Chapter 18: Dare to know You

2.8K 117 7
                                    

AUBREE'S POV:

            INIWAN muna ako ulit ni Vienna sa beach. Nagugutom na naman ang luka-loka. May nakita akong stick at inabot ko 'yun by my right foot. Sumulat ako sa buhangin gamit ang stick...

            "Bree loves Gee" at pinalibutan ko ng isang hugis puso. Matapos 'yun ay binato ko ang stick sa malayo. Hindi ko namalayang may tao pala sa likod ko. "CLICK"

          "Gotcha!" Si Balot. Kinunan niya ako ng picture na nakatalikod at nakasama ang din-rawing kong heart with our names ni Gee in it. Pinrint agad ni Balot at binigay sa akin.

          "Here.."
          "Sure lang ako lang may kopya nito ha," tanong ko. Umupo siya sa tabi ko. 
       
         "O naman, natuwa lang ako. So, who's Gee? Siya yung kasama natin kanina no?"
         "Aha."
         "So, you seem compatible together, why a sadness in your eyes?"

          Kinuwento ko ng kaunti ang deal namin ni Gee. Na, hindi natural ang mga kasweetan niya, kundi nagpa-practice lang siya maging romantic thru me.

          "Awwww....at least you know where you stand simula pa lang. Pero malay mo, madevelop sa 'yo?"
          "Hindi naman ako sigurado sa sarili ko, basta alam ko lang, gusto ko siya."
         "So hindi ka pa sure?"
         "Na?"
         "Mainlove?"
         "Not sure. Yeah... NBSB."
         "What? Sa ganda't sexy mong 'yan?!"

          Nagkibit-balikat lang ako saka binura ko ng kamay ko 'yung ginawa ko sa buhangin.

         "Ikaw Balot? Bakit ka nandito? Ano'ng purpose mo?"
          "To enjoy life....at maglibang. Broken-hearted."
          "Hindi ka mukhang broken-hearted ha. Tawa ka ng tawa kasi  mula sa kanina do'n."
         "Laughter is the best medicine right? Kung dahil sa akin ay mapapangiti ang iba, why not? Ayokong idamay ang mga masasayang tao sa paligid ko dahil malungkot ako."
          "What happened if you don't mind?"
         "Nagsawa? Binigay ko naman ang lahat? Kulang pa rin?"
         "Baka naman, there's something missing?"
         "Like?"
         "Sabi nga ng ka MU ni Geela, romance?"
         "Whatever! Hindi ka ba maliligo? Maganda ang dagat..."
          "Maya-maya na, sa-sideline muna ako."

         Mabilis kong inexplain kay Balot yung nobelang tinatapos ko.
"Okay go, just see 'yha 'round."

        Pagbalik ko ng bahay ay nanonood ng tv sina Vienna at Sally. Nakapatong ang ulo ni Sally sa lap ni Vienna at sabay kumakain ng chips. Somehow, kahit alam kong "may something" sa kanila, hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay Vienna. Baka mahulog siya ng  sobra.

         Binati nila ako at tinanguan ko lang sila. Pagbalik ng room namin ni Geela ay wala siya. Pagdungaw ko ng bintana ay tanaw ko siyang nasa veranda at nasa duyan habang humihigop ng buko juice. Binuksan ko ang laptop ko at mabilis tinipa ang keyboard.

          Nakatapos ako ng isang chapter. Inilarawan ko ang damdaming nakapaloob sa bidang si Misty. Na hanggang ngayon ay hindi niya maiwasang hindi pigilan ang damdamin niya kay Mervin, sa inaakalang may mahal itong iba.

           Pinagpatuloy ko ang pag-susulat hanggang natagpuan kong nilalarawan ko na ang feelings ko para kay Geela. Paunti-unti, naiinvolve na ako sa sinusulat ko. I sighed then turned off my laptop.

          Humiga ako sa kama at pumikit. Maya-maya'y naramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko.

        "Uhmmmm.....ambango mo naman Bree. Bagay sa 'yo pangalan mo," sabi ni Gee at humarap ako sa kanya.

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Where stories live. Discover now