Chapter 45: Seeing you again

2.9K 116 0
                                    

AUBREE'S POV:

           MIXED emotions na naman ang nararamdaman ko. Apat na buwang hindi kami nagkita ni Geela then suddenly, ganito? Bigla-bigla nagtatapat na mahal ako? Na maghintay ako. Matapos niyang bumitiw? Ano ba'ng gusto niyang mangyari? Kami agad?

             "Guys, salamat sa pagpunta and for sharing this special night with us. Thank you Balot for dropping by kahit alam kong super busy ka,"
dere-deretsong litanya ni Vienna bago matapos ang program.

          "Sally, I love you very much, thank you for this."  She just smiled.

           "Guys, may dinner pa sa bahay, invited po ulit ang lahat. Yung hindi nagmamadali, puwede pa hong lumafang doon."

          Umupo lang muna ako sa isang corner habang nagpa-paalaman pa sila at ang ilang bisita. 'Yung iba ay pupunta pa sa dinner at ang iba nama'y piniling umuwi na.

           Habang busy sila ay pinuntahan ako ni Balot. "Bree, ano? May kotse ka? Sabay ka na sa 'kin? Sa'n ka ba? Di ba kina Bekbek?"

            "Oo, pero hindi na, makaka-abala pa ko sa date mo," sagot ko sabay tinapunan ng tingin ang kasama niyang babae.

            "Ay si Jerie pala Bree, staff ko. May seminar din kami malapit dito kaya kasama ko. Medyo injured left leg ko, driver ko na rin siya, diba no Jer?"
            "Opo, basta po kayo."
            "Huwag mo munang isipin si Mindy, mahal ka no'n."

           Nakita kong umirap si Jerie. Girlfriend siguro niya 'yung Mindy. Tsimosa pa ako ano?

         "So, ano? Sa 'min ka na sabay?"

           Sasagot na sana ako ng oo nang marinig namin mula sa likod ni Balot si Geela.

           "Sa akin na lang siya sasabay Balot, ready na nga siyang umalis diba Bree?"

          Napa-iling na lang ako. "O sige Balot thank you, kay Geela na lang ako sasabay."
           "Okay, kita na lang tayo sa bahay ni Bek. Minsan lang kasi maka-larga lubus-lubosin ko na."
           "Okay see you there."

           Naiwan na lang kami sa venue, ako si Geela, Sally at Vienna. Si Cielo ay uuwi raw muna at babalikan ang mga pasalubong galing Maynila.
Nanatiling nasa tabi ko si Geela. Hindi ko siya pinapansin at tinitingnan. Sumunod siya ngayon - bahala siya no.

          "Haay!! Natapos din!" sabi ni Bekbek habang nakayakap si Sally sa kanya at maya't-mayang nakahalik sa balikat at pisngi niya.

            "PDA naman!" kunyaring naiinis ako pero sa totoo lang ay natutuwa ako sa kanilang dalawa. Masaya ako para sa kaibigan ko.

           "Eh aksi naman, pakipot ka pa kay Geela, ayan oh, halos hindi na mahiwalay sa 'yo. Magkaka-stiff neck ka nyan Bree, ayaw mo siyang lingunin."

            Nilingon ko si Gee sa likod ko at nagpout pa siya ng lips.

          "Hindi mo 'ko makukuha sa ganyan Geela Maina, excuse me," sungit ko sa kanya kunyare pero sa totoo lang ay kilig na kilig ako na parang aso siyang nakabuntot sa akin.

            "C'mon guys, it's your turn to patch things up. Masarap mainlove at kitang-kita naman sa mga mata niyong love niyo pa isa't-isa," tukso ni Vienna.

           Hindi nagsasalita si Sally. Basta pag tungkol sa Ciereena ay hindi naman siya nakiki-alam maliban na lang kung tanungin siya or hingan ng advice.

           "O nga pala Bree, si Ada paano?" Biglang naalala ni Vienna. Pinuntahan ko kasi siya kahapon para imbitahan ngayong gabi. Hindi niya alam na dadating din si Cielo. Sana, maging maayos na rin silang dalawa.

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Where stories live. Discover now