Wattpad Original
This is the last free part

Chapter 11

138K 3K 157
                                    

Chapter 11
Not allowed

"Hoy!" Tawag sa akin ng isang matinis na boses, kasunod ay ang pagtunog ng likod ko dahil sa paghampas n'ya dahilan para mapangiwi ako at napapikit sa sakit.

"Ano?!" Singhal ko at hinawakan ang likod kong pinalo n'ya.

"Hala! Ang sungit, kanina pa kita kinakausap tapos hindi mo ako sinasagot... Nakahawak ka pa sa labi mo na parang eng-eng." Umismid ako at gumalaw mula sa kinauupuan, napakagat-labi nalang ako sa sakit ng likod ko.

"Ay, sorry Cai. Napalakas ata ang paghampas ko sa'yo," hinging-paumanhin n'ya at ngumiti sa akin. Tumango lang naman ako at tumingin sa kanya.

"Ayos lang..." Sagot ko at pumahalumbaba, inikot ang kutsara sa tasa na may mainit na kape.

Mas sumakit kasi ang likod ko sa ginawa n'yang paghampas sa akin, nagsimula ito kahapon noong matumba ako sa restaurant at ang pagtama ng likod ko sa lamesa. Noong una ay inakala kong ayos lang pero bago ako matulog kagabi tsaka ko narealize ang kirot ng likod ko.

"Ano bang nangyari sa 'yo? You're spacing out..." Komento n'ya.

"I'm sorry, I have many things in mind kasi..." Dahilan ko at ipinikit ang mata ko at iniangat ang daliri ko.

"There you go again, touching your lips... Anyare ba?" Napaayos ako ng upo at napamulagat sa sinabi n'ya, mabilis kong ibinaba ang kamay ko sa labi ko.

Unconsciously kasing napapahawak ako sa labi ko, don't know why...

Weh? Kunwari ka pa, namiss mo lang agad yung kiss ni Gwapo eh...

Napailing akong bigla at winala ang sinasabi ng malandi kong konsensya.

"Cai?"

"Ah, wala..." Umiling na lang ako at hindi na nagkomento, nag-usap lang kami ng tungkol sa mga trabahong kailangang gawin mamaya bago ko sinulyapan ang relo ko.

"Jess, it's already nine. Let's go?" Tumayo ako at inayos ang bag ko, mabilis rin s'yang tumayo at excited na hinawakan ang kamay ko.

"Nine na? Gosh, faster, Leigh!" Hinila n'ya ang kamay ko papalabas ng café at nagtatakang nagpadala ako sa kanya.

Mabilis din kaming nakatawid at nakapasok ng building patungong opisina, napansin kong abala ang mga tao sa paligid na ipinagtataka ko. Maging si Jess ay ngising-aso at nagawa pang mag-powder sa loob ng elevator.

"Anong meron, Jess?" Sumulyap s'ya sa akin saglit bago kuminang ang mga mata na sobrang ngiti.

"May bago tayong boss!" Natigilan ako at hinawi ang buhok ko na tumapon sa mukha ko.

"Anong bagong boss? 'Di ba si Sir Jerry?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi na girl! Sa ibang branch s'ya inilipat tapos yung anak na daw talaga ang may-ari ang bagong president ngayon!"

"Ganun? Bakit hindi ko alam?" Bumukas ang elevator at sabay kaming lumabas.

"Baka nasa bakasyon ka? Uso kasi makibalita." Ngisi n'ya at sinimulang magsuklay ng buhok.

"So what kung may bagong boss? Masyado kang nagpapaganda, hoy babae may boyfriend ka!" Sita ko sa kanya pero tinawanan n'ya lang ako at mabilis kong inilapag ang handbag sa lamesa pagkarating sa pwesto ko.

"Well, ayos lang yun." Umupo din s'ya at pinapula ang labi.

"Gwapo daw kasi!" She giggled pero hindi ako nakapagreact.

Gwapo? Masasabi ko lang gwapo pag mas gwapo pa s'ya kay Travis... Napailing nalang ako at matamis na napangiti sa naisip ko.

There you go, Travis again... Gusto ko tuloy na magkita na kami para makapagbatian...

icon lock

Show your support for HN🥀, and continue reading this story

by HN🥀
@heartlessnostalgia
Hot Bachelors Series #3: Amidst finding her forgotten past and escapi...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 51 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @heartlessnostalgia.
The Great Pretender (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now