Ch. 5 - Pt. 1 - The Search is now Open

255K 3.9K 94
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 5 - Pt. 1


"Are you guys ready for the elimination?" - tanong nung host na lalaki.

"Yeeeeeeeeeeeeees!" - sigaw ng mga tao sa labas.

"Well then...?" - panimula nung babae.

"The search for the 2011 lucky temporary 'Queen' of the Kings is now open" - yung lalaki at babae na hosts.

Charice POV.

Rinig naman sa backstage yung hiyawan nung mga tao sa labas. Rinig naman yung mga bulungan nung mga kasali (na kinakabahan daw sila chenes).

"First batch, ready" - sabi nung babaeng assistant ng event.

"So now, let us welcome the first 5 ladies to compete!" - sabi nung lalaking host.

Tinawag na si Layzzah. Sya una. Goodluck Lay!

So dahil sa nakatunganga lang kami, napansin ko na si Angelli ay mukhang di mapakali. Hawak hawak nya yung mga kamay nya at medyo namamawis ang mga ito.

"May problema ba?" - tanong ko.

"Kinakabahan?" - tanong ko pa.

"Eeeeh! Chaaa, baka matapilok(?) ako o matisod o madulas. Nakakahiya yun, di ba?" - Angelli.

"Kaya natin 'to Angelli! Tiwala langs!" - sabi ni Kim na may paglapit pa sa'min sabay tawa.

"Thank you ladies~" - rinig naming sabi nung lalaking host.

Sinalubong naman ng kanya-kanyang managers(?), magulang yung first 5 at kinamusta sila. Syempre, alam ko na kung nasan si Bianca dahil nawala s'ya na parang bula.

"Anyareeee?" - salubong nya.

"Eeeeeeh! Nagkamali ako ng exit! Nakakahiyaaaaa" - sagot naman ni Layzzah.

Tinawag na sina Kim at Angelli. Hinawakan ko yung kamay ni Angelli tapos ngumiti. Kaya mo yan Angelli! Goodluck chenes kaya ngiti ko. Epektib! (thumbs up)! Ngumiti naman s'ya sa'kin pabalik.

Oh okay, nasa'n si Bianca?

"So, thank you ladies~ Let's welcome the 11 to 15 candidates!" - sabi nung lalaking MC.

Ambilis naman ata. Ambilis pala pag ganito -- pag kasama ka dun sa mismong contest. Pag nanunuod ako, nakakaantok eh! 

Tinawag na si Prances, pero bago umalis si Prances, ngumiti muna s'ya sa -- salamin. Niceeee! Tapos nag wave sa'kin bago lumabas. So.. sunod na kami nito. At nakita ko na nga si Bianca na papalapit sa'kin. At isa pa, feeling ko, pag pumipikit ako, ang init ng mata ko. At pag nahinga sa ilong, ang init din. Medyo sinisipon na ewan ako @#$%

"Chaaaa" - Bianca na naka :< face

"O?" - tanong ko.

"Err! Yung dress ko Chaaaa, nasiraaa!!!" - Bianca.

"Eh?" - nasabi ko na lang dahil di ko alam sasasabihin(?)

"Nasira yung strap! Mahuhulog kung di ko hahawakan ito!!!" - Bianca sabay pakita dun sa nasirang strap.

Ano bang dapat gawin? Yung dress niya kasi ay dating may support pero ngayon nawala yung nasa kanang strap kaya para na s'yang tube pero may strap sa kaliwa.

Nag iisip ako ng gagawin ng makita ko si Bianca na may hawak na cotton bud at nilagay dun sa may gilid ng mata niya. Tinusok tusok nya para di s'ya maiyak. Umupo sya dun sa silya kaya lumapit ako at umupo sa tabi nya.

"Masisira ang make up mo" - sabi ko.

Di na nya napigilan ang pag iyak kaya kumuha agad ako ng tissue at ibinigay ko sa kanya.

"Ano gagawin ko?" - sabi niya na pilit na pinipigil yung pag hikbi niya.

Kumuha pa ako ng tissue at inayos yung mga smudges ng make-up nya.

"Just be confident wth your dress" - Ako.

"Haaa?" - napatigil s'ya nun tapos tiningnan niya sarili niya sa salamin.

"Thank you Ladies!" - sabi nung lalaking host.

"So? Shall we welcome the last batch of the candidates?" - sabi nung babaeng host.

"Last batch, be ready. Stand-by" - sabi nung babae na taga-tawag.

Tumayo si Bianca at inayos yung make-up nya.

"Salamat Cha" - sabi nya.

"Tara!" - dagdag pa nya na pinahihiwatig na tumayo na ako.

Sa pagtayo ko, urgh -- NAHIHILO AKO! @#$%

Pinapila na kami at feeling ko nasususka na ako! Pero nakakahiya naman sa iba dahil baka matalsikan ko (eww). Pero, parang kaya ko pa namang tiisin since parang di naman ako masusuka? Gulo ko?! Feeling ko lang siguro na masusuka ako.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon