Chapter 12

24.6K 823 85
                                    

Chapter 12: Deadly Rules

Sa bawat araw na pumapasok ako sa school na 'to, napapansin kong parang mas lumalala pa ang nangyayari sa 'kin. Hindi ko tuloy maiwasang mangamba sa mga susunod na mangyayari.

Tama pa ba itong ginagawa ko? Tama bang pinilit ko pa ang sarili ko na pumasok ulit rito?

Nalaman kong si Von ang Rex or mas kilala bilang King sa school na 'to. Siya rin ang
President ng Student Council. Si Hannah naman ang Regina o ang kinikilalang Queen ng lahat.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko. Parang isang pagpapakamatay na rin ang makilala ko silang dalawa at idagdag mo pang marami silang alagad dito sa loob ng school.

"Siree, kanina pa kita tinatanong. Are you okay?"

Napakurap ako at ibinaling ang tingin kay Needy.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon. Magkasundo naman pala silang dalawa ni Ellen at Needy. Medyo weird nga lang talaga 'tong si Needy sa maraming bagay pero pareho silang maraming alam.

Hindi na ako nabigla nang malaman kong rank one si Needy at pumapangalawa naman si Ellen. Sino bang mag-aakala na ang dalawang nangunguna sa section namin ay kaibigan ko na ngayon? Mahiya ka naman self.

"Kanina ka pa kami nagsasalita rito, hindi ka man lang sumasagot. Okay ka lang ba?" dagdag naman ni Ellen.

"Huh? Ano nga ulit 'yon?"

Hindi naman kasi talaga ako nakikinig sa sinasabi nila. Masyado akong abala sa pag-iisip ng mga bagay-bagay dito sa school.

"Lutang ka na naman e. Ano na naman ba ang iniisip mo?" reklamo ni Ellen.

Napakamot na lang ako sa ulo at nag-peace sign sa kanila.

"Can you give us your address para naman makadalaw kami sa inyo if ever di ba Ellen?"

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Needy. Patay. Ano bang isasagot ko? Sasabihin ko ba sa kanila ang totoo? Pero hindi pwede dahil alam kong hindi magugustuhan ni Mr. Richman kapag sinabi ko sa kanila ang lahat.

"Ano kasi e, ang totoo niyan ay nahihiya ako sa inyo. Alam niyo namang dahil lang sa scholarship kaya ako nakapasok rito. On top of that, hindi rin ako mayaman. Nagpunta ako rito para magtrabaho, pabonus na lang na pinag-aral ako ng amo ko."

"If that's the case, then doon na lang tayo sa bahay. You guys are always welcome on our home." suhestiyon ni Needy.

"I agree. Basta make sure na sasama ka sa 'min, Siree." dagdag naman ni Ellen.

"Hindi ko maipapangako 'yan pero susubukan ko."

Mabuti na lang talaga at naintindihan agad nila ang sitwasyon ko. Ayoko rin namang maipit kapag nagkataon. Ano na lang ang sasabihan nila kapag nalaman nilang nagtatrabaho ako sa mansyon at kasama ko pa ang apat na yokai?

Magsasalita pa sana ako nang biglang pumasok si Von. Naibaling ang lahat ng atensyon sa kanya. Bakit ba siya nandito? Sino bang hinahanap niya? At ano bang kailangan niya?

Kinilabutan ako bigla nang magtama ang tingin namin. Akala ko hindi ako ang tinititigan niya pero nang ngumisi siya ay doon ko napagtanto na ako nga ang pakay niya. Ano na naman kayang bad news ang dala niya?

Napalunok ako ng laway nang maglakad siya palapit sa table namin habang ako naman ay nanginginig na sa takot dahil sa presensiya niya.

"Miss Santos, come with me."

Pansin ko ang awtoridad sa boses niya. Ramdam ko ang kakaibang aura na bumabalot sa katawan niya.

"Huh? Ako?" pag uulit ko.

I'm Living with the Four Jerks (PUBLISHED Under PSICOM)Where stories live. Discover now