Ch. 4 - Pt. 1 - Wrong hands

275K 4.3K 288
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 4 - Pt. 1

"Magpalit na daw tayo at pumunta na sa Gym para sa P.E.!" - Rachel.

  

Charice POV

  

Psh, sumigaw na naman ang aming President ng P.E. Si Rachel ang nakaassign sa pagiging president ng P.E. namin. Di bale lahat ng subject may president. Si aming anim, si Layzzah lang ang may posisyon - siya yung chemistry president namin.

Anyway.. or anyways or whatever i don't care kung mali ang grammar, bumaba na kami at pumunta sa dressing room dala yung P.E. uniform namin. P.E. nga pala namin ngayon. Wrong timing nga, di pa digest yung pagkain, dun may P.E. =____=

So ayun nga, nagbihis na kami. Bumaba na kami at pumunta na sa gym.

"Good Morning Class." - sabi ni Sir matapos nyang mag-pito.

"Today, mag babasketball tayo." - dagdag pa nya.

Pagkatapos nun, maraming boys yung natuwa at maraming girls ang hinawakan ang kanilang puson at meron daw sila ngayon. Excuses.com nga naman di ba? Di na sila nahiya!

"Op op ops! Bago ko makalimutan, boys muna ang maglalaro." - Sir.

Nagtalunan naman yung mga kaklase naming boys. Ano yun, ngayon lang ulit makakahawak ng bola, ganon? 

"Pero! May kalaro kayo. Parang NBA Finals! Hahaha" - Sir na tawang tawa sa di-ko-maintindihang dahilan kung bakit natatawa s'ya.

"Oooooow! Baka mga weak yan!" - sabi ng mga boys namin.

Oi, wag nyo igaya ang dota sa Basketball. Mamaya, may narinig kaming mga lakad na pababa sa may corridor. Pagkita namin, mga Class... A.

  

Nagtilian yung mga babae nung nakita nila na naka horizontal line na bumababa sina Ji, YoonJae at si Gosu. Tumayo naman sina Jaeki at JunSu at nakipag highfive sa kanila.

Parang sumulyap si..

Anyway, pinuwesto ni Sir ang taga Class A sa harap namin. Bale kami lahat eh naka-horizontal. Ang Class A ay nakaharap sa Class B. Yung bang parang nanghahamon :p

  

"So, sino ang magbabasketball sa Class B?" - Sir.

Maraming nagvolunteer, yung mga pahuli huli -- e di wala. Di sila kasali. Di sumali sina Jaeki at JunSu. Pagtingin ko naman dun sa tatlo pang mga hari(?) daw, magkakatabi sila at mukhang wala ring planong sumali. Gusto lang ata manuod -- or baka di sila maalam. How sad! /sarcasm/

  

So nagstart yung game. Yung mga kaklase namin todo cheer sa mga kaklase namin. Yung iba di nakikicheer o sumisigaw since wala daw kwenta. Di daw sumali ang mga hari e.. kaya boring.

  

"Sayang, bat di sila sumali >__<" - Layzzah.

"Over qualified ee" - Prances.

"Sa bagay!" - Layzzah.

Game 2 na. Nag simula na yung laro. Nakaramdam na naman ako ng tawag ng kalikasan. Kaya tumayo ako tapos bumulong kay Bianca. Nag nod lang sya tapos ngumiti. Halata namang di sya nanunuod ng laro't naka-focus lang kay Ji.

Naglakad na ko papuntang CR. Pumasok na dun. Walang tao. Tapos, lumabas na ko dun at nag ayos ng sarili sa salamin. Lumabas na rin ako. At ayun, babalik na ko sa gym----

.

.

.

Napatingin naman ako sa... sa kamay ko @#$% May humawak ng kamay ko?!

Napatigil ako sa paglalakad. Pagtingin ko, si.. Asu? Este, si Gosu? Ano ba problema nito?! Nagtitigan kami for 8 seconds tapos mamaya binitawan na niya yung kamay ko.

"Sorry, wrong hands." - sabi niya sabay lakad tapos nilagay yung kamay niya sa bulsa.

Ano problema nun? Ano yun, parang wrong send?! Pagbalik ko sa gym, naglalaro pa rin yung mga boys sa basketball.

  

"Samahan mo naman ako bumili ng fruit juice >__<" - Angelli

"Please?" - dagdag nya.

"Si Bianca?" - Di ko kasi makita si Bianca. Asan yun?!

"Ayun, hinahanap si Ji." - Angelli.

"Tsk, adik talaga." - Ako.

"Please, samahan mo na ku!" - Angelli

"Si Prances?" - Ako.

"Pumunta sa 3rd floor sinama si Layzzah. Sisilip daw sila sa room ni Gian." - Angelli.

"Si Kimberly naman, hinahanap rin si Ji -_-" - dagdag pa nya.

So, sya lang ang natira dito?

"Iliibre kita, samahan mo na kuuu plsss, uhaw na ko kanina pa ee" - Angelli

Naglakad kami papuntang canteen. Bumili si Angelli ng dalwang fruit juice at binigay yung isa sa'kin. Nays, tatawagin na naman ako ng kalikasan pagkatapos kong inumin ito! Naglakad na ulit kami pabalik ng gym -- kaya lang, 

Nagtaka naman kami ni Angelli kung bakit ang daming tao sa may palibot ng Gym. 

"Nanuntok si Gosu!" - 2nd year.

"Ehh?! Bakit daw?!" - isa pang 2nd year.

"Tara tingnan natin!" - isang ehem na 2nd year. 

Nanuntok? As in Punch? Wow, may nagyayari dun? May suntukang nagaganap? Bokseng?! Mukhang exciting! Ack, nagiging sabik na naman ako sa panununtok ah!

Bago yun, ano kayang nangyari? O___O?

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon