Chapter 9: Second time

2.4K 71 0
                                    

Pagkagising ko, wala na si Ice dun sa sofa.

6:30 na rin pala kaya naisipan ko nang bumaba para magluto.

Nadaanan ko ang living room.

At doon, nakita ko si Ice na nakasalampak sa sahig habang nakatutok sa laptop.

"Good morning Ice!" masigla kong bati sa kanya

Excited na ko sa libot namin ngayon! Diba sabi niya kagabi lilibot daw kami? :D

Tumango lang siya na parang walang gana at nakabusangot pa.

Problema niya?

Dumiretso nalang ako sa kusina.

Pagkatapos ko magluto ay tinawag ko na siya para kumain pero hindi man lang siya kumikibo kaya pinagsandok ko na siya sa isang plato at napagdesisyunang dalin na lang iyon sa sala.

"Oh Ice, eto na yung..." napanhinto ako "pagkain mo." sabay lapag ko dun sa mini table sa likod niya

Nagulat pa siya kaya agad niyang isinarado ang laptop.

May nasilip akong isang picture ng babae doon, ini- stalk pa ata niya at kaya ako napahinto ay dahil,

kasi baka sabihin niya na chismosa ko. Oo yun yun! T-tama!

Napansin kong nakabusangot pa rin siya at walang expression ang mukha kaya kinausap ko na

"I-Ice, may problema ka ba?" tanong ko

Pero umiling lang siya

"Yung totoo?" pangungulit ko at umaasang sasagot siya nang matino

Umiling lang ulit siya pero hindi ako sumuko

"You can tell me whatever your problem is." -ako

"WALA NGA AKONG PROBLEMA. BAKIT BA ANG KULIT MO HA?" sigaw niya sakin na sobrang ikinagulat ko

"O-okay." -ako

Hindi na ako bumalik pa sa kusina.

Umakyat nalang ako sa kwarto niya. Napatulala ako roon, nawalan na rin ako ng gana na kumain. Ano bang problema niya at sinigawan niya pa ko?

E kagabi lang bati na kami ah? Panaginip lang ba yung kagabi?

Minsan di na kita maintindihan Ice.

Dinig kong unti unti na namang pumatak ang ulan. Hindi naman 2- storey house to pero may hagdanan din naman. Bale, yung dalawang kwarto, nasa pinakatuktok lang siya ng house o under the roof.

Lumalamig na naman. Sumilip ako sa baba at wala na si Ice dun sa tapat ng laptop kaya bumaba na ko para magbukas ng fb account ko.

Signing in...

Lord, sana po nagreply na yung mga kaibigan ko.

YES!

Message from Yanna Scott and Bea Caysido.

Thank you Lord!

From: Yanna Scott
Konting push pa bes. 2 weeks nalang and you can see my beautiful face again :* miss you. Take care always ha? I love you.

From: Bea Caysido
Hindi na kami magpapadala ng cellphone niyo. 2 weeks nalang naman ;) good luck bes! See you soon bruha.

Nako. Miss na din nila ko nuh? Hahahaha

Uyy. May message ulit from James.

From: Yan James Scott
Ate Yanna told me na on vacation ka daw? Oh well, sana magkita na tayo. Pm me when you're free na. I love you always Pat. Mag-ingat ka kung nasan ka man ngayon.

On vacation daw? Hahaha medyo namana rin pala netong si James yung ka- conyohan ng kapatid niya.

And last message,

From: Xider
Hi Patricia :) how are you?

To: Xider
I'm fine.

From: Xider
Okay lang ba kayo diyan?

To: Xider
Oo. Okay na okay :)

Kahit hindi naman talaga. Naka- online kasi si Xider ngayon kaya mabilis magreply. At kahit hindi kami friends sa fb, nakakapagsend siya ng message sakin.

From: Xider
Good kung ganon. Gtg, see you in 2 weeks Pat. Mag- ingat ka diyan lagi ha? I miss you.

Bakit parang ang bait sakin netong Bolero na to? O binobola lang niya ko? Hindi na din ako nagreply kasi nag- out na siya agad.

Saktong lumabas si Ice mula sa kusina kaya agad akong nag- log out at isinarado ang laptop.

Gagawa nalang ako sa kusina, kesa naman tumunganga lang ako dito. Hindi rin naman ako gutom.

Teka, iihi muna ako.

May banyo naman dito sa baba eh at mas maluwang pa.

Ang yaman naman ni Xider nuh? Talagang may bahay pa siya dito sa Nueva Ecija?

Mukang hindi naman niya natitirhan 'to, sayang lang.

Pinihit ko ang door knob at

O_____O

"Ahh Geez! Sorry Ice, sorry." at agad kong isinarado mula ang pinto ng banyo

Nakita kong gulat din siya.

For the 2nd time! I saw him like that.

Nakahubad siya ng pantaas at magsusuot palang sana ng isang gray t- shirt.

Why are you so drop dead gorgeous Ice?

Aish!

What am I thinking?

Erase erase.

Napatampal nalang ako sa noo ko.

Bumukas ang pinto

Ugh! Stupid me!

Bat di pa ko umalis dito? Baka kung ano pang isipin ng lalaking to. >.<

Tinignan lang niya ako na para bang nandidiri siya sakin. Ano bang ginawa ko?

"Tsss." sabi niya at umalis na rin.

Patricia Ramos, yan ba? Yan ba yung lalaking nagugustuhan mo ngayon? Tignan mo nga, pagl- lock lang ng pinto hindi magawa! -Brain

Ayaw mo nun? Lagi niyang nakakalimutang magsara ng pintuan? Malay mo makalimutan niya ring isarado yung puso niya tapos makapasok ka pa diba? -Heart

What the?

At kelan ko pa narinig ang Puso at Isip ko?

Nababaliw na ata talaga ko.

Kaya please lang...

Wag ka na dumagdag pa sa kinababaliwan ko, Ice.

The DareWhere stories live. Discover now