Pt. 018

20.7K 364 17
                                    

pt. 018

Feeling ko naman ako'y isang model dahil nagca-catwalk pa ako habang papasok ng School...

with shades on my eyes... kahit na alam kong hindi pa talaga sobra ang init...

maarte lang kasi talaga ako no.

at pakiramdam ko na parang isang teleserye ang eksena ko habang naglalakad, kung saan ang lahat ng estudyadeng engkanto ay nakatingin sa aking kagandahan, tila ba, kung si Katness Everdeen ay nagliliyab sa kagandagan, pwes ako naman nag-nining ning ng bongang bonga...

all eyes on me...

"Morning Koi..." <--boses ng isa sa lalaking nanliligaw sa akin mula sa likod ko.

maka"nanliligaw" naman ako. urrrrrghes!

pagtingin ko...

ang hot and fresh tignan ni Borg, tsaka parang ang bango bango niya.. parang ang sarap sarap niyang amoy amoyin.. nakakagigil..

grrrr...

pakagat ng pogi..

eeeeeeeeeekkkkkkkkkhhh! ano ba tong iniisip ko. na-state of the shock nanaman ako.

haaaaaaayyyyyyyyy.....

"Oy Koi? okay ka lang? tulala ka sa umaga ah." <---Borg!!!

"ha ah eh...bakit ba kasi? tawag ka ng tawag, kanina ka paba nasa likod ko?" sabi ko, ang eksena, nasa gitna kami ng daan.

"Hindi naman, pagpasok ko sa Gate, nakita kitang rumarampa, kaya nagmadali na akong sumunod sa iyo..." sabi ni Borg na pinakitaan ako ng ngiti na ewan na parang sa tuwing ngumingiti siya, parang gustong kong sagutin na ang panliligaw niya at sabihing...

"Yes..." <---ako!!!

"ha? anong yes?" <---Borg. (?_?)

eeeeeeeeeeeeeeeekkkkkkkh!

"heh! wala iyon! bakit kaba sumunod sa akin ha?" sabi ko, tumalikod na ako, tapos lakad na ulit, nakita ko ang aking kaharian, ang puno ng balete, pero wala pa si Nayette, naku ha!

"napansin ko kasi na wala si Trevor sa paligid, kaya minabuti kong maunahan na siya sa iyo." Sabi ni Borg.

parang nabinge ako sa sinabi niya!!

napahinto talaga ako..

pero total naman, maaga pa...

kailangan lang talaga namingmag-usap nitong si Borg eh....

dapat malaman na din niyang mahal na mahal ko siya--- eeeeeehhhhkkk... ano ba tong pinagsasabi ko, hindi ko siya mahal no, joke lang yun!

tumingin ako sa kaniya...

sa mukha niya, ang pogi talaga, nakakainis!!!

iwas sa mukha...

sa katawan nalang..

urrrrggghh!!

nakakaakit naman...

sa tuhod nalang ako titingin habang kakausapin ko siya...

pero para naman akong tanga non. *__*

ay naku!

"hoy ikaw lalaki ka ha..." dinuro ko siya ng kuko kong pang-diwata. "....alam mo namang gusto ko si Trevor diba? bakit ba ginugulo mo ang utak ko." sabi ko.

"hindi pa naman kayo diba?" <--BORG!! ano ba tong halimaw na ito!! hindi ba niya naiisip o nararamdaman man lang na inilalayo ko siya sa akin, ayaw kong umasa siya sa akin no, ayaw ko siyang masaktan.

Halimaw Sa Punong BaleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon