Pt. 003

30.2K 505 22
                                    

pt. 003

habang nagkaklase kami, syempre hindi muna ako nag-day dreaming baka ipahiya nanaman ako ni Sir Manaoag no.

CHEMISTRY oh CHEMISTRY bakit kasi may subject pang ganito, bakit hindi nalang para sa mga Scientist ipagawa ang subject na ito, at kaming mga batang walang kinalaman pa sa mga elements-elements at kung ano-ano pa ang magdusa.

ang Chemistry ay para sa dalawang tao.

ang chemistry ay para malaman kung ang dalawang tao ay para sa isa't isa. Hindi iyong mga tinuturo ni Sir sa white board na wala talaga pumapasok sa isipan ko.

kahit siguro batuhin ako ng mortar and pestel hindi parin ako matatauhan.

pero, naalala ko nanaman ang lalaking halimaw na si Borg.

naalala ko kung paano niya sinagutan ang mga problems ng Chemistry, ay uo nga pala, hinuhulaan niya lang ang sagot.

at kaya ko din yun no.

ang dali kayang manghula ng sagot.

pwedeng a or b, c or d. it's up to you, pag walang choices, wag sagutan. dali dali eh, ginagawang komplikado. (*___*)

ang tagal naman matapos nitong subject na ito. kakainis!

"What is the symbol for sulfur?" ayan nagtanong nanaman siya-- malay ko sa mga symbols na yan.

okay lang, may mga nagtataas naman ng kamay, ang mga feeling bright kong mga kaklase.

"Baustista, what is the symbol for Sulfur?"

HUH? AKO? AKO TALAGA! BAKIT NAMAN AKO, HINDI NAMAN AKO NAGTATAAS NG KAMAY HA! naku ha! pinag-iinitan ako ng gurang na ito ah!

"ah eh-- Sir." <--ako.

letche! hindi ko alam.

"stand up Mr. Bautista." <-Sir.

tayo naman ako, iyong mga impakto kong kaklase, nagtatawanan.

eh hindi ko nga alam ang sagot eh.

"ah eh-- S.R.?"

ayun, tumahimik si Sir. SR means, serious relationship. wahohoho!

mukhang tama naman ang sagot ko eh. dapat kasi water nalang tinanong niya, mas sure pa ako dun. H2O.

"Anyone can tell Mr. Bautista what is the symbol for Sulfur, it seems like he's not in the room again." Sabi ni Sir.

so mali ang sagot ko? so kailangan ipahiya ako? naku ha!

eh hindi ko alam ang sagot.

nagtaasan ng kamay ang mga tiyanak kong klasmate.

tinawag ni Sir si Becky ang kaibigan ni Sarah, ang tabaching ching kasi kaya becky ang tawag ko sa kaniya.

"S sir." sagot ni Beky.

tumingin sa akin si Sir.

"ngayon alam mo na Mr. Bautista, tutuklawin ka nalang ng sagot dahilnakasulat na sa white board hindi mo pa masagot." Sabi niya--- "Now sit."

para naman akong aso nun.

letcheng mga klasmate to' kaya naman pala nagtataasan ng kamay kasi nasa white board na ang sagot.

feelingero'tra talaga.

=____=

OKAY LANG NA MAPAHIYA SA CHEMISTRY KASI ALAM NAMAN NG LAHAT NA HIRAP AKO SA SUBJECT NAYAN NO.

PATI PALA MATH.

URGHES!! *___*

mga subjects na dapat talaga binibigay lang sa matatalino eh.

Halimaw Sa Punong BaleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon