Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Chapter 1

249K 4K 187
                                    

Chapter 1

Cailegh

"Your child needs assistance! Alam naman nating may nangyari sa kanya, hindi ba?! Why can't we just settle things down for now?!" I opened my eyes and the sun rays from the open curtain welcomed me.

Itinukod ko ang kamay ko sa higaan at umayos ng upo, I gaze at the door at rinig na rinig ko ang sigawan ng magulang ko.

"Shut up Fredo! I have many things to do right now, h'wag kang magsimula!" My mom's high-pitch voice was all I could hear from the outside.

"Ano hahayaan na lang natin s'ya? She needs us and if you're busy, I'm busy too! I have things to do tapos hahayaan mo lang s'ya sa akin?!"

"Cailegh's a woman now, okay? She can handle herself, just... Just don't start with me right now, I'm busy..." Nakagat ko ang labi ko sa pagkakarinig ng boses ni mom at kasunod nito ang malakas na pagsasara ng pinto.

Nanatili akong nakatitig sa pintuan ng kwarto ko at napabuntong-hininga nalang, not so really good start of the day. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay at kinapa gamit ang paa ko ang tsinelas sa ilalim ng kama pero hindi ko makita kaya bumaba ako at sinilip ang kama, nangunot ang noo ko ng makitang wala iyon doon kaya dumapa nalang ako para mas makita ito.

Ipinasok ko ang kamay ko sa ilalim ng kama para kapain ito pero wala akong makapa kung hindi ang isang hindi pamilyar na bagay, its texture was rough at gumalaw ito kaya isinilip ko na lang ang ulo ko at yun na lang ang tili ko ng makitang ipis ito.

"Kyaaah!" Malakas akong tumili at nagmamadaling tumayo pero nauntog lamang ako sa hamba ng kama pero kahit masakit ay pilit akong tumayo at hinanap ang panghampas na kahit ano, may nakuha akong meter stick at hinabol ang ipis na tumatakbo at hinampas ko ito ng paulit-ulit habang tumitili.

Oh, my God! Kadiri!

Nang makitang patay na ang ipis ay nagmamadaling pumunta ako sa harap ng salamin ko at kinuha ko ang Victoria Secret perfume ko at inispray sa ipis para siguradong mamatay.

Die, cockroach! Die!

Napasuntok ako sa hangin ng makitang patay na ang ipis at napatawa. I am so great!

Napangiwi naman ako at napabuga ng hangin nang makitang nasa tapat lang pala ng banyo ang slippers ko, naiinis akong lumapit doon at isinuot ito bago pumuntang banyo para maghugas ng kamay at nagspray ng pabango sa kamay ko pagkatapos.

Lumapit ako sa ipis na mi-nurder ko at tinulak iyon gamit ang meter stick na pinangpatay ko, dumiretso ako sa terrace habang patuloy sa ginagawa at napatingin sa paligid. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin at ang napabangong amoy galing sa hindi kalayuang dagat.

I smiled at hinayaang liparin ng hangin ang pambruha kong buhok at feel na feel ko pang nasa movie ako, I look crazy here pero hindi ko na lang pinansin. I look like Rose here from the Titanic minus the fact that there's no Jack hugging me from behind.

Sa hindi kalayuan ay nakikita ko ang mga taong lumalangoy sa dagat at ang iba ay naglalaro ng volleyball sa dalampasigan, I will probably swim and enjoy myself later.

Babalik na sana ako sa loob ng mamataan ko ang lalaki na naglalakad sa tapat ng beach house namin, he was topless but wearing board shorts, naka-shades s'ya at ang buhok ay magulo dahil sa dinadala ito ng hangin.

Napasinghap ako ng nag-angat s'ya ng tingin at mabuti nalang ay nakaatras ako kaagad. Mabilis ang tibok ng puso ko at mabilis na napahawak doon.

Shit! Brace yourself, Cailegh!

Akmang babalik na ako sa kwarto ng madaanan ng pansin ko ang ipis na nandoon sa gilid na kakapatay ko palang.

Lumapit ako roon at kinuha ang meterstick na tabi noon, napangisi ako bigla sa naisip na kabaliwan. Wala namang makakakita eh?

The Great Pretender (Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon