Pt. 012

22.2K 407 32
                                    

pt. 012

Nakatayo sa Kanan si Borg. Ang skin tone niyang sobrang lakas ng sex appeal sa pagkakatimpla, napaka-native, napakaPinoy, ibang klaseng pagkakamoreno na namumula pa sa init ng araw. Ang manipis niyang labi na once na ngumiti siya ay kitang kita ko ang pantay at mapuputi niyang ngipin plus pumapailalim pa ang kaniyang nag-iisang dimple sa kaliwa pisnge. Ang tangos ng kaniyang ilong na parang ang sarap niyang i-nose-to-nose, ang mata niyang nag-aala almond dahil napaka-expressive nito. Well- developed eyebrows. Ang ayos ng tindig niya, ang ganda ng katawan niya na nagfifit sa kaniyang paboritong poloshirt. Basta, lagi siyang nakaPolo shirt. Pero, iba-iba naman. Ang muscles niya sa braso na parang ang sarap lapirutin. *____*

Nakatayo sa aking kaliwa si Trevor, na mala-porselana ang kutis, sobrang kinis, ang puti na parang pang-artista. Pak na pak ang highlights na may pagkagolden brown ng kaniyang hair lalo pa't tinatamaan ng araw. Bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang soulpatch sa ilalim ng kaninang sobrang kissable lips. Ang ganda ng pagkakaponited ng kaniyang nose, ang mga mata niyang nangungusap na mahalin ko na siya ng lubusan, ang brown eyes niyang kitang kita. Ang kilay niyang sobrang ganda ng pagkakatubo na haaayy.... napakaperpekto ng pagkakahulma ng kaniyang itsura. Napakatuwid ng kaniyang tindig. Mula dibdib pababa.

Parang dalawang Prinsepe na maglalabanan para sa iisang prinsesa, at ako nga iyon.

wwwweeeeeeeeee!!!!

haaayyyy.. pwede bang, wag nalang nila akong ayain, tumayo nalang siya sa harapan ko habang pinagmamasdan ko sila, nabubusog na ang aking mga mata.

"Hoy Neng!" <--Nayette!!!

"Ano beerrr?" <--ako. Kinikilig. letche ko talaga!!

"Ehermm.." <---Trevor.

errg! ano ba! hindi nanaman ako mapagdesisyon oh!! pwede bang sabay sabay nalang kami kumain? tapos,iwan nalang namin dito si nayette. bwahahaahha!

ang sama ng ugali ko.

Tumayo na ako, ito na pipili na talaga ako. humakbang ako. papalapit kay---

"I'm sorry Borg--- I'll be having lunch with Trevor." <--AKO!!!

si Nayette. napanga-nga!!

eh ano ba? pipiliin ko si Borg? tapos ano? mababaliwala lahat ng paghihirap ko para makasama si Trevor? pumasok ako sa School na ito para kay Trevor, hindi para kay Borg.

"Okay." <--Borg. Tapos, tumalikod na siya. 

ayyyyyyy--- nakadama ako ng pagka-guilty. ano ba kasi tong si Borg!!! bakit ba niya ako ginaganito? bakit niya ginugulo ang aking puso.

"I'm coming with Borg." <--Nayette. Ang sama ng tingin sa akin ni Nayette! tapos, kumapit siya sa braso ni Borg.

"let's go." <---Trevor. hindi ko napansin na naglakad na si Trevor.

iyong--- naiwan akong nag-iisa na nakatayo sa ilalim ng puno.

MALI BA ANG GINAWA KO? NALILITO TULOY AKO. TAPOS SI BORG!! NAKAKAINIS SIYA!!! AYAW NA NIYANG LUMINGON PA SA AKIN!!!

"BORG!!!! HALIMAW KA TALAGA!!!!!!!!!!" sigaw ko talaga!! napatingin sa akin si Borg at Nayette. Dinilaan ko sila.

para akong bata!!

bleeh :p

kakainis!! takbo ako kay Trevor. pero, palabas kami ni Trevor ng Campus.

nakakainis talaga iyong Borg na iyon! kung pinilit niya lang ako edi sa kanya ako sasama!

ano? sa kaniya ako sasama!! hindi pwede iyon no! hindi ako sasama sa kaniya, sa harap pa mismo ni Trevor? ano nalang iisipin sa akin ni Trevor na lumalandi ako sa iba??

Halimaw Sa Punong BaleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon