Chapter 17: Strange
Humihingal akong pumasok sa loob ng police station. Nilibot ko agad ang mga mata ko sa paligid pero hindi ko sila makita. Nasa'n na ba sila? Kinakabahan na talaga ako sa atrasong ginawa nila.
Lumapit na lamang ako sa isang police officer at nagtanong.
"Magandang umaga po sir, may apat po bang binatang lalaki na nandito?"
"Ibig mo bang sabihin ay 'yong apat na gwapong lalaki na marketlifters?"
Napanganga ako bigla sa sinabi ni mamang pulis. Marketlifters? It takes almost a minute bago tuluyang mag-sink in sa utak ko ang ibig niyang sabihin.
Gusto kong matawa dahil sa term na ginamit ni mamang pulis. Shoplifter lang kasi ang alam ko e. Pero ano namang ginagawa nila sa palengke at anong bagay o pagkain ang ninakaw nila?
"Opo. Nasa'n po sila?"
"Nasa selda."
Halos mahulog ang panga at ngipin ko sa sinabi ni mamang pulis. Hindi ko akalaing kinulong nga talaga sila sa loob.
Biglang nag-flash sa utak ko ang mga mukha ng apat na yokai. Imposible namang magnakaw sila sa supermarket di ba? I mean they have the power and wealth to get everything they wants. Hindi ko maintindihan kung paano sila napasok sa gulong 'to.
"Pwede ko po ba silang makita?"
Sumama ako kay manong pulis papunta sa sinasabi niyang selda kung saan naroroon ang apat na aroganteng yokai. This is the first time na napasok sila sa gulong ito. Ipagtatapat ko ba 'to kay Mr. Richman?
Habang papunta ako roon ay hindi ko maiwasang kabahan. Pakiramdam ko ako ang nasa posisyon nila.
Pagkarating namin ng selda ay agad kong nakita silang apat na nasa loob ng rehas.
Si Axel kinakagat ang kuko niya. Sina Zeke at Andrew naman ay nakahawak sa rehas na para bang anytime ay iiyak na. At si Luke naman nakasandal lang sa pader at pansin ko ang maitim na aurang bumabalot sa kanya. Nakakaawa silang tingnan. Mukhang ako ang malalagot nito kay Mr. Richman.
"Sisa tulungan mo kaming makalabas dito." nagmamakaawang sabi ni Axel.
"Hindi kami nagnakaw. Medyo nagkaproblema lang talaga." dagdag naman ni Zeke.
"They immediately seize us without even listening to our side!" galit na sabi ni Andrew.
"Did you get my wallet?"
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang marinig ko ang malamig na tono ni Luke.
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Dahan-dahan kong dinukot sa bulsa ang wallet para ibigay sana sa kanya.
"Answer me, Sisa?!" bigla kong nabitawan ang wallet niya sa pagkabigla.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito. May problema ba siya? Sanay naman ako na sinisigawan niya pero mas iba ang epekto ng boses niya ngayon. Bawat salita niya ay tagos sa dibdib ko.
Sino ba naman ako para respetuhin nila? Isa lang naman akong hamak na katulong sa mansyon at kahit na ano pang effort ang gawin ko, hinding-hindi magbabago ang tingin nila sa isang tulad ko. Hindi ko sila kayang baguhin.
"Pulutin mo at ibigay mo sa 'kin. Wag ka ngang tanga diyan!"
Yumuko ako at pinulot ang wallet. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Bakit parang mas naging emotional ako ngayon? Di ba dapat normal lang sa 'kin 'to? Pero bakit ako nasasaktan ng ganito?
Inabot ko kay Axel ang wallet pagkatapos ay agad na kong tumakbo palabas ng police station. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto kong mapag-isa saglit. Gusto kong ilabas ang lahat ng bigat na nararamdaman ko ngayon.

BINABASA MO ANG
I'm Living with the Four Jerks (PUBLISHED Under PSICOM)
ActionFamily has always been the top priority for Siree Santos. Sa murang edad ay naghanap agad siya ng trabaho para matulungan ang pamilya niya. She found a job at Mr. Richman's mansion. The thought of giving up was not on her vocabulary even if the four...