Wattpad Original
Es gibt 2 weitere kostenlose Teile

Chapter 9

128K 2.8K 83
                                    

Chapter 9
Candice

"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko habang ipinapaikot ang pasta sa tinidor na hawak ko.

"You're always eating that, since then..." Tipid n'yang sabi at uminom ng tubig na nasa baso. Hindi na ako sumagot at itinuloy ang pagkain ng pasta sa harapan ko, nakakatuwa lang isiping alam n'ya ang paborito kong pagkain.

Matapos kasi naming mag-agahan ay nag-order s'ya ng pasta para sa akin, I was shock at first pero naalala kong kilala n'ya pala ako dati kaya n'ya alam 'to...

"Tastes good?" Nag-angat ako ng tingin, ngumiti bago tumango.

"Salamat..." Ngiti ko sa kanya, hindi naman na s'ya sumagot at tumango nalang sa akin. Kinuha ko saglit sa bulsa ko ang phone ko at pulos mga text ni Harris ang nakita ko.

Cai, asan kana? I'm here...

Cailegh, I'm worried. Textback. ASAP.

Napalabi naman ako, bigla akong nakonsensya sa pang-iiwan ko sa kanya kaya dagling nagreply ako.

I'm fine Ris, sorry if I leave without telling you. Sumakit ang tyan ko, pasensya na.

"Sinong ka-text mo?" Biglang sabi ni Travis sa harapan ko, hindi ako lumingon sa kanya pero sumagot.

"Harris." Maikling sagot ko at pinagpatuloy ang pagtetext nang magreply ito. Napangiti ako ng makita ang reply ni Harris, napakaconcern n'ya talaga. Hindi manlang nagalit sa akin sa pag-iwan ko. Babawi nalang siguro ako sa kanya next time.

It's fine, are you alright?

"Leigh..." Tawag ng nasa harapan ko sa akin.

Yes, salamat. Sorry talaga.

"Cailegh..." Nalapag ko ang phone ko sa lamesa at dagling nag-angat ng tingin ng tawagin n'ya ako gamit ang matigas n'yang boses.

"Ay sorry, bakit?" Tanong ko sa kanya bago inilagay sa likod ng tainga ang nalalaglag na buhok sa noo ko.

"Travis..." Hindi s'ya sumagot at nanatili lang ang titig sa akin, kunot ang noo n'ya at bahagyang nakanguso.

"Travis," tawag ko sa atensyon n'ya pero sumandal lang s'ya sa upuan bago pumikit at malutong na nagmura.

"Fuck." Napaayos din ako ng upo doon at tumitig sa kanya.

"Ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong, baka kasi may masakit sa kanya. Isang mura ulit ang sinabi n'ya bago nagmulat ng mata at tinignan ako na parang naiinis.

May nagawa ba ako?

"Trav... Ayos ka lang?" Nag-aalangan ko pang tanong.

"Is it fun to text him? Huh?" Maanghang n'yang sabi sa nang-uuyam na tono. Napaawang ang labi ko at napakurap sa sinabi n'ya.

"H...Ha? Ba...Bakit..." Bumuga s'ya ng hangin at natigilan ako ng guluhin n'ya ang buhok n'ya bago naiinis akong balingan.

"J...Just don't mind me..." Sabi n'ya at tumayo, nag-iwan s'ya ng pera sa lamesa at nag-umpisa ng maglakad palayo.

Nakatitig lang ako sa likod n'ya habang papaalis tsaka lang ako natauhan na galit s'ya at iiwanan ako!

"Travis!" Mabilis akong tumayo sa upuan at sumigaw, tumigil ang mga nasa paligid at bumaling sa akin pero hindi ko sila pinansin.

"Travis!" Sigaw ko ulit sa pangalan n'ya, hindi pa s'ya nakakalayo kaya binilisan ko ang paglakad na nauwi sa pagtakbo.

"Trav!"

Biglang may lumihis na waiter sa harapan ko at huli na para maiwasan ko s'ya kaya nabangga ang hawak n'yang tray at nahulog kong saan. Bigla akong napaupo sa pwersa ng pagkakatama sa akin at napapikit sa sakit ng tumama ang likod ko sa lamesa na nasa may likod ko.

The Great Pretender (Published Under Bliss Books)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt