23-Journal

338 21 2
                                    

Journal

December 22, 2011

Nahimasmasan ako sa aking pagkakalango sa alak. Ilang araw ko na ring ginagawa ito. Biglang pumasok yung biro sa akin ni Maki nung isang araw.

"Pare, ba't di kaya magdisguise ka yung super layo sa itsura mo, tapos mag-commute ka. I mean mag-bus ka pa-byahe kina Jay. For sure hindi ka na nila mahaharang"

Pwede kong gawin ang biro ni Maki. Sa ganun magagawa kong makapasok sa Sta. Catarina nang hindi nila nalalaman. Pinaharurot ko ang aking sasakyan patungo sa lugar na una ko siyang nakita. Madilim ang paligid kahit alas-sais pa lang. Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng bahay niya ngunit wala na akong nakitang tao. Alam ko namang wala na akong matatagpuang Lj dito pero nakakapaghinagpis pa rin na makita ang gantong paligid ng bahay niya.

Wala na talaga siya. Pumasok ako sa kwarto niya. Nagbabaka-sakaling makikita siya ngunit wala. Masakit pala iyong kahit alam mo na dapat ng tanggaping hindi ko na siya makikita ay nagsusumiksik pa rin ang kagustuhan ko na makita ko siya dito. Umaasa akong may posibilidad. Napaupo ako sa kama niya. Sa pag-iikot ng aking mata sa loob ng silid ay may nakita ako. Isang laptop ang nasa ilalim ng unan. Dito sa bahay na ito nagsimula ang lahat. Ang kanyang mga ngiti, ang kakaibang kilos at pananalita lahat yon unti-unting pumapasok sa aking isipan.

Lalo akong nalungkot. Naalala ko ang mukha niya noong nakita niya ko sa pad. Punong-puno yon ng lungkot.

Binuksan ko ang laptop niya. Nandoon pa rin sa gilid ang ilang hello kitty sticker. Pagkakita ko pa lang dito noon ay suspetsya ko nang babae siya, then napatunayan ko yon noong nasa kotse kami.

I kiss her neck, mark na sa akin lang siya.

May sticky pad sa tabi nito. 'Password: RajiMontenegro' sunod-sunod na mura ang nasabi ko sa pagitan ng aking frustration. Then I saw one folder named My Journal. Nagsimula akong magbasa.

A week after he mentions that he will stay away from me?

'Ayoko ng pakiramdam na ito.

Ang panget ng babaeng katabi niya.

He look so good today!

First kiss namin.

Bakla ba siya?,

No it's four'

Napasuntok ako sa kama. She feels the same way. Hell. Hindi ko man lang napansin. Ang akala ko ako lang.

he promise to visit me here

and I'm looking forward to seeing him...

"Sorry naduwag ako" nagsimula ng umagos ang luha ko.

Hateful entry #

Inataki ulit ako

Inalagaan ako ng mga tinuturing kung Kuya

They are a true friend

I'm still lucky to have them

Nagalit sila dahil naglagay ako ng password sa laptop

Raji Montenegro is my password

I find him as my key

A key to my memory

Naging madalas ang pagkalimot ko

I'm not a crybaby pero naiiyak ako

I miss you, and I'm scared Raji...

"Damn I miss you too my angel" napahagulhol na ako. "Nasaan ka ngayon? Please, sana hindi ka umiiyak. Hindi natatakot na wala ako sa tabi mo" napapiyok na ako kasabay ng pag-iyak. Ipinagpatuloy ko pa ang pag-babasa.

Sad & Happy entry #

I'll buy recorder to have accurate memories. Muntikan na akong mabangga. Inatake ulit ako and I wasn't able to recognize him until Sael came. The stranger introduce himself. Raji is his name, then memories flashing back.

Months, weeks then daily na akong nakakalimot. Hindi niya dapat malaman, masasaktan ko siya. Ayokong kaawaan niya ko.

I leave him wondering. I can't stop crying Raji sorry.

I'm sorry, I just can't stop loving you.

'Mahal na mahal kita.

Raji ang pangalan ng taong dapat hindi ko makalimutan'

I ask Sael, them - ranting me a wish to be with you Raji. For one day and they let me. I'm super happy and excited to see you. Jerome bought me a dress. Blake provide my doll shoes. 2 tickets for movie from Jayson. Bob brought me to Salon. Sael give me 2 handcuff bracelets. I feel so love pag kasama ko sila.Pero mas sasaya ako pag nakasama na kita.

Raji. I'll surprise you.

I'm hoping for memorable last day with you.

"I'm sorry Lj. I ruined your plan your last day with me. I'm sorry" naisara ko ang laptop. Lalong winawasak ang pusong ko ng mga laman ng journal niya. Napatuon ako sa unan. Fuck! May bra sa ilalim. Napatawa ako ng wala sa oras.

Hinanap ko si Sael, alam kong alam niya kung nasaan si Lj. Nakarating ako sa school. Hindi ako binigyan ng pansin ni Sael pag-kakita pa lang niya sa akin. Hindi ko na alam, Mababaliw na ako.

Last Embrace (completed)Where stories live. Discover now