Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 2

172K 3.6K 81
                                    

Chapter 2

Travis

"Kilala mo ko?" Nakita ko ang pagkunot ng noo n'ya sa sinabi ko at akmang ibubuka ang bibig ng may tumawag sa akin sa di-kalayuan.

"Cailegh!" Hindi nawala ang tingin ko sa kulay abo n'yang mga mata na matamang nakatitig lang sa akin, maya-maya pa ay naramdaman ko ang presensya ng kung sino sa likod ko na inulit ang pagtawag sa pangalan ko kaya binitiwan nito ang balikat ko.

"Kilala mo ko?" Ulit ko at pilit hinahabol ang tingin n'ya na dagling nag-iwas ng tingin sa akin.

"Cailegh, sino siya?" Tanong ni Harris sa tabi ko. Saglit ko lang s'ya tinignan at ibinaling muli ang tingin sa Adonis na nasa harapan ko.

"Kilala mo ko?" Ulit ko sa kanya pero umiling lang s'ya sa akin at binalingan ang nasa tabi ko.

"I must be mistaken..." Matigas n'yang sabi bago binalingan ulit ako at tinalikuran, nanatili akong nakatulala sa likod n'ya habang naglalakad palayo.

Hindi, he called me by my name!

"Wait!" Hindi ko pinansin ng tawagin ako ni Harris at diretso lang ako sa paghabol sa lalaking kausap ko kay kanina.

"Wait! Kuya!" Mabilis akong humarang sa harapan n'ya at hinarangan s'ya.

"What..." Gulat ang ekpresyon nito ng makita ako at tumikhim.

"Kilala mo ko?" Parang sirang plaka kong tanong sa kanya, nakahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa hinapo ako sa pagtakbo. Mahahaba ata ang bias nitong gwapong 'to, ang laki ng hakbang eh!

Tinitigan ko s'ya habang pilit na hinahabol ang hininga ko pero wala sa mukha ko ang tingin n'ya, sinundan ko kung nasaan ang mata n'ya pero naabutan ko itong nakatitig sa dibdib ko.

"Kuya!" Halos mapatalon naman s'ya sa gulat sa sinabi ko at sinulyapan muli ang dibdib ko bago kinagat ang labi n'ya at umiling.

"Don't you have decent clothes to wear? Labas na kaluluwa mo..." Masungit n'yang sabi kaya napatingin ako sa suot kong bikini. Hindi naman ah?

"Excuse me, nasa beach tayo. Anong gusto mo? Mag-sweater ako?" Ngumiti ako at humalukipkip. Tumaas naman ang kilay n'ya sa sinabi ko at malakas na bumuntong-hininga.

"Tss... Just don't wear such..." Tinuro n'ya ang suot kong bikini na parang naiinis.

"Sus, yung iba nga halos maghubad na!" Turo ko sa isang babae na nasa may seashore na kulang sa tela ang bikini, yung tipong kahit pinakatago-tago n'ya ay makikita na.

Matalim n'ya lang akong tinignan pero hindi sumagot at tinalikuran ako.

"H...Hoy! Di pa kita tapos kausapin!" Binilisan ko ang lakad ko at sinundan s'ya.

"Kuya! Kilala mo ba ako?!" Halos pasigaw na ulit ko.

"No, hindi kita kilala..." Sagot n'ya na hindi lumilingon sa akin pero hindi ako kumbinsido. That's impossible... He called me by my name kanina kaya imposible ang sinasabi n'yang hindi n'ya ako kilala.

"Kuya naman eh! Kilala mo ako!" I proclaimed. Nagtitinginan na rin ang mga tao sa amin pero hindi ko nalang pinapansin, inggit lang sila!

"Kuya!" Tumili ako at binilisan ang lakad ko, halos patakbo na rin ako dahil sa bilis ng lakad n'ya at hindi ko s'ya maabutan. Nasa may bandang tagong lugar na kami ng resort pero hinahabol ko pa din s'ya, I wanna talk to him.

"Kuya naman eh!" I don't care kung nakaswimsuit lang ako sa ngayon, sigurado naman akong hindi ako makikitaan eh.

"Wait lang! Hoy—" naramdaman ko ang pagsabit ng tsinelas ko sa bato dahilan kaya napasalampak ako sa lapag at malakas na tumama ang tuhod ko.

Napaigik ako sa sakit at napapikit ako ng kumirot ang tuhod ko.

"K...Kuya!" I tried calling him, hindi pa naman s'ya nakakalayo pero hindi na n'ya ako nilingon. Naramdaman ko ang pagkadismaya at sumabay pa pati ang pagkirot ng sugat ko.

"Miss! Ayos ka lang?" Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang mga grupo ng mga kalalakihan sa harapan ko, tinukom ko ang bibig ko at tumango.

"A...Ayos lang..." Naiilang kong sabi, bigla akong kinabahan ng hagudin ng tingin ng isa sa kanila ang katawan ko.

"Sure ka Miss? Sama ka sa 'min, gamutin natin 'yan..." Kumabog ang dibdib ko sa sinabi nito at mabilis na umiling.

"H...Hindi na, ayos lang..." Umiling-iling ako at pilit na tumatayo pero kumikirot ang tuhod ko.

"Sige na miss, mukhang malaki 'yang sugat mo..." Ngumisi ang isa, kinagat ko ang labi ko at umiling.

"Hindi! Ayos... Ayos lang ako... Paparating na ang boyfriend ko." Pagsisinungaling ko pero tila hindi ito umepekto sa kanila.

"Pinagloloko mo naman kami miss eh, hindi ka pababayaan ng boyfriend mo na nandyan sigurado. Asan s'ya? Wala naman miss eh, halika gamutin nalang natin..." Umiling-iling na ako at sinusubukang tumayo.

"Malapit na s'ya, may kinuha lang." Palusot ko pa.

"Miss, alam mo..." Hinawakan n'ya ang braso ko pero iwinaksi ko iyon.

"Bitiwan n'yo ko!" Tinutulak ko ito pero hinawakan n'ya pa din ang braso ko, ni hindi ako makagalaw at makapanlaban dahil sa sakit ng tuhod ko.

"Alam mo mis—"

"Fucking touch her and you'll die." Napasinghap ako ng may marinig na boses at mabilis na hinanap ang pinanggalingan nun.

"H'wag ka mangialam dito pre, ipaubaya mo nalang sa amin ito..." Kinilabutan ako sa sinabi ng isa at hinaplos ang braso ko kaya agad akong lumayo at umusog.

"Lay your fucking hands again and I'll wring your neck." Matalim nitong sabi sa madilim na ekspresyon.

"Pre—" Hindi pa man ito nakakapagsalita ay sinuntok na ito ni kuya sa panga kaya napaatras ito.

"Gago ka ah!" Sigaw ng lalaki at sinuntok s'ya pabalik. Napatili ako sa gulat sa suntukan at parang tanga lang na nakatanga, Ni hindi ko na maramdaman ang sakit ng tuhod ko na parang nawala lalo na dahil sa namangha ako nang pagsusuntukin n'ya na parang napakaliit na bagay ang pagsuntok n'ya sa mga lalaki na walang kahirap-hirap.

"Don't you fucking touch my girlfriend." Isang beses pa akong napasinghap sa sinabi n'ya at sinipa n'ya pa ang isa sa tatlong lalaki na nasa lapag na ngayon, ang isa ay may dugo sa gilid ng labi...

"Gago..." Sinabi ng isa at tinulungan ang kasama at sumibat paalis, nakatalikod sa pwesto ko si Kuya na parang may malalim na iniisip.

"Kuya..." Tawag ko sa kanya, napadiretso s'ya ng tayo at dahan-dahang lumingon sa akin. Nakatingin din ito sa akin gamit ang madilim at matalim na ekspresyon, dahilan para kumabog ang dibdib ko.

"What are you thinking woman?! Muntik ka ng mapahamak dahil sa lintik na suot mong 'yan!" Malakas ang boses n'ya at galit na galit ang itsura n'ya ng bumaling sa akin.

Napaawang ang labi ko at napatungo agad ng masalubong ko ang kanyang mga mata.

"Ano? Tutungo ka lang d'yan? Tignan mo nga 'yang itsura mo! You look like a..." Hindi na n'ya naituloy ang sinabi at narinig ko ang na ang yapak ng paa n'ya palapit sa pwesto ko.

"Leigh..." Nag-squat s'ya sa harapan ko at hinawakan ang baba ko.

"T...Tinawag mo ako?" Nagtatakang sabi ko, lumabi lang s'ya at nakahawak parin sa baba ko.

"Kuya..." Tawag ko sa kanya.

"Travis... I'm Travis..." Mahinang sabi n'ya at maya-maya pa ay tumayo at hinubad ang shirt n'ya bago lumapit sa akin at isinuot ang shirt n'ya sa ulo ko.

"Next time, h'wag ka magsusuot ng ganyan. Sorry for shouting at you." Malumanay n'yang sabi, umamo ang boses n'ya at hinawakan ang paa ko para i-examine ang tuhod ko.

"Travis..." Tawag ko sa kanya, tinignan n'ya ako bago umayos ng tayo at nagulat ako sa biglaan n'yang pagbuhat sa akin kaya mabilis akong napakapit sa leeg n'ya.

"Napaka-clumsy mo pa rin..." Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya at nag-umpisa na s'yang maglakad.

"Huh? Paanong... Kilala mo nga ako!" I hissed.

"Hindi nga..." Ngumiti s'ya at umiling bago nag-umpisa maglakad karga ako.

The Great Pretender (Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon