Chapter 22: Don't worry

2.4K 73 7
                                    

(A/N: Onting pambawi ko po sa 2 days na hindi ako nag- update. Thanks again for the new cover acchi_kocchi03 )

Hindi ko alam pero biglang kumulo yung dugo ko.

"Bakit siya naninigarilyo?!" sabi ko kay Xider

Nagkibit balikat lang siya kaya lumapit na ako kay Ice. Nagulat siya nang kinuha ko yung sigarilyo niya at pinatay iyon.

Tuwing makakaamoy ako ng usok ng sigarilyo,

Hindi ako makahinga.

"Ano ba?!" irita niyang sabi

Hindi na ko nagulat sa pagsigaw niya. Ilang beses niya na akong nasigawan at sinungitan. Ngayon pa ba ko masasaktan?

"Bat ka nagyoyosi ha?!" pinatulan ko na rin yung pagkairita niya

Inirapan niya lang ako at bumaling kay Xider na pinagtatawanan lang kaming dalawa. Abnormal!

"Hoy Xider! Iuwi mo na nga tong babae na to!" sigaw ni Ice kay Xider

Natigilan ako.

"Hoy Xider! Iuwi mo na nga tong babae na to!"
"Hoy Xider! Iuwi mo na nga tong babae na to!"
"Hoy Xider! Iuwi mo na nga tong babae na to!"
"Hoy Xider! Iuwi mo na nga tong babae na to!"

Paulit ulit na pumasok sa utak ko yung sinabi niya.

Lasing ba siya?

Bakit ganyan niya ko ituring?

Parang hindi man lang niya ko kaibigan.

Habang papalapit sa amin si Xider ay inagaw niya sakin yung sigarilyo na kinuha ko sa kanya kanina.

Nagsindi ulit siya pero kinuha at pinatay ko na naman yun.

Halata na mas sumobra yung pagkairita at inis niya sakin.

"Ano ba?! Umalis na nga kayo dito!" sigaw niya

"Pre easy lang." sabi ni Xider pero seryoso na siya ngayon

"Bakit ka ba kasi nagyoyosi ha Ice?!" -ako

"Wala." sagot niya, nakita ko ang kamao niya nanggigigil.

Nagpipigil nalang siya sa kakulitan ko.

"Tol, kelan ka pa natuto manigarilyo?" tanong ni Xider

"Ngayon lang." sabi niya at humugot ng isang stick ng yosi sa bulsa niya

Ano bang nangyayari sa kanya?

Sisindihan niya sana ulit yon pero kinuha ko na agad

Tumayo siya at hinarap ako

"Ano bang problema mo ha?!" sigaw niya sakin

"Easy lang kayo." sabi ni Xider

"Ikaw kaya ang tanungin ko niyan?!" sigaw ko rin kay Ice

"Pwede ba wag kang pakielamera?!" sigaw niya

"Kaya nga pakielamera diba?! Kasi may pake ako!" sabi ko

The DareWhere stories live. Discover now