Chapter 14

24.1K 837 73
                                    

Chapter 14: Sanction

Bullshit!

Sino bang normal na tao ang may gusto ng away? Wala di ba? Hindi porket presidente siya ng student council at Rex ng school ay hawak na niya sa leeg ang buhay ng bawat estudyante. This damn school is really biased!

Hindi naging makatuwiran ang desisyon na ginawa nila. Binigyan agad nila ako ng mga gawain as a punishment for what I did without any investigation or sort of interrogation.

Papanong naging kasalanan ko ang nangyaring gulo kahapon? E ako pa nga ang kamuntik ng paglamayan kung walang nagligtas sa 'kin. At akala ko ba normal na bagay lang dito ang clash day tapos madadawit bigla ang pangalan ko? Kahit saang anggulo mo tingnan, wala talagang point. For sure, pakana na naman 'to ng hayop na reyna nila para pahirapan ako. Bweshit!

Kasalukuyan akong nasa restroom habang naglilinis ng mga cubicle. Maaga akong pumunta rito para mas madali kong matapos ang trabaho at para hindi ako mahuli sa klase. Mamaya naman kailangan kong maglinis sa cafeteria bago umuwi. 'Yon ang parusa sa akin na binigay ni Von at gagawin ko iyon sa loob ng isang linggo.

Mabuti na lang at walang reaksyon ang apat na yokai kung bakit ang aga ko. Sabagay wala rin naman silang pakialam sa 'kin. Napapansin ko lang na ang weird ng mga ikinikilos nila lately. Feeling ko may tinatago sila sa akin. Hindi ko lang matukoy kung ano.

Nagdesisyon akong magpahinga muna saglit. Pagod na pagod na ako at tagaktak na rin ang pawis ko. Katulong na nga ako sa mansyon pati ba naman sa school na 'to magiging utility worker ako? Tinotorture talaga nila ako. Juicecolored!

"Kaya matagal matapos 'yang ginagawa mo dahil todo pahinga ka."

Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita. Kahit na hindi ako lumingon sigurado akong si Von iyon.

"Masama na bang magpahinga ngayon? Balak mo ba akong patayin sa kakalinis rito?" sarkastiko kong sagot.

"Why not? It is my responsibility to give punishment or sanctions to those who disobey the rules." nakangisi nitong sabi.

"Andito ka ba para inisin ako?!"

"Not really. Well, I came here just to inform you na malapit na ang oras para sa first subject natin."

"Thanks for the reminders. Na-motivate ako kahit papano."

"I'm watching you Siree."

"As if I care."

"But still be careful."

Pinaningkitan niya ako ng tingin bago tuluyang umalis. Napamura na lamang ako dahil sa ginawa niya. Kung hindi lang talaga siya president, malamang nasampal ko na siya ng wala sa oras. Kating-kati na talaga ako sa pagmumukha nilang dalawa. Kung demonyo lang ako tulad nila, malamang naghihingalo na rin sila ngayon.

Tumayo na ako at muling nagpatuloy sa paglilinis. Kailangan kong makaabot sa first subject namin dahil kung hindi, alam kong mag-aalala sina Needy at Ellen sa 'kin at pati na rin ang apat na yokai.

"Kaya mo yan, Siree. Konti na lang." I tried to cheer up myself.

Isang oras din ang itinagal bago ko matapos ang paglilinis. Kung hindi ko binilisan malamang magdadalawang oras pa talaga. Bat ba kasi ang daming cubicle dito? Oo nga pala, nakalimutan kong exclusive nga pala sa mga mayayaman ang school na 'to.

Napatingin ako sa wrist watch ko. It's exactly 8:00 o'clock na. Patay! Late na ako ng 30 minutes. I'm doomed!

*******

Needy's_POV

Nagsimula na ang klase sa first subject namin pero wala pa rin si Siree. Nasa'n na ba siya? I can't help myself but to be worried. Hindi kasi ako sanay kapag wala siya.

I'm Living with the Four Jerks (PUBLISHED Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon