Chapter 6: Moy-Moy ni M.e.o.w

3.8K 136 3
                                    

VIENNA'S POV:

          INIWAN muna kami ni Aubree pansamantala at naki-mingle sa ibang kakilala niya. Ako naman ay naupo lang sa isang round table at inaantay si Sally na kumuha ng inumin.

          Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko sa isang text.  Nagpakilala siyang bilang si Geela, expressing her appreciation sa pagkuha namin sa kanila last reunion.

         I replied "No worries, I will still recommend your café kahit hindi na ikaw ang mag-manage. Anyways, is this your number or company number?"
        "Yah, it's mine. Thanks again po."
        "Sus! Po ka diyan. Kailan pala ang luwas mo ng Manila? Maybe we can bond with my friends, i-tour ka namin."
         "Wow! It's my pleasure. I will check with my schedule, alam ko ay isang week pa kami rito kasi dadating 'yung isang may-ari ng café, si Ma'm Cissy, mag-dadalaw. Kaya extended ako rito."
         "Okay shoot, I'll text you tommorow. I will give you discount din sa newly open salon ko if you wish."
         "Okay, nice to meet you Ma'm.."

 
          Hindi na ako sumagot sa text ni Geela dahil tumabi na sa 'kin si Sally. Inabot niya 'yung drinks na kinuha niya.

         "Oh Moy!"
         "Ano ka ba? Tigilan mo nga 'yang tawag mo sa 'king 'yan!"
         "Isn't it cute?"
          "Hinde!"

       Kinurot niya ang pisngi ko ng mariin. "Uhhhmmmm...ang cute cute mo talaga!"

           "Sus! Baka akala mo, may sama pa ako ng loob sa 'yo no! Pa-Moy Moy Moy ka pa diyan!"
          "Hala! Bakit? Ano ginawa ko?"
          " 'Yun nga, wala kang ginawa."
          "Na ano?"
          "P-para hanapin ako?"
          "Ha? Ano?"
          "After high school graduation, hindi ka na nagparamdam."
         "Ahhhhh....."
         "Akala ko,di na tayo magkikita."

     Tuloy lang kami sa iniinom naming cocktail drinks habang nag-kukuwentuhan. "So, kamusta ka na Sahara Luna?"

          "Hahahah!!! Matagal ng walang tumatawag sa buo kong pangalan! Nakakatuwa ka talaga Bekbek!"
          "Mataba ako pero marunong kong magseryoso, tumigil ka."
          "Pikon ka pa rin, masanay ka na sa presensiya ko."
         "Waja mean?"
          "Matatagalan bago ako bumalik ng Maynila."
          "O, e, ano na nga ba naging buhay mo after high school?"
      
         "Well, again sorry. Nung senior years natin ay naiba ka naman na ng sections and you've got Aubree and Cielo. Honestly? I was jealous then. I was used to be your pal, pero sila na ang nakasama mo. Hmmm.. you know, kabataan, immature. Kaya hindi na rin kita masyadong nilalapitan noon. Sino ba naman ako diba?"

           "Sus! Arte! Eh pa'no kita lalapitan, may lovelife ka no'n, si Rodolfo? Singit pa ba ako?"
          "Iba ang kaibigan sa boyfriend, saka di naman kami seryoso."
          "So, nakailang bf ka ba?"
          "Secret...."
          "Oh tapos ano? Sa'n ka nagkolehiyo? Ano trabaho mo?"
          "Kinuha ako ng tatay ko sa Maynila. Pinag-aral niya ako sa isang di kamahalang University doon. I graduated Commerce, Marketing. Sales head ako sa isang Pharmaceutical company. Nagkasakit ang Papa two years ago, kami na lang ni Mama at ni Ate nagsusupport."
           "Oh...sorry to hear that."
           "Kaya ako nandito para mag unwind.  Ang kuya sumunod naman din sa Maynila then eventually nag Dubai. See, hiwa-hiwalay na kami."
          "I guess... hindi ka mag-a-unwind dito Sally."
          "Bakit naman?"
          "Dito ka hahanap at bubuo ng pamilya. So, ang tree house, kamusta?"
          "Ha !ha!"
          "What's funny?"
          "Wala...may naalala lang ako."
          "Alam ko ang iniisip mo, tigilan mo na 'yan.."
          "Well, anyway, gusto kong bumalik sa mga Tito ko doon, maybe next month? Sama ka?"

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Where stories live. Discover now