Chapter 3: Arms

5.1K 158 7
                                    

AUBREE MERCADO      

       MATAPOS ang ilang huntahan sa ilang mga old friends ay tinawag na ako ng host para sa isang intermission. Nag-palakpakan ang crowd habang papunta ako ng stage. When I perfom, I am so confident. Na parang minamani ko lang ang pag-kanta at pagbigay aliw sa audience. Pero ewan ko kumbakit nang madaanan ko ang coffee-pastry buffet ng JLC ay bigla akong kinabahan.   

       Saglit lang napasadahan ng mata ko ang babaeng officer ng JLC. Hindi ko maintindihan bakit parang kusang pumipihit ang ulo ko papunta sa direksiyon niya. That girl affects me in a way that I don't understand.  

         Tumayo ako sa gitnang entablado at pumaimbabaw na ang introduction ng pinili kong awitin.."KISS ME: by Sixpence None the richer." Bago ako magsimula ay napadako na naman ang tingin ko sa babaeng pumupukaw ng interes ko. Kabibigay lang niya ng isang frappe kay Cielo. She bowed her head to say thank you, kaya nalaglag ang ilang hibla ng bangs niya sa mukha. Nilagay niya ang nalaglag na buhok  sa likod ng tainga niya sabay nag-angat ng mukha at napatingin siya sa direksiyon ko. 

    Our eyes met then she smiled. Pag-kangiti niya ay biglang umiba ang tibok ng heart ko. Ang pesteng puso ko, tumatalbog at parang nagwawala sa kinalalagyan niya. Ako ang unang nagbawi ng tingin at nagsimulang kumanta. 

     Nagconcentrate ako. Pagdating sa chorus...♫♪ Ooh-hoooh....Kiss me, beneath the milky twilight, Lead me out on the moonlit floor.
        Lift your open hand strike out the bands and make the fireflies dance in silvermoon sparkling....♫♪ ......"

         Napapikit ako bago ko sambitin yung last three words, ...♫♪So...KISS ME....♫♪  

    Nagulat ako sa pumasok sa isip ko... that coffee-girl-manager and me...kissing.. Whoah! Ano ba 'tong nagaganap sa isipan ko?!! The audience clapped their hands after I sang.

      Dumeretso ako ng CR at naghilamos. Iba. ..Iba itong pakiramdam ko. Ano ba ang mero'n sa babaeng  'yon?     

          Inayos ko ang sarili ko, nagpunas ng mukha, nag face powder at light na lipstick. Pinusod ko na rin ang buhok ko gamit ang pink na clamp. Nagsparay ulit ng baby cologne.  Dalawa lang ang cubicle ng comfort room, pumasok ako sa isa at umihi. Nabawasan ang tensiyon ko. Sa  buong buhay ko, first time lang naging ganito ang ritmo ng puso ko, abnormal. Natagalan yata ako sa loob at may kumatok na sa akin.   

           "May tao po ba?" tanong niya. Napakalambing naman ng boses ng babaeng ito. Nakaka-antok.    
          "Ay wait lang," sagot ko.    

          "Sorry po," sabi niya at narinig ko ang lagaslas ng tubig sa lababo. Naghugas yata ng kamay yung babae. Nahiya naman ako kaya hindi ko na tinuck-in ang polo shirt ko para makalabas agad.      

         Paglabas ko ng cubicle ay nakatalikod ang babae at may hinahalungkat sa bag. Nakita ko ang isang puting panyo sa sahig at dinampot ko.    

           "Excuse me, Miss... Ito ba 'yung hinahanap mo?" tanong ko sabay nag-angat siya ng ulo at tumingin sa akin. 

         "Ay! Naku! Salamat, nalaglag pala, hihi," sagot niya.... ng babaeng nag-papa-alpas ng puso ko mula ng makita ko. Grabe! Mas gumanda siya ng malapitan. Parang tumigil ang inog ng mundo ko. Bumilis ang pintig ng lahat ng pulso ko. 

              "Miss? Okay ka lang?" untag niya.     
            "O-oo...d-diba i-ikaw yung store manager ng pastry buffet?"
           "Y-Yah! P-pero iihi muna ako ha, sakit na ng puson ko."   
           "Ay! Oo nga pala! Pasok ka na," at ako pa ang nagbukas ng pinto ng cubicle para makapasok siya. Nang maiwan ako sa labas, hindi ako mapakali. 

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Where stories live. Discover now