CHAPTER 15

88.7K 3.6K 519
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

    ANG sakit ng katawan ko, buti na lang talaga hindi tinotodo ni Milo ang mga suntok at sipa niya kanina dahil kung hindi ay baka hindi na ako nakakalakad ngayon.

"Ayos ka lang?" tanong ng nasa gilid ko kaya napalingon ako sa kaniya. "Gusto mong ipasan kita?"

Inilingan ko ito. "Kaya ko naman, salamat sa offer...uhmm...Theo? Leo?"

"Si Theo ako." Nag pout ito. "Mas pogi ako, kay Leo."

"Magkamukha lang kayo eh." Napakamot ako sa ulo ko. "Basta, thank you sa offer.."

Nakangusong tumango lamang ito.

Nang makarating sa unang palapag ng dorm ay huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin sila.

"Mauna na kami," paalam ko. "Aika, bukas na lang ah? Pasensiya na, hindi na kaya ng katawan ko ngayon eh. Promise, tuloy na bukas."

"Ayos lang." Ngumiti ito. "Magpahinga kang mabuti."

"Salamat sa inyo."

"Kumain kana, kapag dumating kayo sa dorm niyo." Sabi ni Kevin na ikinatango ko lang.

"Wag ka agad maligo, baka magkasakit ka." Sabi naman ni Eiren na ikinatango ko lang din.

Nilingon ko sila Kuya. Tinanguan ko lang sila at tinalikuran bago magsimulang umakyat sa floor ng dorm namin.

Nang makapasok kami sa loob ay nadatnan namin si Kuya Sebastian na nakaupo sa sofa at tulala.

"Kuya," agaw pansin ko rito. "Ayos ka lang ba? Masakit paba? Sorry talag–"

"–I'm okay." Tumayo ito. "May pagkain na, kumain na kayo."

Dire diretso itong pumasok sa kuwarto niya na may pinto na. Bahagyang umusli ang nguso ko at dumiretso sa maliit na kusina.

May nakahain na sa lamesa kaya naupo na ako at nagsimulang kumain. Naupo rin naman sila Reyver at nagsimula na ring kumain.

"Mukhang nasaktan mo ng todo, si Sebastian." Napalingon ako, kay Brick. "Ang dami daming patatamaan, bakit doon pa?"

"Hindi ko naman sinasadya," mahinang sagot ko.

"Wag mo ng gaanong isipin, alam naman naming hindi mo sinasadya." Sabi ni Reyver.

Tumango na lang ako at tahimik na kumain. Nang matapos ako ay pinadiretso na ako ni Shadow sa kuwarto namin ni Kuya Seb, sila na raw ang bahalang magligpit doon.

Nadatnan kong tulala si Kuya Sebastian habang nakatihaya sa kama at nakatingin sa kisame.

"Kuya, may problema kaba?" tanong ko rito. "Tungkol ba sa nagawa ko kanina?"

"It's not about that, Saphira.." saglit ako nitong nilingon, bago ulit lumingon sa kisame. "Magpalit kana ng damit, baka magkasakit ka."

Tumango lang ako at lumapit sa closet niya na closet ko rin. Kumuha ako ng pamalit doon at dumiretso sa banyo. Naghilamos ako at nagpalit, tapos lumabas na.

School of Mafias [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora