Pt. 009

22.7K 420 38
                                    

pt. 009

BIGLANG BUMILIS ANG TIBOK NG PUSO KO.

"Nakalimutan mo ata sa kwarto ng anak ko." <--Mama.

"Hindi po tita, baka--- na-ilabas lang ni Koi mula sa bag ko." Nakangiting sabi ni Borg. lapit siya kay Mama. Kinuha ang Brief niya.

kinakabahan ako, anong iisipin ni Mama? si Papa. nakatingin din.

bakit parang balewala lang kay Borg na may Brief siya sa kwarto ko? ano bang iniisip niya??

"nailabas mo Koi? pero nakakita ko itong nasa lapag, malayo sa kama mo." <--Mama.

hala! paano ba ito?

"ano kasi Ma' ah--- eh... diba nga nagkapalit kami ng Bag ni Borg. Baka hindi ko lang napansin na nahulog ko ang brief niya noong nagring ang phone niya. hinalungkat ko kasi bag niya eh." sabi ko.

eh ayun naman talaga ginawa ko eh. naku ha!

"Tita, i need to go na po, salamat po sa dinner." sabi ni Borg.

"sige na Ma' ihahatid ko lang sa labas si Borg." sabi ko.

lumabas na kami.

"Bakit kasi may Brief ka sa bag mo??" tanong ko.

"diba nga swimmer ako?" sabi ni Borg, nakita ko nga pala siya kanina sa pool. "...Koi, hindi ba alam ng mga magulang mo na-- ganyan ka?"

"na bakla ako?" sabi ko.

tumango siya.

"ewan ko sa mga iyon no, siguro oo, tamang hinala. lalo pa ngayon, nagdala ako ng lalaki at may nakita pa si mama na brief mo sa kwarto ko."

"eh-- paano kung maging kayo ni Trevor? paano mo siya ipapakilala sa Magulang mo?" tanong ni Borg.

URGHES!! SI TREVOR. bigla kong nakalimutan ang pag-ibig ko.

"ay naku, ako nga di ko pinoproblema iyon no, sige na umuwi kana, baka masaraduhan ka pa." sabi ko.

"oh sige------ Koi..." tawag niya pa ako, papasok na sana ako sa loob eh.

"ano iyon?" tanong ko =____=

"can i have your number?" tanong niya...

urgh!! bakit naman niya kailangan number ko.

"...just want to say goodnight mamaya, tatawagan kita." <--Borg.

"okay fine..." lumapit ako, at kinuha phone niya, nilagay ko number ko. "..sige na uwi kana, pakilala ka bago ka magtext o tumawag. okay?" sabi ko.

"okay sige." pero,di pa siya naalis, nakatayo pa siya.

"ano na? alis na no!" sabi ko. urgh..

"ah Koi.. wala bang kiss?" <----HALIMAW SA GATE NAMIN!!!

ano daw??? kiss!!! napatingin ako sa labi ni Borg. 

*___*

"tssseeeeeeee!! kiskiss mo sa sarili mo sa pader!! halimaw ka talaga! alis ka na! tsu tsu!!!" sabi ko.

nangkukulit pa!!! tapos tawa pa siya ng tawa. urghes!!!

ayun umalis na siya.

pumasok na ako.

"infairness Koi ha? Pogi ang KAIBIGAN mo." talagang, madiin iyong sa "kaibigan" sa pagkakasabi ni Mama.

"siguraduhin mo lang na hindi pa paiiyakin ng lalaking iyon ha?" <---PAPA!!

"HALA! ano ba iyang mga pinagsasabi nyo ha! anong akala nyo sa akin? bakla? naku ha!" sabi ko, tapos takbo ako sa taas.

~~~~

Halimaw Sa Punong BaleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon