THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Lahat ay nakatipon sa gym dahil sa mahalagang announcement ng Dean. Nalalapit na ang pagtatapos ng lahat kaya't may kasiyahan sa kanila dahil makakalaya na rin sila sa demonyong paaralan.
"Everyone, I just want to congratulate you all for your upcoming graduations," nakangiting sabi ni Marcelo sa lahat ng estudyante. "Ito na ang huling buwan niyo sa paaralan kong humasa sa pagiging mafia niyong lahat."
Nagbunyi naman ang lahat at kaniya kaniyang sigawan.
"Dahil diyan, masaya ko kayong i-we-welcome sa pangalawang paaralan kong hahasa naman sa inyo sa tunay na patayan," dagdag pa ni Marcelo. Nawala naman ang masayang tunog at napalitan nang pagtataka. "Pagkatapos niyo sa paaralang ito, lilipat naman kayo sa paaralan na muling binuo namin ni Kiego. Sa School of Killer.."
"Tang ina, hindi ganiyan ang usapan!" galit na sigaw ng babaeng gray ang buhok. "Ang usapan natin ay kapag natapos kami rito, malaya na kami!"
"Oo nga!" sabi naman ng isang lalaki. "Sinabi mong tatapusin lang namin ang pagiging mafia!"
"Nagbago na kasi ang isip ko," natatawang sabi ni Marcelo. "Dahil napansin kong mas lumalamang ang mahihina sa inyong lahat. Paano ko mabubuo ang mundong gusto ko kung mahihina kayo? Kailangan ko nang malalakas na tauhan!"
Muling umangal ang babae at lalaki, na naging dahilan nang pagsabog ng kanilang ulo.
"Sino pang tututol?" tanong ni Marcelo. "Tumayo lang para maisunod sa kanila." Wala namang nagtangkang tumayo. "Very good students. Iyan ang gusto ko sa inyong lahat, masunurin kayo. Huwag kayong mag-alala, may isang buwang malayang bakasyon naman kayo bago bumalik sa eskwelahan ko. Naka-monitor kayo sa 'kin at kung sino mang magtangkang tumakas ng bansa, mamamatay."
Napakuyom naman ng kamao sila ni Aika. Gustong gusto nilang sumuway at ganti pero kailangan sila ni Rabbit. Isa pa, wala rin silang laban sa mas malakas na pwersa ni Marcelo. Hindi rin nila basta basta pwedeng patayin ang matanda hangga't wala silang kaanib na kahit isa sa mga Mafia Leader.
"At para sa pagbubukas ng bago kong paaralan. Nais ko lang sabihin na muling nagbukas ang student's ranking natin," nakangiting sabi ni Marcelo. "Muling mabubuhay ang student's ranking na matagal ko nang ipinatigil magmula nang mamatay ang anak kong babaeng si Noshia. At sa pagbubukas ng student's ranking, magaganap ang paglalaban-laban niyo para sa kung sinong deserving. At para naman sa magiging presidente, mayroon na akong napili at walang iba iyon kun 'di ang isa sa mga Anak nila Alas Gaudino at Sasha Grucio. Si Milo Gaudino. . ."
Lahat naman ay nagulat at napatingin kay Milo. Tumayo si Milo mula sa pagkakaupo habang bitbit ang mabigat niyang awra. Naglakad siya papunta sa harapan.
"Anong bang plano ni Milo?" Inis na tanong ni Agatha. "Baliw na ba siya?"
"Let him do what he want," sabi ni Sebastian. "Wala na naman tayong magagawa sa desisyon ng baliw na 'yan."
"Hayaan mo siya, patayan kung patayan. Hindi ko aatrasan 'yang si Milo," sabi naman ni Eiren.
"Milo Gaudino will be the president of student ranking," nakangiting sabi ni Marcelo.
Isang malamig na ngisi ang umalpas sa labi ni Milo Gaudino.
"Let the bloody game begin." He said, coldy.
Nawala ang intense na awra sa buong gym nang may pumasok na babaeng maikli ang buhok at hinihingal.
"Lintik 'yan, napagod ako!" sabi ng babae bago masamang tumingin sa gawi nila Marcelo at Kiego at dumuro. "Hoy, deanmunyo at Kiegorilya, nasaan ang daddy ko, huh!?"
Sa isang iglap, tila nakita ni Milo ang babaeng si Saphira sa babae.
"Ilabas niyo ang daddy ko dahil uuwi na kami!" dagdag pa ng babae. "Punyeta kayong dalawang pangit kayo!"
Wala sa sariling bumaba si Milo sa stage at nilapitan ang babae. Bigla niya itong hinila at hinalikan. Nanlaki naman ang mata ng babae.
"Saphira," bulong ni Milo.
"Tang ina mo, ah!?" Itinulak nga babae si Milo at sinapak sa mukha. Tinadyakan niya rin ito sa kaibigan nito kaya napahiyaw si Milo. "Lakas ng trip mong gago ka, ah? Susumbong kita kay Daddy ko?"
Patakbong lumabas ng gym ang babae. Napakurap-kurap naman si Milo habang sapo ang kaniyang alaga.
"Damn, I will fucking kill that woman!" gigil na sabi ni Milo.
__________
Sa isang tagong bahay sa bundok, may isang babaeng walang kahirap-hirap na iniiwasan ang mga kutsilyong ibinabato sa kaniya. Manghang-mangha naman ang mga taong nanonood sa kaniya.
"Damn, she's hot," nakangising sabi ng isang lalaking mahaba ang buhok.
"Ang mata mo, Storm. Huwag mong landiin ang kapatid ko," masungit na sabi ni Khalil sa lalaki.
"She's ready for her come back," nakangiting sabi naman ng lalaking si Neo.
"Ang galing talaga ng Baby Saphy ko!" nakangiting sabi ng isang babaeng maikli ang buhok. Ang kulay ng buhok ay nito ay itim sa kanang bahagi habang ang kabilang bahagi ay pula.
Ilang sandali lang ay tumigil sa pag-training ang babaeng maikli ang buhok at habol hiningang dinampot ang tubig.
Pumasok naman sa silid ng training room ang mga taong nanonood sa kaniya.
"Ang galing mo Saphy!" masayang sabi ni Khalil bago lapitan ang kapatid. "Saphy, baka sumakit ang mga sugat mo, ah? Magsabi ka lang."
"Ayos lang ako," tipid na sagot ni Saphira bago punasan ang kaniyang pawis. "So, how's my training."
"You look hot," sabay na sagot ni Storm at Neo.
Sinamaan naman ng tingin ni Khalil ang dalawang lalaki.
"Saphy, nakakatakot ka kapag seryoso ka," sabi ni Lian. "Mas gusto ko yung angel ka."
"Walang parte ang pagiging anghel sa 'kin ngayon. Kailangan kong makabalik sa kanila bilang demonyong kakatakutan," seryosong sabi ni Saphira.
"Shit! Bigla kong nakita si Mama sa 'yo," manghang sabi ni Khalil at kunwari pang naiyak. "I'm so proud, bunso ko."
Napangiti naman si Saphira. "Thank you sa lahat, Kuya. Pangakong hindi ko sasayangin yung mga sakripisyo niyo para sa 'kin."
"We're excited for you, Saphy!" masayang sabi ni Lian.
"Gusto ng demonyo ni, Marcelo? Pakikitaan ko siya. I will let him taste his own medicine. I will be the queen of all mafia at ibabaon ko siya sa lupa para magkita sila ni Satanas." Dinampot ni Saphira ang isang baril at kinasa. Tinutok niya ito sa target bago paputukin ang baril. "I'm not an angel anymore. I'm a demon now."

BINABASA MO ANG
School of Mafias [COMPLETED]
ActionNang dahil sa kahilingan ng kaniyang mga magulang, napilitan siyang pumasok sa isang delikadong paaralan. Sa paaralan na kung saan na puro nangangarap na maging Mafia ang nag aaral. Sa paaralan kung saan pumapasok ang tatlo niyang kapatid, na kailan...