kung sino siya.

Kahit kelan talaga, para kang kabute na biglang sumusulpot.

Pero bago pa ko tuluyang makalingon sa kanya,

Everything went black.

The DareWhere stories live. Discover now