Chapter 45: Truth Slaps
Luke's_POV
Patuloy lamang ako sa pagpupumiglas kahit na alam kong imposible akong makatakas sa gusaling ito. Mayroong kadena na nakaposas sa 'kin at idagdag mo pang may sampung tauhan ni Dr. Lerman ang nakasunod sa 'kin ngayon. Nagkalat pa ang ilang CCTV camera sa paligid. Fvck!
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahil sa ginawa nila sa 'kin. Medyo masakit pa rin ang batok ko. Hindi ko na alam kung saan nila dinala si Sisa dahil nung magising ako kanina nakatali ako sa isang upuan pagkatapos ay ililipat na sa kung saan man ako nila dadalhin ngayon.
"Just let me go kung ayaw niyong pagsisihan niyo ang mangyari sa inyo sa oras na makawala ako rito" seryoso kong sabi sa kanila pero hindi sila natinag.
Tahimik lamang silang naglalakad. Tila wala akong mahihita sa mga ito dahil sa tapat sila kay Dr. Lerman. Ano bang pinakain ng baliw na matandang iyon at nagsusunod-sunuran ang mga ito sa kanila.
"Saan niyo ba ako dadalhin? Sabihin niyo para naman may ideya kung saan ang pupuntahan natin" naiinip kong sagot. Bakit ba kasi ayaw magsalita ng mga gunggong na ito? Talaga bang binilinan sila ni tanda na huwag akong kausapin? Bullsh*t!
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang igala ang tingin sa paligid. Sigurado akong nasa laboratoryong part pa rin kami ng gusali dahil sa nakikita ko ang napakaraming vials at ilang mga laboratory apparatus na may iba't ibang laman ng likido. May mga microscopes rin at ilang illustrations ng cell at structures of DNA.
Karamihan sa mga laman ng vials at test tubes na nakalagay sa test tube rack ay kulay pulang likido. Kahit na hindi ko tingnan sa malapitan iyon ay alam kong dugo iyon.
Different types of blood to be exact..
Fvck that bastard! Tinago niya sa amin ang pagiging espesyalista niya sa dugo. Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit siya ang nag-iidentify ng dugo sa buong estudyante sa LA at iyon ay dahil isa siyang hematologist.
Siree is really in danger!
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng mapagtanto ko kung saan nila ako dinala.
Kung hindi ako nagkakamali ito ang main lab ng building. Yung mga nadaanan namin kanina ay maliit lamang na parte kumpara sa isang ito. Cool but bloody!
Ano bang gagawin ng hinayupak na doktor na iyon sa 'kin dito? Kukunin niya rin ba ang lahat ng dugo ko? Pag-eekspermentuhan? Ibebenta para mapakinabangan niya? Balak ba niya akong gawing guenia pig? O kaya naman mutant? Damn! Napangisi na lamang ako sa mga naisip ko.
"Kamusta Luke? Kamusta ang pakiramdam mo?" nakangising tanong ni Dr. Lerman. Lumabas ito mula sa isang room.
"Fvck you tanda!" sigaw ko. Hindi ko alam kung anong klaseng galit ang nararamdaman ko ngayon. Gigil na gigil na kong patayin siya.
"Where is she? What have you done to her?"
Hindi sumagot ang matanda. Sa halip ay naglakad-lakad lamang ito sa harapan pagkatapos ay huminto at tumitig ng seryoso sa kin. Naroon pa rin ang mala-demonyong ngiti nito.
"Hindi lang ikaw yung naririto. May kasama ka" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
Ilang saglit pa ay inilabas mula sa isang room ang babaeng nakaupo habang nakaposas ang bawat kamay nito. Hindi lang basta simpleng upuan iyon dahil isa itong electric chair. Pero mas nabigla ako nang makilala ko kung sino ang babaeng iyon.
"Ellen?" nasabi ko sa pagkabigla. Halos hindi ko siya makilala sa dami ng pasa at sugat niya sa mukha na tila ba'y isang matinding parusa ang ipinataw sa kanya.

YOU ARE READING
I'm Living with the Four Jerks (PUBLISHED Under PSICOM)
ActionFamily has always been the top priority for Siree Santos. Sa murang edad ay naghanap agad siya ng trabaho para matulungan ang pamilya niya. She found a job at Mr. Richman's mansion. The thought of giving up was not on her vocabulary even if the four...