Chapter 27: First Rule

2.6K 78 6
                                    

Patricia's POV

Kinabukasan, mahapdi ang mga mata ko pagmulat pa lang. Siguro dahil late akong natulog at sobrang aga ko pang nagising. Alas dos na rin pala ng madaling- araw. 5 AM ang flight namin.

Kaya nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo at mag- ayos. I'm wearing a navy blue pants, white fitted polo shirt, and just a blue flat shoes.

Ayaw ko munang magsuot ng mga maiikling damit. Hindi dahil sa sinabi ni Ice noon na wag akong magsusuot ng short shorts. Kundi dahil naaalala ko yung pagtawag niya sakin ng 'pokpok' noong una kaming nagkita at una ko ring pagsuot ng isang maikling damit.

Bwiset. Panira ng mood yung mga naiisip ko.

Nagsuot muna ako ng jacket dahil siguradong lalamigin ako sa labas. Bumaba ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko roon ang isa sa mga katulong namin na nagluluto.

"Ah manang, sila Mama?" tanong ko at umupo na.

"Ay good morning mo ma'am. Tulog pa po sila." magalang niyang sabi

"Ah okay po." sabi ko kay Manang

Mas mabuti na rin siguro na hindi sila gising pag umalis ako. Ayokong makitang umiyak ang isa sa kanila. Lalo na si Mama.

Inilapag na ni Manang ang pagkain sa harapan ko at kumain na ako agad. Pagkatapos, aalis na sana ako pero kinausap pa ko ni manang.

"Ma'am, hindi po ba kayo magpapaalam kila Sir?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi na po. Uhm, could you please lend me some sticky notes?" tanong ko at inabot niya naman agad sakin ang hinihingi ko

"Thanks." -ako

Then I started writing on the paper.

Good morning Ma, Pa. :) I need to go. Don't worry, uuwi rin po ako, maybe 2-3 years lang. I'll see you soon. Advance happy birthday to you Mom. I love you both to the moon and back. I'm going to miss the two of you. Take care always okay? Bye.
-Pat

Namumuo na ang luha sa mga mata ko habang sinusulat ko yan kaya tumingin nalang ko sa kisame para mapigilan ito sa pagpatak. Atsaka ko hinarap ulit si manang.

"Give this to them. I need to go. Thanks manang." sabi ko

"Sige po ma'am, magingat po kayo dun."

Nginitian ko nalang siya at kinuha ko na ang maleta ko. Lumabas ako ng bahay at naghintay doon saglit, susunduin kasi ako ni Xider dito.

Napatingin ako sa bahay namin. Bigla nalang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nagiging emosyonal na naman ako. Nang medyo ayos na ako ay sakto namang dumating na rin naman ang kotse ni Xider.

Mabuti na lang, pakiramdam ko kasi parang may nakatingin sakin. Medyo madilim pa naman dito sa labas ngayong oras.

"Let's go?" aya ni Xider

Nginitian ko nalang siya at sumakay na sa kotse.

Buong byahe ay tulala lang ako. Wala akong ibang maisip kundi yung mga masasamang bagay na naranasan ko dito.

Nakakilala ako ng isang tao na ubod ng sungit. We've been stocked in a stupid dare made by my friends. I fell for him. Then nalaman ko na siya rin pala yung taong matagal ko nang hinahanap. But he didn't fall for me. Plus, she's in a relationship with my best friend. Kaya ang nangyari, walang sumalo sakin. Kaya shempre, nasaktan ako. Pwede pa sana kung parang nalaglag lang ako sa hagdanan eh. Kaso hindi. Pakiramdam ko, kasing taas ng eiffel tower yung pinagmulan ng pagkakalaglag ko.

The DareWhere stories live. Discover now