SAPHIRA REYN FERRER
Nakasimangot ako habang nakatingin sa sugat ko sa noo. Halatang inuntog sa pader ng dimonyito. Napahinga ako nang malalim bago hugasan ang kamay ko.
"Saphira..." Napalingon ako sa pinto nang may tumawag sa'kin. Si Megan.
"Megan," nakangiting sabi ko. "Kumusta ang dorm? Balita ko magkatabi na kayo ni Kuya Sebastian? Tabihan lang ba ang nangyayari?"
Namula ang pisngi nito kaya napatawa ako.
"Wag mo akong asarin," masungit na sabi nito. "Kumusta ka? Ang laki pa rin nung sugat mo sa noo at medyo namamaga."
"Ayos lang naman ako. Hindi naman nabawasan ang ganda ko," sagot ko.
"Ang hangin mo," bulong nito na narinig ko naman. "Wag kang mag alala, kung maga ang sugat mo, magang maga naman ang mukha ni Mark. Parang niretoke tapos failed yung retoke. Deserved niya ngayon ang itsura niya."
"Nakita ko nga yung itsura niya," natatawang sabi ko. "Napano kaya yung gagong yun?"
"Ang narinig ko, binugbog daw nung labing lima," sabi ni Megan kaya bahagya akong natigilan. "Gumanti raw kasi sinaktan ka."
Natawa ako. "Malabo yun. . ."
Kung nakita mo lang kagabi kung paano nila ako tingnan. Kung nakita mo lang kung gaano sila ka-walang pake sa'kin kagabi.
Inaya ko na lang si Megan para hindi na siya magsalita. Mas lalo akong nasasaktan, eh.
"Miss Ferrer?" Napahinto ako sa paglalakad nang humarang sa daraanan ko ang tauhan ni Marcelo.
"Ano na naman?" masungit kong tanong.
Kahit isang araw lang sana patahimikin naman nila ang buhay ko.
"Pinatatawag ka ni Dean," sabi nung kalbo. "Ngayon na."
Napahinga ako nang malalim bago lingunin si Megan. "Mauna ka na sa classroom."
"Samahan na kita." Inilingan ko lang siya bago maunang maglakad.
Dumiretso ako sa office ni Dean. Nasa loob si Kiego pati na ang Violet Mafia nang makapasok ako. Halos gusto kong matawa nang makita ang itsura ni Mark. Tang inang mukha 'yan, bagay na bagay sa ugali niya, eh.
"Anong kailangan mo?" bored kong tanong kay Marcelo. Kumuha ako sa kinakain ni Neo na tinapay. "Bilisan mo na dahil may pasok pa ako."
"Nasabi ni Mark na ikaw ang tatanggap ng lashes ni Kevin?" Tumango lang ako. "I have a deal for you." Tinaasan ko lang siya ng isang kilay. "Wala kang matatanggap na lashes kung magiging isa ka sa'min."
Malakas akong napatawa na ikinagulat nila. "Ginagago mo ba ako, Marcelo? Ako? Aanib sa inyo? Patayin mo na lang ako."
"As what I expected," nakangising sabi ni Kiego. "Marcelo, Anak 'yan ni Ronnie at Samantha kaya hindi basta basta ang babaeng 'yan."
"Hinding hindi ako aanib sa inyo, Marcelo. Kayang kaya ko ang limang daang latigo," malamig kong sabi. "Pakisiguradong ikamamatay ko yung limang daan, ah?" Nilapitan ko ang mukha ko kay Marcelo bago ngumisi. "Dahil kapag hindi ako namatay, babalikan ko kayong lahat. Hindi kita magagalaw ngayon kaya humanda ka sa pagbabalik ko. Ibabaon kita sa impyernong paaralan na 'to."
Lumayo ako sa kaniya bago dire diretsong umalis.
Hinding hindi ako magpapatalo at hindi ko hahayaang basta ako mamatay. Iaalis ko sila Rabbit sa lugar na 'to, maghintay lang sila dahil patutunayan ko sa kanilang Anak ako nila Samantha at Ronnie.
Dumiretso ako sa room pero walang tao kaya dumiretso ako sa cafe. Nakita ko sila na sama sama sa isang table, habang masayang nagtatawanan.
"Higit pa diyan ang magiging ngiti niyo kapag natapos ko sila," nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan sila.
Lumingon sa gawi ko si Rabbit. "Saphira!" Kumaway ito. "Tara dito."
Nakangiting lumapit ako sa kanila. Hindi muna ako iiwas, hindi ko rin kasi sure kung kakayanin ko ba ang limang daang latigo. Mahina pa naman ang resistensiya ko.
"Anong pinag usapan niyo ni Marcelo?" tanong agad ni Megan. "Anong sinabi niya sa'yo? Nandoon din si Kiego, 'di ba? May ginawa ba sila sa'yo?"
"Gusto raw akong ligawan ni Kiego," sagot ko dahilan para mabulunan ang iba sa kanila. "Joke lang. Basta, may sinabi lang silang kabaliwan."
Kinuha ko yung kinakain ni Aika at sinimulang kainin. Nakakamiss sila, lalo na yung lalaking weird ang pangalan.
"Saphira, alam kong may hindi magandang mangyayari," seryosong sabi ni Aika. "Anong pinag usapan niyo nila Marcelo?"
Natahimik silang lahat at naghihintay ng sagot ko. Pati sila Kuya ay parang hinihintay kung anong isasagot ko.
Napahinga ako nang malalim. "Gusto nila akong maging tauhan nila kaso hindi ako pumayag. Ano ako? Bobo? Yun lang."
"Alam kong hindi lang yun," sabi naman ni Fiona. "Idetalye mo lahat."
Tumayo ako at umiling. "Akin na lang yun, sigurado naman akong malalaman niyo rin naman yun."
Akmang aalis na ako kaya lang natigilan ako nang may yumakap sa'kin mula sa likuran.
"Bakit parang nagpapaalam ka?" Si Theo. "Saphira, hindi mo naman ako iiwan, 'di ba? Kunwari lang naman akong walang paki sa'yo pero love na love kita. Saphira, wag mo akong iwan. Ako yung matanda sa'tin pero Ate kita, eh."
"Theo. . . "
"Isip bata ako kasi iniisip ko na Ate at Mommy kita," sabi nito. "Hindi ko kasi naramdaman ang pagmamahal ng isang Mommy. Saphira, kapag iniwan mo ako, sinong mag aalaga sa'kin? Ikaw lang naman ang nakakaintindi sa'kin, eh." Naramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko kaya alam kong umiiyak siya. "Saphira, handa akong ipagtanggol ka basta 'wag mo lang akong iwan."
Pigil ang luhang nilingon ko siya. "Sino ba may sabing aalis ako? At kung aalis man ako, babalik naman ako. Baby boy kita kaya hinding hindi kita iiwanan. 'Wag ka nang umiyak, okay? Maging matapang ka para kay Ate mo."
Humikbi lang ito bago tumango. Niyakap ko muna si Theo bago tuluyang umalis doon.
Ang hirap naman nitong buhay ko. Kung hindi ba ako pumasok dito ay hindi ko ba mararanasan ang mga ito? Punyeta kasing Marcelo, 'yan eh! Kung wala lang book 2 itong kwento ko, tigok na sa'kin ang gagong yun.
"Ano? Iiyak ka na naman?" Napahinto ako sa paglalakad nang sumulpot bigla si Neo. "Akala ko ba kaya mo na ang sarili mo?"
"Pakielam mo ba!?" inis kong singhal sa kaniya. "Isa ka pang gago ka! Hahalik halik ka, nagalit tuloy si Milo!"
Inis ko siyang sinuntok bago tumakbo patungong dorm. Napahinto ako sa pag akyat ng hagdan nang matanaw ko si Milo.
Paano napunta itong weird ang pangalan na 'to rito?
"Milo. . ."
Miss na miss ko na ang gagong 'to, lalo na ang pagiging malandi niya sa'kin.
Akala ko ay hindi ako nito papansin. Hinapit nito ang beywang ko bago pagdikitin ang mga labi namin. Napapikit na lang ako kasabay nang pagpatak ng mga luha ko.
Hahayaan ko muna ang sarili ko ngayon kasi hindi ko na talaga kaya. Hindi ko na kayang malayo sa'kin ang taong mahal ko. . .

ESTÁS LEYENDO
School of Mafias [COMPLETED]
AcciónNang dahil sa kahilingan ng kaniyang mga magulang, napilitan siyang pumasok sa isang delikadong paaralan. Sa paaralan na kung saan na puro nangangarap na maging Mafia ang nag aaral. Sa paaralan kung saan pumapasok ang tatlo niyang kapatid, na kailan...