Ch. 11 - Pt. 6 - Her visit

216K 3.3K 259
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 11 - Pt. 6

"Cha, ayos ka lang ba talaga? Baka medyo takot ka pa sa nangyari kanina ha?" - Bianca.

Charice POV. 

"Pero hindi ako makapaniwala sa balita ha.. ang bilis ng radar pero grabe! Hindi ako makapaniwala!" - dagdag pa n'ya.

Nasa school ako -- classroom in specific.. at pumasok ako.. half day nga lang. Tsk, ewan nakakainis naman! Naiinis ako.. kung bakit.. kasi, di n'ya tinanong yung @#$%! Nakakainis! Bahala s'ya!

Mamaya pa ay dumating na si Ma'am MAPEH at bumaba na kami sa gym (since laging ganon). Nag warm up exercise kami. Matapos naman yun, nagsalita na si Ma'am.

"You'll be divided into partners. Not three but into two's only. Ang makakapartner nyo ay ang katabi nyo sa kanan. Di ba, ang seating arrangement nyo sa room ay babae-lalaki-babae-lalaki? Yun ang partnerings." - anunsyo n'ya.

Naman?!

Umingay naman yung mga kaklase ko. May iba kasi na ayaw sa partner.

"QUIET! This is your 2nd grading project sa Physical Education!" - dagdag pa n'ya.

"Ma'am, sasayaw kami ng Rumba o mga Cha-cha?" - Prances.

"Hinde! Gagawa kayo ng Video! Video tutorial ng lahat ng Locomotor at Non Locomotor! Ok?!" - Ma'am.

"Ma'am, wala ko partner. You know.." - Angelli na medyo nakatungo.

"Ah onga pala si JunSu.. Sino pa bang walang partner?" - Ma'am.

May isa namang tumaas. Babae siya. Taas na rin sana ako ng kamay pero.. "Sa Monday ang pasa. n'yan ha! Kaya sa Sabado o Sunday kayo gumawa. Pag usapan nyo ngayon ang gagawin! Ok?"

Oh shet! Anong gagawin ko?! Ang partner ko, wala dito!

Busy naman ang lahat. Ito pa nga naririnig kong mga plano nila eh:

"Wahahaha! Daya! Ako na lang yung magbabasa! Ikaw na yung mag demonstrate!"

"Pwede namang sabihin na lang nating: Go to this link.. Habang gumagawa tayo ng weird faces!"

"I-Iscan na lang natin yung libro at ayun, gawa na!"

"Ma'am, kailangan po bang kasama yung mukha? I mean, kasama kami sa video?" - tanong nung isa.

"Oo! Dapat mukha nyo makikita ko at di basta voice over. Kung voice over lang, di ko tatanggapin." - Ma'am.

Argh! Inaantok na ko! Aish! Friday nga pala ngayon, tapos sa Monday ang pasa? Wag na lang kaya mag submit?

"Ma'am! Si Raymond po, ayaw maki-cooperate!" - sumbong ng isa.

"Kailangan, parehong mukha nyo ang makita ko. Kung isa lang, di ko tatanggapin." - Ma'am.

"MA'AM! Taga camera ako!" - rinig kong sigaw nung isa.

"AY HINDE! Di pwede!" - Ma'am.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon