Wattpad độc quyền
Còn 7 chương miễn phí

Chapter 4

162K 3.4K 93
                                    

Chapter 4
It's me.

"Here..." Nag-angat ako ng tingin at tinanggap ang baso ng tubig na ibinigay sa akin ni Travis.

"Salamat..." I smile sincerely and give him the glass back na agad n'yang kinuha at inilapag sa lamesa. Umupo s'ya sa tabi ko at tinignan lang ako, mabilis akong nag-iwas at pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko dahil sa titig n'ya.

"Leigh..." Napakagat-labi ako at mabilis na napalingon sa kanya na napalunok nang magsalubong ang aming mga mata.

"Bakit Leigh ang tawag mo sa 'kin?" Tanong ko at pumihit paharap sa kanya, it was the first time someone calls me Leigh. Kadalasan ay Cai o hindi kaya ay ang buong Cailegh kaya naninibago ako sa pagtawag n'ya.

"Huh? Uh, I always call you by that name since then. Nakasanayan na." Nagkibit-balikat s'ya pero napansin ko ang lungkot sa mga mata n'ya.

"Sorry, naiyakan kita ah... Hindi ko lang kasi alam yung mararamdaman ko nang malamang may nakakakilala sa akin."

"It's fine." Tipid n'yang sabi bago tumayo, sinundan ko s'ya ng tingin paakyat sa hagdaan at nakita ko s'yang pumasok sa isang kwarto.

I sighed.

Would he let me ask him about the past? By the looks of it, mukhang ayaw n'ya and it makes me wonder why. I know he has a big role in my past at gusto kong maalala yun, how I wish na sana ay pumayag s'ya...

Nawala ako sa agam-agam nang marinig ang mga yabag ng paa at nakita ko si Travis na pababa habang sinusuot ang sando n'ya, napaawang ang bibig ko at pakiramdam ko ay naglaway ako bigla ng makita kong nagfe-flex ang muscles n'ya sa pagsuot n'ya ng damit.

Paking tape... Why so hot?!

Nagkasalubong ang mata namin at nakita ko ang pagsilay ng pigil na ngiti sa labi n'ya ng makita akong parang namaligno habang nakatitig sa kanya.

"Enjoy?" Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumayo.

"Hindi ah! Ano, sige uwi muna ako..." Mabilis akong tumalikod at nagsimula ng maglakad paalis pero hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang paghawak n'ya sa palapulsuhan ko.

"Wait lang!" Pinihit n'ya ako sa kanya at yun nalang ang paghaharumentado ng puso ko ng tumama ako sa dibdib n'ya, I can't help it but to smell his oh-so-manly-scent na sobrang nakakahigh.

"B...Bakit?" Narinig ko ang mahina n'yang pagtawa at bigla naman akong natanga dahil nautal nga pala ako. Cailegh, bakit ka ba nauutal?

"You..." Mahinang bulong n'ya sa may bandang tainga ko at naramdaman ko nalang ang pagtaas ng balahibo ko sa batok. Oh my.

"B...Bakit nga?" I silently cursed myself when I stuttered again. Oh, come on, Cailegh!

"You... Are still wearing my shirt..." Marahan ko s'yang itinulak palayo sa akin dahil hindi na kaaya-aya ang pag-ikot ng tyan ko at kinagat ang labi ko.

"Oo nga pala. Sorry..." Lumayo ako at tumalikod bago hinubad ang shirt n'ya. Sayang! Akala ko pwede ko ng remembrance ang shirt n'ya, di bale next time nalang...

Humarap ako pagkatapos at natagpuan ko s'yang nanlalaki ang mata at parang nanigas sa kinatatayuan, nakaawang ang labi n'ya at parang estatwa habang nakatitig sa akin.

"Hoy, ayos ka lang? Ito na oh..." Inabot ko sa kanya ang shirt pero hindi n'ya tinanggap. Marahas ang pagsinghap n'ya at namula ang buong mukha.

"Trav..." Tawag ko sa kanya, nangunot ang noo ko nang bumuka ang bibig n'ya na parang may sasabihin pero sumara itong muli.

The Great Pretender (Published Under Bliss Books)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ