SAPHIRA REYN FERRERNapahinto ako sa pagsubo ng pagkain, nang may humintong apat na kababaihan sa tapat ng table namin.
Nakangiti ang mga ito sa'kin at may kaniya kaniyang bitbit na pagkain.
"Saphira, long time no see. . ."
Kinuha ko ang tray ni Cheska na may pagkain bago siya dambahin ng yakap. Natawa naman ito at niyakap ako pabalik.
"Namiss kita," malambing kong sabi. "Yung huling kita natin, hindi man lang tayo maayos na nakapag usap."
"Katakot kasi si Kuya Seb," tugon nito bago humiwalay sa yakap. "Kumusta ka na?"
"Ito, habulin ng gulo." Natawa ako bago lingunin ang tatlong kaibigan ko na kasama niya. "Hello.."
"Saphy!" Ibinaba ng mga ito ang dala nila bago ako dambahin ng yakap.
Natawa na lang ako bago sila yakapin nang mahigpit. Para kaming nag-r-reunion ngayon.
"Kumusta na kayo ng boyfriend mo?" tanong ni Ivy bago tusukin ang tagiliran ko. "Lumalalim na ba ang pagmamahalan niyo?"
"Wala akong boyfriend," natatawang sabi ko. "Wala pa."
"Ha? Hindi ba kayo ni Milo?" Tinakpan ko ang bibig ni Maricar dahil ang lakas nang pagkakasabi niya. Lumingon ako kay Milo at nakatingin ito sa'kin.
"Hindi kami," mahinang sabi ko kay Maricar. Nilingon ko sila Aika. "Doon muna kami sa ibang table, ah? Babalik ako."
Tumango ang mga ito kaya hinila ko sila Sarah palapit sa isang table. Doon kami nagtungo at nagpatuloy sa pag uusap.
"Gaano na kayo katagal sa school na 'to?" tanong ko sa kanila.
"Three years," sagot ni Cheska. "Halos sunod sunod kaming pumasok dito."
Napatango ako. "Cheska, may kilala ka bang Khalil?" Kita kong natigilan si Cheska dahil sa tanong ko. "Kilala mo siya?"
"Bakit mo natanong?" Balik na tanong nito.
"Kasi. . . " Bahagya akong natigilan. "Parang kilala ko siya? Hindi ko alam, basta magulo. Bigla na lang siyang pumasok sa isipan ko, tapos. . . tapos. . tinatawag ko siyang Kuya.."
"Saphira, may kilala akong Khalil pero matagal na siyang patay," tugon nito. "Baka naman guni guni mo lang."
Umiling ako. "Hindi, eh. Yung kilala mo bang patay na Khalil ay kapatid ko? Nakasama mo na ba siya?"
"Kumalma ka." Hinawakan ni Sarah ang kamay ko. "Saphira, dumudugo na ang ilong mo."
Napahawak ako sa bandang ilong ko. May nakapa akong likido roon at nang tingnan ko ay dugo...
"Are you always forcing yourself to remember something?" tanong ni Maricar. "Saphira, it's bad for your health. Nangyari na 'yan sa'yo noon."
"Pasensiya na, hindi lang talaga kaya ng curiosity ko," tugon ko bago kumuha ng tissue at itapat iyon sa ilong ko. "Gusto ko lang kasing maging buo ang sarili ko, pakiramdam ko kasi ay maraming kulang sa'kin."

YOU ARE READING
School of Mafias [COMPLETED]
ActionNang dahil sa kahilingan ng kaniyang mga magulang, napilitan siyang pumasok sa isang delikadong paaralan. Sa paaralan na kung saan na puro nangangarap na maging Mafia ang nag aaral. Sa paaralan kung saan pumapasok ang tatlo niyang kapatid, na kailan...