Chapter 37: Yes

2.2K 97 13
                                    

Ice's POV

Magi- isang buwan na akong naghihintay dito sa Pilipinas para sa pagdating nila Yanna at Lance.

Alam kong nakauwi na si Bea kaya silang dalawa nalang ang hinihintay ko.

I know they'll help me. Besides, alam ko namang hindi agad-agad na sasagutin ni Pat si Xider kaya pwede pa naman siguro akong mag- register sa panliligaw diba?

~Calling Lance...

[Sup bro? Napatawag ka?] bungad niya sakin sa kabilang linya

"Kelan kayo uuwi?" tanong ko

[Tsk. Miss mo na ko tol no?] kung nandito siya, malamang kanina ko pa siya nabatukan.

"Tss. Kelan nga kasi?"

[Tomorrow dude.] para akong nabuhayan sa sinabi niya. Aba! Katagal ko kayang naghintay.

"Yes! Sige sige. I'll see you tomorrow. Punta nalang kayo dito sa bahay ko sa Laguna. Pakisabi nalang din kay Bea. Thanks."

[Bakit ba atat ka? May pa- yes yes ka pang nalalaman diyan. Speaking of Bea, nagkita na ba kayo ulit? Alam na namin ang nangyari Ice. Kumusta ka na pala bro?]

"Malalaman niyo bukas. Di pa kami nagkikita ni Bea. And I'm okay dude." sabi ko

[Mabuti naman kung ganun. Sige, I need to hang up already. See you tomorrow dude.]

"Lance! Nakapagluto na ko request mo!" dinig kong sigaw ni Patricia sa kabilang linya

"Teka Lance, kumusta na pala si Pat? Magkakasama pala kayo ngayon?" tanong ko habang nakangiti.

[Okay naman siya. Tapos na siya sa pag- aaral ng Culinary. Sayang wala kayo dito.] sagot niya

"Sayang nga. Can I talk to her?" I asked

[Pat! Kakausapin ka raw ni Ice!] sigaw ni Lance sa kabilang linya. Nakakabingi.

[Hello Ice?]

Hay. Narinig ko na naman ang boses niya. Tignan niyo, nababakla na naman tuloy ako.

"K-Kumusta? Congratulations pala Chef." nakangiti kong sabi kahit alam kong di naman niya nakikita yun. Nababaliw na talaga ko. I mean, matagal na talaga akong baliw. Sa kanya.

Aish, corny ko!

[Okay naman ako. Haha! Thank you! Ikaw? Kumusta? I heard what happened. Sana okay ka lang.]

"I'm fine Pat. Okay lang ako dito.

[Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nakipag- away ka sa tatay mo? Siguro sinungitan mo no? Hahaha! Joke.] ganda talaga ng tawa niya.

"Malalaman mo din ang tungkol dun." sabi ko

Ayaw kong sabihin sa kanya sa tawag lang, I want to tell her personally.

[Patricia! Nasan yung niluto mo?] dinig kong sigaw ni Yanna sa kabilang linya

[Nandiyan sa kusina! Baka kinakain na ni Lance!] sigaw din ni Pat

"Magkakasama ba kayo?" tanong ko

[Ah oo. Nagpaluto kasi ng Frittata si Lance. Yung niluto ko dati sa Disix. Tanda mo pa ba?] iba ang tono niya habang tinatanong yan.

Inalala ko pa tuloy. At hindi agad ako makasagot nang maalala ko yung sinabi ko sa kanya sa luto niya ng Frittata.

*flashback*

"Sorry kung hindi masarap." sabi niya habang nakayuko. Siguro akala niya hindi masarap yung mga luto niya.

"What are you talking about?! This is the best Fleur burger I've ever tasted!" natutuwang sabi ni Bea

The DareWhere stories live. Discover now