Chapter 6: Confused
Hindi na ako nagtagal doon at agad na lumisan. May kung anong chills kasi akong naramdaman kanina nang mabasa 'yong mismong pangalan ng section ko. May ilang scene din na bigla-bigla na lang nagrerehistro sa utak ko.
Wala talaga akong ideya kung sino 'yong batang nakita ko kanina sa isip ko. Mag-isa siyang umiiyak sa kwarto niya. Hindi ko pamilyar ang mismong lugar at bahay. Medyo malabo rin 'yong mukha ng bata. Sino ba siya? Magkakilala ba kami?
Kaya bago pa sumakit ang ulo ko sa kakaisip ay agad na akong umalis doon. Pansin ko ring ako ang pinag-uusapan nila. Hindi siguro nila matanggap kung bakit ang isang dukhang katulad ko ay nakapag-aral sa pristihiyosong paaralan na ito.
Pakiramdam ko tuloy isang malaking pagkakamali ang desisyon kong lumuwas ng Maynila upang maghanap ng trabaho. Simula kasi nang mapadpad ako rito ay sunod-sunod na ang kamalasan at kaguluhang nangyayari sa buhay ko.
Pero ano pa bang magagawa ko? Kailangan ko rin namang makipagsapalaran hindi lang para sa sarili ko kung 'di sa pamilya ko. Wala naman akong pinagsisisiha.doon. Masaya na akong makatulong sa kanila.
Napahinto ako nang madaanan ko 'yong isang room. Isang room na nababalot ng kakaibang aura. 'Yong tipong lalakas na lang bigla ang kabog ng dibdib mo na para bang kamatayan ang susunod na mangyayari kapag lumingon ka pa.
Sinubukan kong hindi lumingon pero may kung anong pwersa ang nagtutulak sa akin para gawin iyon. Kitang-kita sa peripheral vision ko na ako ang pinagtitinginan nila kaya hindi na ako nakapagpigil at ibinaling ang tingin sa loob.
Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang mabasa ang mismong pangalan ng section.
"Bloodsworth."
Pakiramdam ko ay nagmalfunction ang buong sistema ko sa katawan. Hindi ko maiwasang matakot lalo na nang makita ang ilang estudyante sa loob. Isang malagkit na tingin ang ipinukol nila sa 'kin. Bakit ganoon ang reaksyon nila? Big deal ba sa kanila ang pagdating ko sa school na 'to?
"Who are you?" halos makagat ko ang dila ko nang may biglang nagsalita sa likuran ko.
Dahan-dahan kong nilingon para makita 'yong nagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko sa pagkabigla nang makaharap ko siya.
"You are?" boses pa lang niya nakakatakot na. Ibang-iba talaga ang aura niya kumpara sa mga estudyante na naririto.
Pinilit kong magsalita kahit na alam kong hindi maganda ang kalalabasan.
"I'm Si..ree... Siree San..tos."
"The newbie and the transferee right?"
Sasagot pa sana ako pero umatras ang dila ko sa sobrang kaba. Tumango na lamang ako bilang tugon.
"I'm Von Aksenov." pagpapakilala niya at naglahad pa ng kamay.
Naku naman Siree. Ba't ka pa kasi pumunta rito. Ayan tuloy nakikipagkaibigan na sayo 'yong tao. At sa dinami-rami ng estudyanteng pwedeng makilala ko, una pa talaga sa listahan ang leader ng Reckless Demons. Hindi naman siguro siya ganoon kasama di ba?
Alam kong may kabaitan rin siya sa puso niya. Besides, wala naman akong nakikitang dahilan para hindi makipagkaibigan sa kanya. Well, I just hope I'm right.
Aabutin ko na sana ang kamay niya para makipag shake hands pero iba ang nangyari.
May biglang humila sa 'kin palayo kay Von kung kaya't napunta ako sa likuran niya. Teka. Sino ba 'to?
"Don't you ever dare to touch her or else my fists will land to your face."
Hindi ko maiwasang kabahan nang marinig ang boses niya. I know that voice very well.

YOU ARE READING
I'm Living with the Four Jerks (PUBLISHED Under PSICOM)
ActionFamily has always been the top priority for Siree Santos. Sa murang edad ay naghanap agad siya ng trabaho para matulungan ang pamilya niya. She found a job at Mr. Richman's mansion. The thought of giving up was not on her vocabulary even if the four...