Ch. 1 - Pt. 7 - The 4 Kings

309K 4.8K 714
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 1 - Pt. 7

Charice POV

Dahil wala akong malalaman kung di ako magtatanong, sige, tatanungin ko na lang sya ng tanong at base sa mga sagot nya sa tanong ko'y malalaman ko ang sagot dun sa una kong tanong.

Nalito kayo dun ano?

"Bianca" - tawag ko habang hawak ko yung maliit niyang salamin na pinahawak sakin. 

"Oh?" - tanong niya habang tinitingnan niya sa salamin kung pantay ba yung eyeliner na kakalagay niya lang sa kaliwa nyang mata.

Tapos napansin yata nyang nakatingin ako sa kanya. Tapos ayun tumingin din sa'kin.

  

"Bakit?" - tanong niya.

"Taka lang ako kasi bat di ko alam yung Kings?" - tanong ko.

"Nabigla nga rin ako sa yo eh." sagot niya.

  

Hinalumbaba ko yung isang kamay ko at kinuha ko yung straw ng coke at uminom.

  

"Bakit yung isa di napunta sa canteen?" - tanong ko.

"Hmmm" - inaayos pa ni Bianca yung fake eyelashes niya.

"E kasi.. napasok lang yun pag test" - sagot nya.

"Ah.. ano bang section nun?" - tanong ko dahil medyo na-cucurious ako. Siguro ayaw nyang pumasok dahil di sya magaling. E di ba pag hari ka, dahil mayaman ka, dapat magaling ka din?

"Class A.. Nakita ko na nga eh. Pinakagwapo at pinakamasungit. Pero di sya yung type ko ee. Mehehehe :3" - sabi niya.

Di na ko nagsalita. Eto kasing si Bianca todo make up. Di ka gaganahin makipag usap.

  

"NASA HALLWAY NA SILA!" - sigaw nung isang //ehem// Sirena. Si Aryana.

  

Nagkaguluhan yung mga tao. Panic sila na parang dadating yung iniidolo nilang Kpop boy group sa isang airport na kulang na lamang ay mga banners para salubungin sila.

"Dapat nag ayos ka!" - Bianca habang tinatabi niya yung mga ginamit niya dali dali.

Duh, I don't need A Man :p

Tiningnan ko sya ng Bakit-ako-mag-aayos? look.

Bago niya to nasagot eh bumukas na yung pinto. Tiningnan ko kasi na cucurious ako. Feeling ko ako lang ang di alam nito eh freshman pa lang, dito na ko pumasok. Baka nga, I'm ignorant. //ansave

  

Pumasok yung.. isa.. dalwa.. tatlo.. apat.. Apat na lalaki. Nakasuot sila ng uniporme at mapapansin mong tila nagpaderma silang lahat >__>

Nag inarte ang mga babae pati ang mga ehem. As in! Yung bang parang ang pinahihiwatig ay: pansinin mo ko -- yung ganun.

May dalwa pala kaming kaklase dun ah. Yung Junsu at yung Jaki? Tiningnan ko si Bianca.

  

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon