18-Just One Day

315 23 2
                                    

Just one day

October 31, 2011

"Gusto ko siyang yakapin, gusto ko si..siyang halikan, gusto kong sabihin na namimiss ko siya" saad ko sa pagitan ng aking paghikbi. "Ang sakit-sakit dito" sabay palo ko sa aking dibdib pero pinigilan ni Sael na mahampas ko ang aking dibdib.

Humarap ako sa kanya. "Hindi ko alam kong anong nangyayari sa akin. Pag nakikita ko siya, bumibilis ito" sabay turo ko sa aking dibdib. "Pag may kasama siyang iba naiinis ako" Napamura na naman si Sael. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Panay ang tulo ng luha ko at ayaw nitong tumigil kahit anong gawin ko.

Kahapon pa akong ganito after na muntikan akong mabangga at hindi ko marecognize ang mukha ni Raji.

Nag-isang linya ang labi ni Sael. "Your inlove L' and that so wrong in your situation. It wont do any good to you, to your health" Lalo akong napa-iyak sa sinabi niya. Kasi tama siya.

Suminghot ako bago ngumiti. "I'm inlove? I'm in... and it's not good? why?" humugot ako ng malalim na paghinga. "Bakit ngayon pa? nakikita mo ba ako?" Napapiyok ako. Dinuro ko ang sarili ko at saka napahagulhol.

"You have Alzheimer's disease!" napaismid ako ng marinig ko iyon sa doktor na pinagdalhan sa akin ng lima kong kaibigan. Noong una hindi ako naniniwala. Nakakatawa naman ang sinabi niya. Pero habang pinapaliwanag ang lahat unti-unting nawawala ako sa sarili. Hindi ko matanggap. I have stage 5 Alzheimer disease. Sabi ni Blake ay sa matatanda lang daw iyon tumatama kung kaya't nagulat sila na isa ako sa mga young patient with mild cognitive impairment stage.

Alzheimer's disease is a neurological disorder in which the death of brain cells causes memory loss and cognitive decline. A neurodegenerative type of dementia, the disease starts mild and gets progressively worse.

Symptoms can be diagnosed at any stage of Alzheimer's dementia and the progression through the stages of the disease is monitored after an initial diagnosis, too, when the developing symptoms dictate how care is managed.

Of course, the very nature of the symptoms can be confusing for both patient and the people around them, with different levels of severity. For this reason, and because symptoms could signal any of a number of diagnoses, it is always worthwhile seeing a doctor.

The most common presentation marking Alzheimer's dementia is where symptoms of memory loss are the most prominent, especially in the area of learning and recalling new information. Inability to recognize faces or common objects or to find objects in direct view. A gradual onset "over months to years" rather than hours or days (the case with some other problems)

May ibinigay na reseta iyong doctor kay Sael. Cholinesterase inhibitors (Aricept, Exelon, Razadyne) and memantine (Namenda) — to treat the cognitive symptoms (memory loss, confusion, and problems with thinking and reasoning) of Alzheimer's disease. Sabi ni Sael na vitamins daw iyon kaya huwag ko daw kakalimutang inumin para lumakas ako.

Noong una ay inaakala lang naming simpleng makakalimutin lang talaga ako. Hindi natatandaan ang mga pangalan, nakakalimutan ang araw, ng event, ng itsura at maging pagkain ay nakakalimutan ko rin. Nagkaroon din ako ng problema sa pagsusulat at pagbabasa. Nagkakamali ako ng spelling o mali ng salita na nagagamit. Kung kaya't nagpasya sila noon na ipatingin na ako sa doctor. At ayon nga, may sakit na pala ako bukod sa hika. Tama ang hinala ni Jayson na kakaiba daw ang mga ikinikilos ko. Nagtatanong daw ako ng mga naitanong ko na.

Sabi ni Blake ay unti-unti ko daw makakalimutan ang lahat, maski ang pagsisipilyo ay hindi ko na magagawa at pati pangalan ko ay hindi ko na maalala. Umiyak ako noon nagalit ako sa kanya kasi tinatakot niya ako. Hindi naman nakakabahala noong una kasi bibihira lang naman ako makalimot at sa mga simpleng bagay lang naman iyon. Then dumating na iyong time na ganito. Yong sobrang laki na ng gap ng event ang nakakalimutan ko. Minsan ay nakalimutan ko pang mga kaibigan ko sila. At sobrang tagal ng pagsusuyo ang ginawa nila sa akin para maalala ko lahat. Ang sakit nun sa part nila dahil para ko na ring iniwan sila sa ere. Hindi na nila dapat ako pinag-tityagaan, pero ayaw nila akong iwan. Isa akong malaking pabigat sa kanila.

Buwanan, lingguhan hanggang sa naging halos araw-araw na akong nawawalan ng mga ala-ala at sa lahat ng mga pagkakataong yun ay inaalagaan nilang lima ang kondisyon ko. Lagi silang nakabantay. Lagi silang nasa paligid ko.

Si Blake ay isang doctor. Nagdoktor siya dahil gusto niyang gumaling ako at may hilig talaga siya pagdating sa medisina. Tiyuhin niya iyong nagcheck ng condition ko before, pero ngayon ay under supervision na ni Blake ang case ko. Naalala ko ng sunduin nila ako sa arko ng Sta. Catarina habang kasama ko si Raji ay inatake ako after kung makasakay ng sasakyan mabuti lamang at may dalang aparatu (oxygen) si Blake para sa hika ko.

Nang makarating naman kami sa bahay ay nawalan na ako ng malay at pagkagising ko ay halos limang taon ang nawala sa memorya ko. Inakit ko pa nga silang magmadali at may pasok pa gayong lahat kami ay naka-graduate na liban lang kay Sael.

Pinabasa ni Jerome ang Journal ko sa laptop dahil doon ko daw ini-rerecord ang lahat ng nangyayari sa akin. Iyon pala ang silbi ng burdagol laptop.

"Bakit ngayon pa! ang tagal-tagal ko iyon hinintay. Bakit kung kelan. Bakit kung kelan hindi na pwede m..makakalimutan ko siya, masasaktan siya. Magiging inutil ako at iiwan din niya ako. Wala akong kwenta. Hindi ko na ito gusto ngayon. Iyong mga sinusulat ko sa pahayagan? Lahat iyon iniisip ko na sana ako, may maisasagot din ako patungkol sa love problems ko, pero dehado ako. Talong-talo ako e, bakit sa sarili kong kwento hindi ko maisip na ako ang bida? Nakakainis naman. Bakit ako may ganitong sakit. Ang tanga-tanga nitong utak ko" Sinabunutan ko ang aking buhok. Kinalmot, sinuntok, sinampal ngunit pinipigilan lagi ni Sael tapos na niyakap niya ako at pinakalma. Siya ang bantay ko ngayon sa vip room ng hospital.

"Bakit? Bakit kong kelan narealized ko na mahal ko na siya. It's all wrong, the place, the time. This is not even a normal story" Huminga ulit ako ng malalim at pinakalma ang sarili sa abot ng aking makakaya. Sabi ni Sael baka atakihin ulit ako ng asthma kapag hindi pa ako tumigil sa pag-iyak. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ni Sael sa aking balikat. Ang isang Sael umiiyak dahil sa akin. "N..natatakot ako, natatakot akong makalimutan ko siya. Wala na bang paraan? Dati naman natanggap ko na e. Pero ngayon ang hirap Sael sabihin mo anung gagawin ko" Iniangat ko ang aking mukha at tumingin kay Sael.

"Sael please. Payagan mo ako? Gusto ko siyang makasama kahit isang araw lang, tapos... tapos hindi na ako magpapakita ulit sa kanya. Last na lang" Desperado na ako. Kahit isang araw lang gusto ko ulit maramdaman na nasa bisig niya. Gosh nahihibang na ba ako? Dapat nong una pa lang naming pagkikita ay minahal ko na siya. Nababaliw na ba ako? Hindi ko naman alam ng mamahalin ko siya in the first place.

"J..just one day" Bulong niya sa akin at iyon ang pinakamagandang sinabi ni Sael sa tanan ng buhay ko. Ngumiti ako bago ko siya muling niyakap.

Last Embrace (completed)Where stories live. Discover now