22-Tulong

328 22 1
                                    

Tulong

December 10, 2011

Bakit paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ng lalaking iyon.

you don't have future with my L

you don't have future with my L

with my L, 

my L

Nang bitawan niya ang salitang iyon ay napipi ako kahit nagpangting ang panga ko sa galit. She is only mine and not for him. Ngunit sa sitwasyon ay mas may karapatan ang Sael na iyon kaysa sa akin, masakit man tanggapin talo ako, natalo dahil gago ang isang tulad ko.

Nang mapaghiwalay na kami ng security ng building ay nagpasya na rin makuntento nang tatlo sa pagbasag ng mukha ko. Pinanuod ko pa silang lumalabas papunta sa parking area. Gusto kong ipaliwanag ang part ko pero duda akong maniniwala sila sa akin. Gusto kung alamin kung nasaan siya, saan nila dinala si Lj pero binalaan na nila akong lahat, that I'm not good for her.

Laglag ang balikat kong bumalik sa aking pad, pagkapasok ko ay tinungo ko agad ang wine section sa kitchen dahil talagang kailangan ko iyon, wala na rin ang slut dito sa silid ko, mabuti naman at natakot siya sa galit ko kanina na nagpakita siya kay Lj.

Bumalik ang ala-ala ko nang magpunta ako sa Sta. Catarina.

Hindi ako makapasok sa mismong sentro ng Sta. Catarina. Sa bungad kasi ng Arko ng probinsya ni Lj ay may mga nakahilerang mobil ng pulis. A checkpoint to be exact. Nang mabasa nila ang pangalan ko sa aking driver license ay inabisuhan na ako ng isang pulis that I was not allowed to enter their town. Gusto kung sumabog sa galit sa mga oras na iyon. Ginagamit nila ang impluwensya nila para lang hindi ko malapitan si Lj.

Nag-paliwanag ako pero hindi naging sapat para padaanin nila ako. Grabe ang pag-pipigil kung hambulasun sila ng aking kamao. Nang magtaggal ay napasuko na rin ako sa pakikipag-usap sa mga pulis. Bumyahe ako pabalik sa Manila na hindi nagawa ang plano kong makita si Lj at ipaliwanag ang part ko.

Wasak na wasak na ako. Wala akong mahingan ng tulong dahil mas ma-impluwensya ang pinagsama-samang rangya nila kaysa sa akin. Nag-iisa ako at sila ay limang mayayaman at maiimpluwensyang tao.

Tinawagan ko si Maki. Kailangan ko ng makakausap. Nag-antay lang ako ng apat na oras at dumating din ang kumag. "Anung atin?" panimula ni Maki.

Iniabot ko ang isang bote ng beer. "Tulong pare, kailangang kailangan ko-" at napaiyak na naman ako.

Ang matagal ko nang tinatago dito sa kasulok-sulukan ng dibdib ko. The simple interest I have before grows without my knowledge and then finding out, how much she mean to me.


Last Embrace (completed)Where stories live. Discover now