20-What happened to her?

325 22 2
                                    

What happened to her?

Same date:

Tumakbo ako papalayo. Naririnig ko ang malulutong pa niyang mura at pagsigaw ng pangalan ko. Sa tingin ko ay hindi talaga ito isang perpektong storya. Hindi kami para sa isa't-isa ngunit hindi ako nagsisising minahal ko siya kahit alam kong walang patutunguhan ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Sobra na ang nararamdaman ko. Pagod, lungkot, disappointment, takot at hindi matapos na pag-iyak ko. 

Kailangan ko sila Sael, Blake, Jerome, Bob at Jayson.

Biglang may tunog akong narinig. Bumukas ang elevator. Tumakabo ako pero napahinto rin. Napailang kurap ako. Inikot ko ang tingin sa paligid. Muli ay napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan.

Nakarinig ako ng mga ingay.

"Mommy!, Mommy! Umihi na iyong babae"

"Hala si Ate oh. Tingnan nyo, napaihi sa gitna ng lobby"

Napasinghot ako at napaiyak. Hindi ko alam kung saan pupunta. Nasaan ba ako? Pagod na pagod na ako. Nanginginig ang mga kanyang mga kamay ko, tuhod at lahat ng buong kalamnan. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Bakit sila nakatingin sa akin? Nagbubulungan sila. Ako ba ang pinag-uusapan nila?

"Kawawa naman si Ate" 

"Nako girl, tawag ka sa 117 dali" 

 "Hindi, hingi tayo ng tulong sa security para mas madali" 

"Pahiramin mo ng damit Kuya" 

 Malinaw kong naririnig ang mga boses nila. Mga estudyanteng kanina pang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila. Inilibot ko ang aking tingin. May lalaki na palapit. Siya lang ang nag-iisang naglakas loob na lumapit sa akin. Bakit siya umiiyak? Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Puno nang pag-aalala ang kanyang mukha. Sino siya? May repleksyon na sobrang kalungkutan at pagtataka ang mga mata niya. Hindi ko maintindihan. Iyong pagkalito, lungkot at takot at pag-iyak ko ay nawala ng lumapit siya. Ngumiti ako sa kanya.

"Sino ka? Sabi ni Sister Ana, aantayin ko dito si KenKen. Maglalaro daw kami. Ay.." Napatingin ako sa aking damit. "Bakit ako basa? Siguradong magagalit si Sister Ana" Kinagat ko ang ibabang labi bago ako muling ngumiti sa kanya. Humikbi siya sa sinabi ko. Lumuhod siya at niyakap ang mga bewang ko.

"Sorry, wag mo akong takutin ng ganito. Anong bang nangyayari sayo?"

********

"Hala si ate naihi sa dress niya oh" sambit ng isang istudyante pagkababa ko ng lobby. Then I saw her, nakatayo sa gitna ng lobby at parang may hinahanap ang mga mata. Pinagtitinginan siya ng lahat.

I saw her and she's in big trouble. May tumutulong likido mula sa laylayan ng kanyang bestida. Nang magtama ang aming mata ay agad ko siyang nilapitan. Mas lalo akong kinakabahan. Nakita ko ang mamasa-masa niyang mukha. Nakangiti siya sa akin. Mas lumaki ang ngiti niya ng makalapit ako.

"Nakita mo ba si Sister Ana? sabi niya nag-aantay na daw iyong aampon sakin. Excited na nga ako eh! Maiiwan ko na sina Ken-Ken dito pero syempre okay lang yun. Makakahanap rin naman sila ng magulang eh! Anla umihi na pal..." galak ang maririnig sa boses niya. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Bigla ko siyang niyakap na ikinatigil ng kanyang pag-imik.

What happened to her?

"Bitawan mo ko? Ayoko sayo" bigla niyang sabi pagkatapos ay nagpupumiglas siya sa yakap ko. Lalong tumulo ang mga luha ko. Anong nangyayari?

"Patawarin mo 'ko please, wag mo akong takutin ng ganito. Bumalik ka sa dati. 'Wag yung ganito huwag iyong ganito" Hindi ko na rin mapigil ang pag-hagulhol ko habang yakap yakap si Lj.

Nang ipaling ko ang aking tingin sa paligid ay nakita ko ang limang lalaki papunta sa gawi namin. Umiling sa akin si Sael habang ang apat sa kanila ay pinagtulungan ako na ilayo sa pagkakayakap ko kay Lj. Ayaw kong humiwalay. Humigpit ang kapit ko sa kanya. Pakiramdam ko, ito na ang huli. "Sa akin lang siya" matigas kong wika pero tinulak ako ng mga hikbi at boses ni Lj na bitawan ko siya. Wala akong nagawa kundi kumalas.

Is this my last? My last embrace to the girl I love.

"Bad ka! Isusumbong kita kay Sister Ana!" sigaw niya pa sa akin. Napahinto ako sa paglapit sa kanya sa binitawan niyang salita. Parang sinabi niyang wala akong karapatan sa kanya. Lumapit yung isa sa lima-si Jerome.

"Tara, hanapin natin si Sister Ana" ngumiti si Lj sa lalaking iyon. Just shit.

"T..talaga? Alam mo kung nasaan siya?" tumango si Jerome at nakita kong nagningning ang mga mata ni Lj.

"Fuck no Lj. Don't!" gigil kong sabi. No Lj, wag kang sumama sa kanya. Ilalayo ka niya sa akin si Lj. Fuck hindi ako papayag.

Lalapit pa lang ako ng harangan ako niJayson at Bob. "Saan niyo dadalhin si Lj, bitawan niyo ako!" singhal ko sa kanila. I swear ginawa ko lahat. Hinila ko ang mga kamay niya. Wala akong pakialam kong pinagtitinginan na kami dito.

Nagpumiglas ako sa kapit nila, malakas sila kaya naging mahirap bago ako makawala sa kapit nila. Hinabol ko si Lj na inaakay nina Blake at Jerome palayo. Si Sael ay steady lang na nakatayo.

Nang makalapit ako ay iniharap ko siya. Muli ngumiti siya sa akin. "Lj anong nangyayari sayo ako to s..si Raji hindi mo ba ako nakikilala?" Umiling siya pagkatapos ay muling ngumiti. "Fuck magsalita ka" niyuyugyog ko ang balikat niya at nagsimula na naman siyang umiyak. Pati ako ay ganun din, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Please Lj ako ito si Raji. Alalahanin mo naman ako, please.

"Eh gago ka pala eh!" sabay suntok sa akin ni Bob at tumilapon ako sa sahig. Wala akong marinig kundi malulutong na mga mura at paghagulhol ni Lj.

Gulong-gulo na ako sa sitwasyon. Sunod-sunod ang tadyak na natatanggap ko. "Tama na yan! Ilayo niyo na siya" awat ni Sael. Ngumisi ako sa kanya bago ko ibinaling ang tingin kay Lj. Nakita ko ang umiiyak na Lj bago ito maglaho sa aking paningin. Darn it wala na siya. Muli nag-unahang umagis ang luha ko. 

Hindi maaari.

Last Embrace (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang