Ch. 6 - Pt. 8 - Bianca's First Love

251K 4.1K 115
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 6 - Pt. 8

Side Story : Bianca's First Love

"Ganda tol niyan ah. Anong name niyan?" - Mark.

Mario's POV (5 years ago)

Bianca daw ang name niya pero eto ang pic na binigay niya nung hiningi ko pic niya. Eto ba talaga sya? I mean, parang model naman to. Wala ba syang pic na gamit ang cellphone niya?

"Online tol. Cam to cam kaya kayo?" - Mark.

Tss. Ewan ko lang kung papayag to. Sabi niya 10 years old lang siya tulad ko pero parang ang tanda niya sa pic na to? Baka poser to? 

"Nireject tol." - Ako.

"Nako tol, ayan eh poser Pustahan tol." - Mark.

Tss. In a relationship ako kay Bianca. Di ko pa nga sya nakikita kaya kung tutuusin, parang internet relationship lang kami. Virtual ba tawag sa ganun? Nagkakilala lang naman kasi kami sa isang virtual game eh tapos nagkasundo kami tapos ayun, ginawa kaming item ng mga friends ko rin sa game so ayun, naging kami. Sa game, pwede kang magpropose kaya ayun, married ang status ng aking avatar. 

Ang username nya ay : "Black_Death"

Akala ko nga ng una emo to eh. Malay ko ba na babae pala to. Sa friendster pa nga kami unang nagkacommunicate. Sumunod ang YM. Lagi ko syang kausap sa headphone. Pero sya naman eh di man lang mag effort na bumili ng ganun.

Yan nga pala ang flashback 5 years ago. Elementary pa ko nun.

Isang araw gumawa siya ng entry dun sa game na She's going to quit the game. Ako nga eh nabigla kasi syempre di ba.. married kaya yung avatar ko sa kanya. Sinabi rin niya na aalisin na rin daw niya yung account niya. I-dedelete! Sayang naman at ang taas ng level niya! 

Di ko nga pinayagan pero ayun, kinabukasan pala wala na siyang account. So nagkakausap pa rin naman kami nung 1st year ako, parang wala na eh. Nalaman ko na lang na nag moved account pala siya pero private na. Di ko alam kung anong name or url ng facebook niya kaya wala na.

Di ko na naman siya kinulit nun at dahil nga sa ibang lupalop siya ng Pilipinas. Nasa Cavite ako, nasa Batangas siya. Kung tutuusin, pwede kaming mag meet up. Isang araw sumama ako kina Mark na bumili ng mga gagamitin para sa next school year. May nga nun eh. Ang aga nga kung tutuusin. 

May narinig ako: "Uy Bianca, ano ba yang nilalagay mo sa basket?"

Yun ang narinig ko. Pagkarinig ko ng name na Bianca, bigla naman akong kinabahan. Ewan ko, feeling ko gusto kong lumingon pero nung lumingon ako nakatalikod yung kinakausap niya.

"Hayy nako Cha, pabayaan mo na lang ako. Ibibili na lang kita ng Ice Cream mamaya. Gelatissimo pa kung gusto mo!" 

"Hay nako Bianca, tumigil ka nga jan. Sponsored? Isposponsored ako ni Bianca? AKA... Black Death? Sinong niloko mo?!"

Black... black death? Yun agad ang nasabi ko sa sarili ko kasi di ba.. siya nga yun. Confirmed! Liningon ko. Wala naman akong kinatatakutan kasi gwapo naman ako *wink* Rank 3 sa campus (in terms of looks). Ayos na yun. 

Di ko nga alam kung ano ang irereaksyon ko. Kasi sa totoo, napag alaman kong isa palang SNSD member yung binigay niyang picture sakin. Yuri daw yun eh. Kwon Yuri. Nireseach ko pa nga eh. Sikat pala yun sa Korea. Kaya alam ko na noon na poser siya. Pero.. akala ko pangit siya kasi poser.. eh... uhm...Maganda siya. Maputi. Ang ganda nga ng ngiti eh.

"Sama mo talaga Cha!" sabi pa nya sabay nguso.

"O tama na yang drama. Di ka magugustuhan ni Ji sa ginagawa mo."

Ji?

Di ko alam kung ano yung naramdaman ko nung mga oras na yun. Parang ewan lang. Parang curious na curious ako kung sino yung Ji. Gusto ko nga rin magpakita sa kanya pero baka di niya na ko matandaan.. o baka boyfriend niya pala yung Ji. Ayoko namang sirain yung masaya nilang relasyon. Nakakangiti kasi siya tapos mukhang masaya. Baka kung sisingit ako, mawala yung ngiti niya. 

"Tara na. Pag yan di mo inalis, ikaw ibabayad ko."

Natawa naman ako kay Bianca at inalis nga yung mga gamit na pambabae na pang.. pang kikay kumbaga (may kapatid akong babae kaya alam ko yung word na yun).

"Psh. Minsan na nga lang to! Sale kaya dito kaya dito tayo namili sa Cavite." ngumuso ulit siya.

Gusto ko na talagang lumapit sa kanya para sabihin kung kilala niya ako pero pumunta na sila sa counter tapos tinawag naman ako ni Mark. 

"O ano bang tinitingnan mo dyan?" - Mark.

"Wala. Pumili ka na dyan. Dalian mo." - Ako.

"Tol, seryoso ka ngayon ah?" - Mark.

"Tss." - Ako.

- - -

Bianca's POV.

Ang daming tao sa Cavite. Grabe, bago ko pa napasama si Cha dito para bumili. Sale kasi eh! Patingin tingin nga ako e.. may kilala kasi ako dito. Mario Vien yung name. Kaya lang sa dami ng tao, makikita ko kaya yun? 

Wala lang, nacucurious lang ako. Hahahaha.

Sya kasi ang first love ko eh. Simula 10(?) ako. Nung bata pa naman ako, di ako masyadong interesado sa mga lalaki. 

"Ma'am 2,134.75 po." - Cashier.

Kinuha ni Cha yung wallet niya. Parang kanya eh no? Yan naman eh pinagsama ng pera namin ni Cha. Hahaha! XD

Pinirmahan na nung cashier yung resibo. Patingin tingin naman ako sa paligid ko habang inaayos ni Cha yung mga binili namin.

"O tara na." - Cha.

"Sige." - Bianca. 

Bye bye Mario_Vien. Alam ko namang maraming tao dito at impossibleng makita pa kita (baka lang, kasi kanina, sa calenderia nakita ko sina Zander eh XD) Sana magkita tayo.. as friends syempre ^ ^

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon